23

21 1 0
                                    


Diretso byahe patungo sa Moalboal ang buong team after kumain.


"What the fuck! I'm so hurt. I'm the third wheel and I'm the driver," Loren whined.


Bahala kang magreklamo diyan. Nasa likod kaming dalawa ni Pochi. Sa kanilang dalawa ako sumabay.


Naalimpungatan ako nang may mahinang tumatapik sa aking kaliwang pisngi. Nakatulog pala ako.


"Hmm?" I blinked at her.


"We're here." Pagkasabi noon ay agad niyang binuksan ang pinto at lumabas. Sumunod ako at doon din mismo sa side niya lumabas.


Pochi's yawning when I got out of the car. She yawned like a cat. Too adorable.


"Wait, Poch." Habol ko sa kaniya nang papasok na siya sa kaniyang villa.


I need to clarify her response when I told her that I like her. Mapupungay ang mga mata niya nang ako'y hinarap.


"What?" she asked as she yawned.


"A-about earlier?" I stammered, bakit naman ngayon pa ako kinabahan?


"Hmm?"


"What does your 'okay' mean?" I suddenly yawned after asking.


Gusto ko malinaw ang lahat. Pero wala talagang makatatalo sa antok.


"Sorry," hingi ko ng paumanhin.


Tumango lang siya sa akin. Mukhang inaantok na talaga.


"Okay. I mean, it's okay for you to like me. Walang masama." Mahina niyang pagkakasabi.


Okay? Parang hindi ata ako makakatulog nito dahil sa sinabi niya. Oh, hindi ako sigurado kung tama ba ang mga salitang narinig ko. Lilinawin ko na lang mamaya kapag tirik na ang araw at hindi kami pareho inaantok.


"I like you," basta kong tugon. 


What should I say? Basta alam kong gusto ko siya. Gustong-gusto.


"Okay," she made gave me a small smile with her sleepy eyes.


That's not the response I wanted to hear. Somewhere in time, that response will change.


"Okay, sleepwell." Sabi ko sabay talikod at dire-diretsong pumunta sa aking villa. Ang suplado ko sa part na 'yon. Ewan ko, epekto lang siguro ng pagod at antok.




Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon