14

30 1 0
                                    


Tuwing mapupunta ang tingin ko kay Pochi ay lagi siyang natatawa sa akin.


"Mukha ba akong clown?" hindi ko napigilang tanong sa kaniya.


Umiiling siyang nakangiti at ipinagpatuloy ang pagkain. We're currently having our dinner. After that coconut and kilitian incident ay nagdecide kaming kumain na. Damn, medyo nahihiya pa rin ako sa nangyari.


"We need to get your head checked." Seryosong tingin sa akin ni Pochi.


Maarte kong hinawakan ang aking bukol sa likod ng ulo. Hindi na kasing sakit kumpara sa kanina.


"No need, Poch. Matibay ang skull niya," singit ni Loren.


I glared at him immediately. Nginisian lang ako ng mokong. Why is there a third wheel in here?


Binalingan ko ng ngiti si Pochi.  "You'll accompany me?"


"Sure," she answered.


Ang pagkakataon nga naman.


"No need, Poch. I'll accompany him." Pambasag ni Loren na nagputol sa titigan namin ni Pochi. He's smirking at me. Damn this guy!

 
Aangal sana ako pero narescue ako ni Poch.


"You don't need to be with us, Loren. You have a lot of things to do. Don't worry, I can handle him."


That's my girl.


Hindi na ako nagsalita pa at ngayon... ako ang ngumisi sa kaniya.


He was about to speak when his phone vibrated at the table.


"That's what I'm talking about," Pochi shrugged at him.


Mabilis siyang lumayo sa table para sagutin ang tawag. I gave him a little salute. Yes! Solo time with Poch.


Humalumbaba ako sa aking kanang kamay at mariing tinitigan si Pochi na kumakain ng buko pandan. Nagpatuloy siya sa marahang pagkain at ni hindi man lang ako nagawang tingnan. Although, I can watch her for hours. Mas maganda sa malapitan. Maganda rin naman siya sa vlogs niya. But nothing really compares when you're with someone rather than watching them virtually.


"Masarap?" Hindi ko napigilang tanong.


There. She finally turned her eyes on me. She gave me a little smile and nodded.  To my surprise, iniaaro niya sa harap ng bibig ko ang isang kutsarang may laman noon.


"You should try it," she convinced me.


Sino ba ako para tumanggi. Tumango ako at siya pa talaga ang nag-adjust para maisubo sa akin ang buko pandan. So sweet.


Umayos siya ng upo pagkatapos. Pinagmasdan ko siya habang marahang kumakain.


"Thanks at wala na akong kakainin. Kanina ko pa pinoproblema kung paano uubusin. Buti't pumayag kang kainin ang inalok ko," Pochi said with a hint of guilt.


Kaya pala ang bagal niya kumain. I got lost watching her and I didn't realize that she was dealing with something already. I think I should be more attentive.


"That's alright," I assured her.


"But are you sure your head is okay?"


There she goes again. Kanina niya pa ako kinukulit kung ayos pa talaga ako. Actually, noong nasa may dalampasigan ay gusto niya akong dalhin sa ospital kahit utas na siya sa katatawa sa pangingiliti noong matapos ang coconut incident.


Kung makulit siya ay mas makulit ako. Hindi ako pumayag magpadala dahil sayang naman at kararating lang dito sa beach tapos aalis agad. Hindi ako pumunta rito para ang huling puntahan ay ospital. Pati maliit na niyog lang ang tumama sa ulo. Saktong wala rin laman kaya hindi naman talaga sobra ang sakit. I can bear it. Mukhang tama nga si Loren, matibay ang skull ko.


"Puwede mo bang ihipan?" I chuckled slightly.


"Huh?"


Oh. She doesn't know that? Hindi ba ang sabi 'pag may bukol ay ihipan dapat para mawala ang sakit or something like liliit ang bukol?


"Ihipan mo ang bukol ko."


"You believe in that?" she said in horror.


"Never mind." I sighed as I crossed my arms. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya.


Biglang tumayo si Pochi.


"Oh? Saan ka pupunta?" baling ko agad.


Akmang tatayo na ako pero...


"Stay," Pochi said calmly.


"What?" tanong ko naman.


"Kapag lumalala itong bukol mo ay huwag mo akong sisisihin."


Natilihan ako nang hawakan niya ang aking ulo. Marahan niyang hinipan ang parteng may bukol. Napapikit ako at tumindig ang mga balahibo ko sa katawan.


"Okay now?" she whispered gently in my ear.


I am more than okay. But...


"Isa pa," namamaos kong pahayag.


Napangiti ako. Wala naman sigurong masama na humiling ng isa pa.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon