I feel like the everything stood still, tanging siya lang ang nakikita ko. Falcon and his confident stance as he walk near me. Not to me, inalis ko sa isipan iyon. Ngunit napatitig lang ako sa kaniya.
After years of not seeing him... he's hotter now!
Napalunok ako. Kakikita ko pa lang sa kaniya, bakit parang ulol na ulol na agad ako?
"Hello, Pochi!"
Napabaling ang atensyon ko kay Sandra na bumati sa akin. "Hello," ngumiti ako sa kaniya bahagya. Kulang na lang ay mapangiwi ako. She knows my nickname!
"Pochi, she's Sandra," pakilala ni Exodus sa babaeng nasa harapan ko.
I KNOW. My mind screamed.
Tumango ako at umupo na. I controlled myself not to react too much. Nandito si Falcon, that shouldn't be a big deal. Parang ang sakit sa dibdib dahil mukhang may date sila ni Sandra. Sa dinami-rami ng restaurant bakit dito pa?
"Exodus invited us to be here as well," ani Sandra habang umuupo sa tabi ko.
Oh, wala silang date. Nawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. The floral-musky scent filled my nose. Wow, ang bango niya. I better ask what's her perfume.
But before that, I glared at Exodus. Akala ko ay kami lang ang magkikita para sa catch up meeting na ito. Traydor.
He smirked while raising both of his hands.
"Uhm, Sandra, what's your..." baling ko kay Sandra.
"Hey," Falcon's deep voice filled the background.
Naputol ang itatanong ko kay Sandra dahil sa bati niya. Napakurap-kurap ako bago tumingin sa banda niya, nagkatinginan kami. His eyes remained unreadable. Sandra suddenly stood up and wrapped her arms around him. She even gave a peck on his cheek.
Napaiwas ako ng tingin. Aaah! Why do I have to witness such a scene? This is supposed to be a catch-up with Exodus, not a catch-up with my ex and his girl!
Pinilit kong kinalma ang isip at sumimsim na lang ng tubig sa basong nasa harapan ko. I bit my inner cheek. Masama kong tinitigan si Exodus, kasalanan niya 'to. Pero parang mas kasalanan ko, palagi kasing hindi lang kaming dalawa ang nasa catch up meeting. Palagi siyang nagdadala ng kaibigan din namin. I just can't grasped the fact that he invited the two sweet lovers beside me. Nagyayakapan!
Si Exodus ay nanatiling nakangisi. May nginuso siya sa tabihan ko. Hindi ko iyon tiningnan, sa halip ay mas lalong nagdilim ang paningin ko sa kaniya. Tumawa siya, tinanggal ko ang galit kong paninitig bago tiningnan ang aking gilid.
I froze. Falcon is staring down at me!
"What?" hindi ko inaasahang pagalit ang singhal ko.
BINABASA MO ANG
Peace Minus You
FanfictionMy chaos is my peace... minus you. Sequel of Falling😭😍 Status: Ongoing 02/01/2021-?