04

67 4 0
                                    

"Shit! Ang manok ko," mura ko sa sarili nang mapansin ang oras sa smartphone. 10 pm na. Iyong manok na binabad ko kaninang 8 pm ay nawala sa isipan.


Walang hiya. Nalimutan kong gutom na nga pala ako.Napatingin ulit ako sa screen ng aking phone. Ang haba ng oras na ginugol ko sa panunood ng mga videos, at sa isang channel pa talaga. Ang gaganda kasi ng nilalaman ng mga videos.


Well, maganda rin iyong babae. Nevertheless, pinanuod ko lang talaga ang mga videos dahil sa interesting content. Pero ang ganda talaga noong babae.


Pinatay ko ang phone para maluto na ang manok at makakain ng tunay. Tumayo ako at pinuntahan sa may sink ang binabad na manok. Malambot na siya.


I sighed as I am thinking of what to cook with the chicken meat.  I decided that fried na lang, para mas mabilis. Binudburan ko ng salt and pepper ang chicken para mas malasa. After putting them on the frying pan. I went after my phone again. I'm going to message Loren.


Me:
What's her name?


Pinagmasdan ko ang nilulutong chicken, pagkasend ng message. Ilang segundo ang lumipas ay binalik ko muli ang atensiyon sa phone. Wala pa ring reply ang mokong. I sent another text.


Me:
How about her IG?


Hinintay ko ang ilang sandal pero hindi pa rin siya nagreply. Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yon? I combed my hair using my fingers. Binababa ko ang phone sa table bago binaligtad ang nilulutong manok.


"Wow! Ang galing mo talaga magluto, Falcon. Pwede ka ng mag-asawa." Natawa ako matapos sabihin iyon sa sarili.


Perfect golden brown kasi ang kinalabasan ng bahaging nakatihaya na ngayon. I smirked. Suwerte ng magiging asawa ko. Kaya lang ay wala nga akong girlfriend tapos asawa na agad ang iniisip. Napaka-advance ng utak mo, Falcon.


Kinuha ko muli ang phone at mabilis na nagtipa ng mga messages na s-in-end ko rin agad.


Me:
Twitter?


Me:
Facebook?


Wala pa rin akong natanggap na kahit anong reply. Siguro ay tulog na ang mokong. Pero hindi ako pinigilan ng ganoong kaisipan para magtext pang muli.


Me:
Her phone number na lang.


I'm getting frustrated. Bakit kasi walang nakalagay na pangalan niya? Oh, bakit hindi man lang siya nagpakilala sa dinami-dami ng magagandang videos? Interesting talaga ang content ng videos and... interesting din siya. There, I finally said it.


I sent my final text to Loren. This is the last straw I thought that must be possible for him to have. Pagkatapos nito ay kakain na ako.


Me:
Gmail? 🥺


I even put a paawa emoji. One of the things you do when you're interested in a girl. So corny.


Pinatong kong muli ang phone sa lamesa bago hinango ang chicken. Pagkatapos kumain at mag-imis sa kitchen ay umakyat na ako patungong kwarto.


Umupo ako sa kama bago sumandal sa headboard. I turned the phone on, nagbabakasakaling nagreply na ang mokong ngunit nadismaya na wala pa rin. Nakaisip ako ng paraan para malaman ang pangalan ni Ms. Interesting Girl. Baka na kay Google ang sagot!


I yawned as the time passed, walang nalabas na kahit ano. Inabot na ako ng ala una ng madaling araw pero wala pa rin. Kasalanan 'to ni Loren. Speaking of the devil. Biglang nakaalala at nagreply na rin sa wakas.


Lorenzeus:
I thought you were not interested?


Mabilis kong nireplyan iyon.


Me:
I'm not interested if ang ang laman noong link na s-in-end mo ay porn. That's what I meant.


I hissed at my reason. Petty. Hindi naman nagreply ulit ang mokong.


Me:
Who is she?


Pangungulit kong text. Why am I drawn with someone who doesn't have a name?


After a while ay dumating rin ang text mula sa mokong. I groaned at seeing the new message from Loren.


Lorenzeus:
Secret. 

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon