"Aren't you bored?" sambit ni Loren.
Iniaro ka sa kaniya ang naisulat ko sa papel. Kanina pa kasi siyang nagrereklamo na bored siya. Walang atubiling malakas niyang binasa ang nakasulat.
Puro ka reklamo
Ayaw mo umalis sa kinatatayuan mo
Hanapin mo ang iyong silbi
Habulin mo ang iyong babae
"Ang harsh mo, dude!" wika nito, madramang nakalagay sa dibdib ang kanang kamay.
Sa nakaraang mga linggo, tuwing weekend ay ginagawa niyang tambayan ang bahay ko. Noong nakaraan ay may dala pang papagayo ang gago.
"Dapat nagdala ka ng papagayo ulit ngayon para may maisulat akong matino," I crossed my arms as I am lecturing him.
Totoo naman kasi. Tingnan mo ang nasulat kong lyrics at para sa kaniya ang kinalabasan.
He just glared at me and went to the door.
"Oh, where you going?" habol ko.
Kinakausap ay basta ako tinalikuran. Nasa labas siya ng pinto nang nilingon ako.
"Uwi."
Tinanguan ko siya. Nagbibiro lang ako sa sinulat ko sa kaniya. Sineryoso niya naman. Napailing ako nang tumalikod siya at mukhang paalis na talaga. Ang tampururot ng isang iyon.
Sumandal ako sa swivel chair at pumikit saglit. Dinadama ang katahimikan. Laking pasasalamat dahil nawala ang madaldal. Pumasok sa isipan ko ang mga nagawa nitong nakaraang mga buwan.
I released the new album that was supposed to be released on New Year's eve or New Year's day. I did a little tour here and there. My mind somehow drifted to Sandra some midnights when my mind is not at ease.
Days turned to weeks... to months. Here I am, thoughts are not as dreadful as before.
I guess I was able to move on... from Sandra.
Regret is the only thing that is left to me. I regret that I wasn't able to express what I felt for her.
"Kung hindi ka lang sana malaking duwag," a part of my brain said some nights.
"Wala ring sense kung sinabi mo ang nararamdaman mo. May boyfriend siya," A part of me argued.
Nakakastress ang utak ko.
Kaya sinisigurado ko, 'pag nagkagusto na talaga ako sa isang tao ay sasabihin ko kaagad. No more pakipot from me. Naiisip ko lang kasi... baka abutan pa agad ng kamatayan ang taong sunod na magugustuhan ko. Shit, ano ba itong iniisip ko?
I dismissed all my thoughts. Napaidlip rin kalaunan. A sudden buzz on my phone happened. I slowly opened my eyes. Napakurap kurap saglit bago inabot ang phone. A message from Loren...
Lorenzeus:
May irereto ako.
Heto na naman siya sa kaniyang kalokohan.
Me:
Hindi ako interesado
He replied immediately. Hindi ko iyon pinansin dahil pinatay ko rin agad ang phone. Bumalik ako sa pagpikit at pagsandal sa swivel chair. Ilang sandali pa bago ako bumaba sa kitchen. Madilim na sa labas. Nagjumping jacks ako ng ilan para magising ang katawan. Antok pa ako.
I cooked tuna pasta. Mabilis kong naubos ang naluto. Dahil hindi pa ako busog ay naisip kong magprito ako ng chicken para rice meal naman ang kakainin. Sa kasamaang palad ay frozen pa ang chicken meat. Ibinabad ko muna iyon sa tubig. Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking phone. I checked the message that Loren sent a while ago.
Lorenzeus:
http://youtube.com/......
Napakunot ang noo ko. I sent a reply.
Me:
What's on the link?
Wala pang limang Segundo ay dumating din agad ang reply ni Loren.
Lorenzeus:
Porn
Siraulo talaga 'to. I was about to reply when a message from him came in.
Lorenzeus:
Just check it out.
Hindi ko na nireplyan ang gago. I clicked the link without thinking. It went to a YouTube profile. I scrolled through the content videos. All about environment stuff. I smiled while I scroll down, namimili ako ng papauorin. Huli na nang napansin ko ang babaeng nasa profile. Napansin ko lang pagkaclick ng isang video, wala naman kasing mukha niya sa thumbnail. Pero dahil interesado ako sa content ay itinuloy ko ang panununod. Tree planting iyon sa lugar na iniwan na lang basta ng isang mining company.
I enjoyed watching the girl... I mean watching the video overall.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?