"Nixelle! Tara na first day ngayon oh." Sigaw ko.
Si Nixelle Amata, kapatid ko magaling magml tas ang ganda pa. Feel ko nga magiging beauty vlogger to.
"Tara na Ate Nics!" Sabi nya.
Nagcommute kami papunta sa Brixton University, Grade 7 ako this year yung kapatid ko naman na si Nixelle Gr. 6.
Pagdating namin doon sumama na agad si Nixelle sa mga kaibigan nya.
"Bye Ate Nics!" Sigaw ni Nixelle.
Kaya pumunta na den ako sa room namin pero habang nasa hallway ako may nabangga ako.
"Aray ba naman yan kasi eh, charot." Nagulat ako don sa lalake kala ko galit sya sakin.
Nakita ko yung id nya at kasection ko pala sya, buti na lang nabangga ko sya kasi di ko talaga alam saan yung room ko.
"Pwede sumabay?" Tanong ko.
"Oo naman." Sabi nya.
Kaya sinundan ko sya kung saan sya papunta, after ilang minutes nagring na yung bell at sakto dumating si Jahnelle, bestfriend ko.
"Gagi te ang traffic." Sabi nya sakin.
Wala naman gaano ginagawa ano lang introduce yourself.
"I'm Kaisser Mendoza." Pagpapakilala nung lalake sa hallway kanina.
Mukhang matalino tong lalakeng to edi sana all na lang, nabored ako sa klase kaya nagcellphone na lang ako. Nagrecess na kami non tapos habang nakapila sa canteen may lumapit sakin.
"Ano babaeng gr 7! Pasabay naman sa pila." Sabi sakin nung babae na mukhang higher level.
Akala ata neto close nya ako tuktukan ko kaya to, pero dahil mabait ako kinuha ko binili ko yung gusto nya tas di ko binigay sukli.
"Oh asan sukli neto?" Tanong nya sakin.
"Ang kapal mo aken na yon!" Reklamo ko.
Tapos sinusundan nya pa den ako kahit papunta na ako sa table namin ni Jahnelle.
"Ano gusto mo hoy?" Tanong ko.
"Yung sukli ko lang." Sagot nya.
Kumain na lang ako tas sya tumabi sakin, papasabay pa kasi sakin eh.
"Hoy bat ka nanjan? Ano to bago mong crush?" Tanong sakanya nung kaibigan nya.
"Kadiri ka! De kilala ko to kapatid to nung grade 6 eh." Sabi nung babaeng nagpasabay.
Nagtataka naman ako paano nya nakilala kapatid ko. Tinanong ko sila ano pangalan nila.
"Ako si Marie Tas eto si Kate, kaya namin kilala yung kapatid mo kasi kanina may nangaaway don tinulungan lang namin." Paliwanag ni Marie.
Nahiya naman ako sa ginawa ko kaya binalik ko yung sukli nya, tinawanan nya na lang ako kasama nya yung kaibigan nya si Kate ba yon. Pagtapos namin magrecess ilang oras lang nakalipas uwian na den. Tumambay muna ko sa bahay nila Jahnelle dahil tinatamad pa ako umuwi.
"Naalala mo yung mapayat na mukhang tutulungan nag unicef kanina?" Tanong ko kay Jahnelle.
"Si Mendoza ba?" Tanong nya.
Tumango na lang ako tas kumain ulit nang pancit canton.
"Oo, feel ko matalino yon tas mabait." Sabi ko.
"Baka naman maging crush mo yan ha." Sabi ni Jahnelle.
Pagtapos non umuwi na ako dahil mag gabi na den ayoko mapagalitan ni mama. Pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto nakita ko naman si Nixelle na kausap mga kaibigan nya sa laptop.
"Ay Ate Nics! Alam mo ba may nang away sakin kanina sa canteen buti na lang nandon sila Ate Marie saka si Ate Jahleel." Kwento nya sakin.
"Kaibigan mo ba yon? Si Marie saka Jahleel?" Tanong ko.
Tumango naman sya sakin, at sabi nya nakilala daw nya sila dahil sa issue na kumalat, tas friends na sila ngayon.
"Magpiloto daw yon eh ate." Sabi sakin ni Nixelle.
"Baka magcrash yung eroplano." Natatawang sabi ko.
Naghilamos ako pagtapos non at kakain na sana nang biglang tumunog cellphone ko.
Jahleel Kate Gabriel sent you a friend request.
Aba paano nahanap neto fb ko, di ko naman sya kilala kaya mabulok na lang sya sa friend request ko. Sumunod na araw pumasok ako at nagulat nang nasa gate sila Marie at Jahleel.
"Hi Mojacko!" Sigaw ni Marie.
"Sino tinatawag mong Mojacko?" Tanong ko.
Tapos tinuro nya ako, kaya kinurot ko sya kukutusan ko sana kaso masyado syang matangkad para sa height ko. Tinignan ko naman si Jahleel kung aasarin nya den ako pero tumatawa lang sya, tas natawa den ako kaya natawa den si Marie. Pang ewan kasi yung tawa ni Jahleel parang malalagutan nang hininga.
"Ano papasok ba kayo o tatawa lang kayo jan?" Tanong samin nung guard.
"Eto na po papasok na, si Jahleel kasi eh!" Reklamo ko.
Hanggang sa pagpasok ko tumatawa ako tapos nagtataka den at the same time kasi sinusundan paden ako nila Marie at Jahleel.
"Oh bat nakasunod pa den kayo? Sa kabila kayo ah." Sabi ko.
"Assuming neto, si bayawak kasi pupuntahan namin." Sabi ni Jahleel.
Attitude naman non nagtatanong lang ako eh, pumasok ako at himalang nandito na agad si Jahnelle Mas nauna pa sakin kabog. Napansin ko nanaman yung payat na nakasalamin. Napalingon ako sa hiya kasi tinignan den nya ako.
"Bayawak!" Sigaw ni Jahleel
"Buwaya!" Sigaw ni Gen.Pagka-aga aga ang ingay sa room inaantok pa naman ako kaya natulog na lang ako maaga aga pa naman. Nagpagising na lang ako kay Jahnelle bago magbell. After nang mga subject sa umaga naglunch na kami tapos nakita ko magkakasama sa iisang table sila Marie saka si Monsale, kasama den nila yung maattitude nilang kaibigan.
"Te gwapo sana neto oh kaso ekis." Sabi sakin ni Jahnelle habang may pinapakita sa cellphone nya.
Nagulat naman ako nung may naglapag nang gamit sa tabi ko, pagtingin ko sila Marie pala.
"Oh ano nanaman yon?" Iritang sabi ko.
"Patabi lang eh, attitude ka ha?" Sabi ni Marie.
Umusog na lang ako wala naman akong magagawa kaya umusog na lang ako.
"Aba kayo na magkakaibigan ngayon? Sama kami nga pala eto mga friends ko si Ashley, Gwyneth, and Maxine." Sabi ni Nixelle.
Out of nowhere nakabuo kami nang grupo, tapos habang kumakain ang saya lang namin pero napansin ko si Marie kanina pa nakatingin kay Ashley.
"Ashley anong grade ka na?" Tanong ko.
"Grade 6 po, kayo po ba?" Sabi nya.
Tas napatingin ako kay Marie, putcha nakatingin pa den sya kay Ashley mukhang tinamaan ampota. Kaya ginawa ko tinuktukan ko sya nakaupo naman kami kaya abot ko ulo nya.
"Aray! Bat nananakit?" Sigaw nya.
"Chineck ko lang kung may laman ulo mo." Natatawang sabi ko.
:))

BINABASA MO ANG
Always Better Together
Genç KurguA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?