46

42 1 0
                                    

Author's Note hehe

Salamat sa patuloy niyong pagbabasa. Sa pahaba na po ang laman ng magiging updates. I am only using my phone before to type whatever I want to type kaya ang iikli. Ngayon ay laptop na ang gamit ko. Ang sarap pala mag-type ng update na mahaba-haba, but I'm still new to this so please bear with me. Patawarin niyo na ako agad sa mga errors HAHAHA i'm still learning :p

Happy Reading! Enjoy!

:)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Pochi's POV


"Bakit siya pa rin hanggang ngayon?" Cami asked.


We're here at my condo. I sold my house three years ago. I can't fathom to stay at that house. In each of every corner, I am always reminded of him.


"Because... he's the only one, eh," I drank my Soju.


I scrunched my face. Grape fruit flavor is not really my type. Ah, we need to finish the fifth bottle. I felt like I'm spinning.


"I'm the one who... broke up with him. Ang tagal na tagal na... why does it hurt so much?"


"Shit, here we go again about your ex," Cami rolled her eyes.


This drinking session should be about her. I better shut up. Siya dapat ang nagku-kwento dahil siya ang broken-hearted sa aming dalawa. Bakit mas broken pa ako sa kaniya?


Lasing na ako pero hindi pa rin siya nagku-kwento. She's not that vocal to everyone. It's hard for her to open up to people even you're close to her. She opens up whenever she likes to.


"Wala na akong nararamdaman para sa kaniya," tanging tugon ni Cami sa mga pagtatanong ko kung ayos lang ba siya.


I raised an eyebrow. Feeling nothing at all for the person you used to love is so sad. Imagine, kaka-break niyo lang tapos ganoon agad. That's tragic. Sa bagay... iba-iba naman ang mga tao.


"Sana ayos ka lang," she commented. Well, she doesn't really need to ask. Mukha na siguro akong wasak na wasak ngayon.


Natahimik ako. Itinutok ko ang aking paningin sa mga boteng walang laman. Ilang bote pa ba ang mauubos ko para mawala ang nararamdaman ko kay Falcon? Ang lungkot, samatalang siya ay masaya kasama si Sandra. Parang may kumurot sa puso ko.


Nang ibalik ko ang tingin kay Cami ay sa bote na siya mismo umiinom. Nanlaki ang mata ko at natawa, umaagos na rin ang luha sa kaniyang mga pisngi!


"Ang sakit-sakit!" she exploded before she passed out.


Shit! Ang hawak na bote ay nabitawan niya. Oh my. Dali-dali kong kinuha iyon dahil umagos na sa sahig ang likido mula roon.


Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon