40

36 1 0
                                    

"Kinakabahan ako," pag-amin ko kay Pochi. Kinulong ng dalawa niyang kamay ang aking ulo.


"Don't think too much."


Banayad akong tumango. Pero kinakabahan pa rin talaga ako. Walang masyadong practice. Sa katunayan ay kahapon pumasok sa isipan ang online concert. Kinukulit ako ni Pochi na gumawa ng channel noong nakalipas na mga araw.


Gumawa ako at naglabas ng maiikling mga video, kumakanta ako. Ilang linggo na ang nakararaan. Hanep, umabot naman ng 30k ang subscribers. Tumataas pa siya.


Dahil nga naging busy si Pochi, hindi siya aware sa mga ginawa kong iyon.


"Lahat ng nasa IG live mo ay nilagay mo dito. Bakit hindi ko alam?" nguso niya sa akin.


Nakangisi akong napailing. Hindi naman kasi siya nag-stay sa YouTube para manuod ng videos kaya hindi niya alam.


"It doesn't matter."


Agad siyang umiling. "Kaloka ka! It matters to me."


Tanging yakap ang naging tugon ko sa kaniya. Ano bang nagawa ko sa past life para magka-girlfriend ng katulad niya?


Mabilis natapos ang kantahan. I only performed five songs, I gave my all.


"Ikaw na nasa harap ko..." Iniangat ko ang tingin kay Pochi, ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang naluluha.


"Mahal kita... Salamat sa pananatili sa tabi ko."


Muling binalik ko ang tingin sa camera. "Na-enjoy ko mag-perform. Thank you all for listening. May susunod pa. Keep safe!"


Matapos kumaway ay tumayo ako para lapitan si Pochi. I instantly kissed her lips as I held her face.


"Whoah! Sana all!"


Tss. Istorbo.


Pareho naming hinarap ang nagsalita. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito?


He opened both of his arms. Pochi threw herself at him.


"Exodus," I murmured as I watched the both of them, looking like a damn couple enjoying the embrace.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon