Simula

405 5 0
                                    


"Hard work makes everything work, eh?"


Tumango-tango ako sa kanya habang nakatuon ang tingin sa monitor ng computer.


"You just dropped your album a week ago. Tapos gusto mo ay maglabas ulit?"


Ang dami niyang tanong.


"Why not?" I answered, tinuon ang tingin sa mukha niya.


"Why don't you drop it next year? Konting oras na lang, ah?" He smirked.


"Akala ko ba ay nandito ka para kumbinsihin akong magcelebrate ng New Year?"


"Oo nga, Falcon. We will celebrate kasabay ang paglabas ng bagong album." Loren laughed.


"Kung kailan wala ang buong barkada saka ka naman sumulpot. Wala ka noong pagsalubong nitong taon. Buo sana, wala ka nga lang," iling ko pagpapaalala sa kaniya.


Bigla siyang sumeryoso. "Medyo nabaliw ako noon, eh."


Nabaliw talaga siya. Nabaliw sa isang babae. Sinundan out of the country.


"Nasaan na siya? Bakit hindi mo sundan ngayong darating na taon?" I teased.


"Buong taon na akong naghahabol. I dont want to chase after her anymore," he sighed.


Buti nga siya at nakapaghabol. Paano naman ako? Hindi pa nga ako nakakahabol ay wala na ang hahabulin ko. Talong-talo.


"Buong taon? Eh di sana hinahabol mo pa siya ngayon. Hindi pa tapos ang taon," pang-aasar kong muli.


"Suntukan na lang tayo,"  tawa niya.


Saktong tumunog doorbell kaya inaya ko siya pumunta pumunta sa baba.


"Delivery po!"


Nagtaka ako dahil wala naman akong inorder na kahit ano.


"Ay, thats mine," habol ni Loren. Hilig talaga maghabol.


"Salamat Kuya!" sabi ko bago isinara ang gate.


"Ano yan?" usisa ko. Nandito na kami sa living room at binubuksan niya na ang parcel.

"Fireworks," ngiti niya.


"Gago!" apila ko agad.


"Pare, what do you expect, lusis?"


"Mahiya ka naman. Dadagdag ka pa sa air pollution!"


Tumayo siya at nakapamaywang akong tiningnan. Napaface palm pa siya.


"We're going to plant trees tomorrow," he declared.


"What?"


"I am going to plant a tree bukas. You can go with me if you want."


I just nodded. It feels like he will do that to compensate for using fireworks in welcoming the year. Buti't naisipan niya iyon.


Time passed and nagcountdown na kami.


5... 4... 3... 2... 1


"What the fuck!" Nagtorotot ang gago. Kapapasok pa lang ng taon ay nakapagmura na agad ako. 


"Pre, why?" Biglang tigil ni Loren.


"Nagulat ako, gago!" Ayan, napamura na naman ako. Sana ay hindi ako buong taong magmura.


Nanlaki ang mata niya bahagya. "Chill! Lets drink already. You need to calm down."


Pinanliitan ko siya ng mata. "Iyong fireworks?"


Inilingan lamang ako niya.


"Iyong fireworks?" paalala ko muli sa kaniya, nag-iinuman na kami ngayon.


"I changed my mind," sagot niya.


"How about your album?" ulit din niya.


"I changed my mind," I mimicked his answer a while ago. Nilagok ko ang iniinom.


Binaba ko ang aking baso. I crossed my arms and watched the night sky. Around 1 am na kaya wala ng fireworks.


"I miss her," Loren murmured. Dahilan para mapabaling ang atensyon ko sa kaniya. Nakakadalawang bote pa lang kami. Lasing na ata siya.


"Bakit kasi hindi mo habulin?" Tanong ko. Kasi kung nariyan pa si Sandra ay todo habol ako doon. Handa na akong aminin sa kaniya. Handa na akong maghabol kung maaari. Pero hindi ako kailanman naging handa sa pagkawala niya.


"Pagod ka na?" I added. Asking if pagod na ba siya sa paghahabol.


"Slight lang. I stopped to recharge myself." He poured the liquor into his glass.


"Ginawa mong charging station itong bahay ko?" Tawa ko.


"You have a point," he chuckled.


Tinapos lang namin ang ikalawang bote at piniling magpahinga na dahil ang planong tree planting ay itutuloy.


Ibinagsak ko ang sarili sa kama. Pumikit ako at ngamulat muli ng mga mata. Inabot ko sa bedside table ang journal.


Hindi rin naman agad makakatulog kayat nagsulat na lamang. Napatigalgal ako bahagya sa naisulat.


I miss you, Sandra.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon