Naging masaya man ang mga nakaraang araw, hindi maalis sa utak ko ang kabulastugang nagawa. Nang dahil sa suntukan ay nawala ang ilang taong pinaghirapan.
"You're thinking of Exodus."
Napatingin ako kay Pochi. Suminghap siya bago binaba niya ang librong binabasa.
"Why would I think of that guy?" I said boringly.
"Kasama siya sa naiisip mo?"
"Hmmm... yeah."
Totoong naiisip ko ang lalaking iyon. Aminadong may kasalanan ako sa nangyari. Pulit-ulit bumabalik ang isip ko sa suntukan. Nasa concert sana ako ngayon kung hindi nagpadalos-dalos.
"You're regretting that you are with me now," seryoso niyang sambit.
Tumayo ako upang tumabi sa kinauupuan niya. I held both of her hands. The hurt in her eyes showed clearly. She then looked down at both of our hands.
"Please, don't blame yourself," I whispered.
"Sana nasa concert ka ngayon..."
Hindi nakatakas sa akin ang lungot sa kaniyang tinig. Bakit niya alam ang mga naiisip ko?
"I'm sorry..." masuyo kong tugon.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"I am hurting your feelings."
Umiling siya at tumayo. Nanatili akong nakaupo, pinanuod ang pabalik-balik niyang paglalakad.
"Fine, I will be having a concert today. Are you up for that?" natatawa kong sabi.
"Ako lang ang audience?"
Tumango ako. She's more than enough.
"You are my only live audience," I said, trying to lighten up the mood.
Agad siyang lumapit at niyakap ako. I kissed her forehead. Bigla akong kinabahan, hindi ko nabanggit na online concert ang gagawin. I'm not sure if she's alright with that.
"Can't we make your concert an online one?" she gently asked.
Napangiti ako. Whoah.
"Gawin nating online concert. We should have a great set-up. Wait..." humiwalay siya sa yakap sa akin. "I'll call someone who has a studio!"
Hinila ko siya pabalik, aligagang-aligaga siya. Napahalakhak ako.
"Bakit ka tumatawa?"
Taray nito.
"Everything is set. Huwag ka ma-stress."
Napalitan ng pagkamangha ang kaniyang nag-aalalang ekspresyon. "You didn't tell me!" maktol niya.
"Surprise... I guess," I said playfully.
"Ano ba 'yan? Wala man lang akong ambag!"
Kanina ang lungkot pa nito, ah. Hanggang sa makarating sa studio ay todo reklamo siya na wala siyang naging ambag.
"Ugh, wala talaga akong ambag!"
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi upang mas masinsinan ko siyang tingnan. Pumungay ang kaniyang mga mata.
"Laking ambag ng pagmamahal mo," bulong ko.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?