Ang napag-usapang meet-up ay sa bahay lang ni Pochi. Tanaw ko siya na nakasimangot. Nasa tabi siya ng bukas niyang gate.
Tumalikod siya at pumasok na sa loob.
Tumigil ako sa harap ng gate. Nag-aatubiling pumasok. Nilingon ako ni Pochi, kumunot ang noo niya.
"Pasok na."
Agad akong umiling, nanatili sa kinatatayuan. Naglakad siya papunta sa akin.
"Come on, you shy now?" she said sarcastically.
"I'm sorry," napapaos kong sagot.
Suminghap siya. Hinila niya ang aking braso para sumunod sa kung saan siya pupunta, sa loob. Ngunit dahil malakas ako ay hindi niya ako mapilit.
"I'll only enter your home if you're my girlfriend," sambit ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis naningkit iyon, sinisipat ako na parang may mali.
"Matapos kang hindi magparamdam ng ilang linggo, ngayon tinatanong mo ako niyan?"
"That's my reflection time! Me finding peace without anyone involved in it," apila ko.
"Did you find your peace without me?"
Tanging iling ang aking sinagot sa tanong niyang iyon.
"Okay, then let's try. You're my boyfriend now." Inirapan niya ako. Aba, parang napilitan.
I bit my lower lip to hide my wide smile. Nanatiling masama ang titig niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?