Me:
Any clue?
Damn! I'm so desperate. Hindi na nagreply si Loren kaya tinawagan ko na lang siya.
"Who is she?" I said as he picked up my call.
"You went crazy already?" Loren chuckled lazily.
"Sino nga?" I hissed. I'm trying my best to be patient enough.
"I sent the link because I know you're into environment stuff that much." Kalmado niyang pagkakasabi. "Hindi ko nirereto iyong girl doon," he added.
"Parang gago," kumunot ang aking noo at napabuntong hininga.
He chuckled before cutting the line. Hindi pa tapos usapan, ah.
Nilagay ko sa bedside table ang phone bago ibinulagta ang sarili sa kama. I stared at my ceiling and then closed my eyes. Ano'ng dapat kong gawin? Bakit ba pinoproblema ko ang ganitong bagay?
I groaned at my thoughts. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at 'di namalayang nakatulog din sa kaguluhan ng mga iniisip.
Pagkagising ay ginawa ang usual stretching. Kailangan para magising ang katawan.
Nakita ko na lang ang sariling nakaharap sa salamin after some time. "Ang gwapo mo talaga, Falcon." I said as I did some pogi poses.
After my conceited moments in front of the mirror ay pumunta ako sa aking music studio. Music is my breakfast for today. Almost 10 am ay bumababa sa kitchen para sa tunay na breakfast or brunch.
Nang makita ang chicken meat sa freezer noong ref ay naalala ang naganap kagabi, I should probably just call Ms. Interesting Girl as Ms. Chicken.
Ms. Chicken clouded my mind for hours. Until I finally sum up the courage to call Loren.
"Hey, unli wings tayo." Anyaya ko sa kaniya. I'm going to grilled him with one question there...who's that girl?
"Unli picture taking ang magaganap sa pupuntahan natin. Alam mo naman na masyado akong gwapo," halakhak niya.
Tropa ko talaga ang mokong na'to.
"You just want to know her name that's why you invited me out. Sorry, I'm busy."
I laughed instantly after hearing Loren saying the word busy. It only meant one thing. He's in chasing mode again.
"I'm not kidding. Stop that laughter of yours or else hindi ko ibigay ang digits ni Ms. Interesting Girl mo," seryosong sabi niya sa linya.
I coughed fakely. "Ahem...ahem. Sige na, bye. Just send me her digits. Good luck, dude!"
"Good luck your ass!" He uttered before ending the call.
Lorenzeus:
09XXXXXXXXX
Finally! I can truly know her. But wait... what's her name? I texted Loren but he never replied. Malabo ng maabala ang isang iyon.
Ms. Chicken... that's the name I put into my contact list as I save her number.
Nagsend agad ako ng text message kay Ms. Chicken.
Me:
Hi
I immediately regret that text of mine. Sinong matinong tao pa ba ang ang nagrereply sa ganoong text from an unknown person?
Napakamot ako sa aking batok habang naiisip kung kakagat ba si Ms. Chicken sa naisip kong itext. Sana gumana ang naisip kong paraan.
Me:
Hi po. Delivery po from Shopee. Saang banda po ang inyo?
Napapikit ako sa naisend. Nabanggit din kasi sa vlog na karamihan sa gamit niya ay online nabibili. Halos mabitawan ko ang aking phone nang umilaw ito. Hindi reply text ang dumating kundi isang tawag mula kay Ms. Chicken!
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?