"Kiss ko," I demanded at Pochi.
Sumimangot siya sa akin. Kararating niya lang dito sa bahay. Its been a hectic week for her. Advanced shoots ang inatupag niya. Katumbas ng four vlogs ang ginawa. She'll take a month vacation with me.
"Gosh, I'm so tired."
"Come here," I said with open arms.
Lumapit si Pochi at hinila ko siya para paupoin sa kandungan ko. Agad niya rin akong niyakap. Tahimik kami pareho. She then rested her head on my left shoulder.
"My Pochi, we should take a nap?"
Tinanggal niya ang ulo sa aking balikat at hinarap ako. Namumungay ang mga mata, halatang pagod. Marahan siyang tumango at hindi na nagsalita pa. Tumayo ako habang buhat-buhat siya. Hindi umapila si Pochi sa ginawa ko.
"Ang bigat ng Pochi ko," biro ko.
Yumakap lang siya ng mahigpit matapos mabiro. Pagod na talaga ang isang 'to.
I felt the gentle touch of a hand on my forehead. Marahan kong minulat ang aking mata.
"Sarap naman..." bulong ko.
"Huh?"
"Sarap gumising sa yakap mo."
Pinatakan niya ako ng isang halik sa pisngi.
"Sa pisngi lang?" tawa ko.
At muli naman niya akong pinatakan ng halik, ngunit sa ilong iyon. Dali-daling siyang umalis sa kama. Malambing na tumatawa.
"Pahalik ako sa labi," habol ko at tuluyang bumangon.
Sa mga nagdaang araw ay binuhos naming dalawa ang oras sa isa't isa. Ngayong umaga ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Napagpasyahang mag-jogging sa araw na ito. Sa isang shed kami tumigil muna upang mamahinga.
"Falcon, pikit ka," utos niya. Ako ay agad sumunod. After a second... I felt her lips on mine. Pagmulat ng mata ko ay tumatakbo na siya palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?