Weeks passed since Pochi and I broke up. Huh, it's almost a month already. Binuhos ko ang atensyon ko sa aking channel. I share my music more, and a little bit of myself. Minsan a day in the life video. Ginawang tambayan ni Exodus ang bahay ko. He's bored, iyon ang dahilan niya palagi. Tamang-tama at siya ang ginawa kong taga-video.
"Tara na lang suntukan, Exodus," pag-aaya ko sa kaniya.
Iniangat niya ang kaniyang tingin mula sa screen ng phone patungo sa akin. "Suntukin mo mukha mo," he said boredly. Muli niyang binalik ang tingin sa kaniyang phone.
Pinulot ko ang phone sa aking gilid. I checked Pochi's socmed. Walang kahit anong update. Ano pa nga bang aasahan ko. Hindi naman pala-social media si Pochi. Miss Environmentalist ang name ng channel niya. Doon lang naman siya nag-share ng tungkol sa kaniyang advocacy. Pero wala pa rin siyang upload ngayon.
Hindi talaga ako makaka-move on. Wala akong balak. I'm just giving her freedom back without me. Nalaman kong wala siyang break from her vlogs the previous month. She wants to spend time with me. Goodness. Tinigil niya para sa akin. I don't like that.
Exodus told me about that during our inuman session. Nag-inuman kami dito sa bahay, dadamayan niya raw ang sawi kong puso. Ang ending ay siya ang nalasing.
Ang saya-saya namin ni Pochi noong nakaraan. Baka ako lang 'yon. Maybe she's really hurting inside. I stared at her smiling face sa isang photo online. I miss her.
"Oorder ako ng fried chicken. You want?" Exodus asked.
Chicken. Mas lalo ko lang siya na-miss.
"Meron sa ref, magluto ka na lang." I suggested to him. Agad siyang umiling sa akin, "I don't like to cook. And bisita ako rito. Dapat ikaw ang magluto!"
"Just order," singit ni Loren na kapapasok lang sa pintuan. "Damihan mo ang order. Mukbang Q and A ang gawin mong content Exodus," he added before he sat down on one of the sofa.
"Mag-livestream ka na lang," I suggested. Damn, for sure this is going to be chaotic. Natawa ako bahagya. The last time he went live, sumuka siya sa harap mismo ng camera. Sobrang epic. Lasing na lasing, eh.
"No alcohol!" Loren laughed out loud.
Bago pa man dumating ang order na pagkain ay nagsimula na ang mag-live si Exodus. Umupo siya sa sahig, sa likod niya ay prente kaming magkatabi ni Renz sa long sofa.
"Hello, hello..." panimula ni Exodus. Sinusuklay niya pa talaga ang buhok niya gamit ang kamay. Umabot agad sa halos 3k ang viewers. Maraming bumabati sa live chat.
...
cuteako: HELLOOO
cuteako: SUKAHAN MO AKO
lololol: gwapoooo
loverxlover: hiiii
wagpls: HUWAG MO KAMI SUKAHAN!!!
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?