Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong may pupuntahan ako ng 5 pm. Bakit ko ba naisip kung sinong uunahin? Siyempre, dapat si Pochi!
Paano ang mangyayari sa babaeng nagpapakilalang Sandra? Dapat ko rin siya puntahan para makumpirma. Napatingin ako kay Loren at Exodus.
"Let's get out of here, Loren." Exodus announced.
"W-wait," pigil ko sa kanila.
They can help me. I can go to Pochi, and they can meet Sandra first. They will be the ones to identify if Sandra is alive all along.
"You two will go to the beach and meet-"
The both of them groaned, and then nodded afterwards. Maasahan ko talaga ang dalawang kumag na 'to. Sana lang ay pumunta sila sa beach, hindi sa kung saan.
"Paunahan tayo, Exodus. Matatalo ay manlilibre for an all expense paid trip. G?" suhestiyon ni Loren habang sasakay sa kaniyang motor.
"Walang magpaaunahan, libre ko na kayong dalawa," pigil ko. Konsensya ko pa 'pag naaksidente ang dalawa.
"Mauna ay gwapo," si Loren.
Nakasuot na ng helmet si Exodus, pinaharurot niya ang kaniyang motor palayo. Habang si Loren ay nagsusuot pa lang ng helmet. "Tarantado, iniwan ako!" reklamo niya bago pinaandar ang sariling motor at humiririt paalis. Napailing ako bago pumasok sa bahay.
I didn't bother to text the girl who's claiming that she's Sandra. She's expecting me but Pochi's my priority. Hindi ako pupunta sa hindi sigurado. Kay Pochi sigurado ako.
Sa tabi ng saradong gate ako naghihintay para sa pagdating ni Pochi. Ayon sa napag-usapan namin ay dito kami magkikita. Nakakahiya dahil wala akong dalang regalo para sa kaniya. Ngayon na lang ulit kami magkikita tapos ako ay sablay pa.
Tinanaw ko ang papalubog na araw saglit. Umupo ako at sumandal sa bakal na gate. Pumikit ako, at nang mamulatan ang paligid ay madilim na.
Kinusot ko ang dalawa kong mata at binuhay ang phone para makita kung anong oras na. 18:11, iyon ang nakalagay. Bigla akong kinabahan. 5 pm ang usapan, wala pa rin siya. Baka mamaya ay naaksidente siya papunta rito. I dismissed that thought, piniling maghintay na lamang. I sent her a message para mapanatag ang loob ko. Gusto ko siya tawagan pero baka mainis siya sa akin, na maaari pang maging dahilan kaya hindi siya pumunta rito.
Me:
Where are you? You alright?
An instant reply came from her.
Pochi:
On my way, wait.
Nakadama ako ng ginhawa nang makuha ang kaniyang mensahe. Na-traffic lang siguro siya kay hindi pa nakakarating. Mabilis akong tumipa ng reply.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?