"Gusto mo ba Jah?" Natatawang tanong ko.
Pagtapos namin mag almusal nagayos na agad si Nixelle para makapunta na kami sa bago naming school para magpa-id. Nang makadating kami sa Montero University nagulat ako kay Nixelle nang may nilapitan syang babae.
"Ate Nics! Eto kaibigan ko to dati pa eh! Si Kissley, yung kapitbahay naten dati." Sabi ni Nixelle.
"Hi! Dito ka den pumapasok?" Tanong ko sakanya.
"Ah opo, kayo den ba?" Tanong ni Kissley.
Mukha namang mabait si Kissley at kabatch nya si Nixelle kaya mukhang magiging maayos naman tong school year ni Nixelle.
"Ate, ang bait ni Kai sakin kanina, feel ko crush den ako non." Sabi sakin ni Nixelle.
Ang lakas ata nang tama neto kay Kaisser pero sige go support lang ako, pagbalik namin sa apartment nakita kong hinahabol ni Ate Jam si Kai.
"Hayop ka talagang Itik ka! Lika dito hampasin kita nang tabo!" Sigaw ni Ate Jam.
Umakyat na lang ako sa kwarto nandon naman sila Marie at Jahleel na nagpapagandahan nang drawing. Wala kaming ginawa buong araw kung hindi magayos nang mga gamit at maglinis, buti na lang at nandito pa nga yung iba para tulungan kami. Natapos na kami sa pagaayos bandang 1am at lahat kami mukha nang sabog.
"Ashley! There's no kaluluwa nga." Reklamo ni Maxine.
"Max meron nga! Sa loob nang pader." Sigaw ni Ashley.
Dahil tanga ako tumingin ako sa pader na sinasabi ni Ashley, pagtapos ay nabalik ang tingin ko kela Ashley na ngayon ay nakahawak sa kamay nya.
"Max! May kamay pa ko diba?" Tanong ni Ashley.
"Yes! Ofcourse." Sagot ni Maxine.
"Itulog nyo yan." Natatawang sabi ni Jahleel.
Kanina pa kami tawa nang tawa sa magpinsan na to, napansin naman ni Ate Jam na nasa gilid lang si Rochelle parang ang lalim nanaman nang iniisip.
"Gago men okay ka lang?" Tanong ko kay Rochelle.
"Oo naman tanga bat naman hindi ako magiging okay." Sagot nya.
Nagulat naman ako nang maglabas nang alak si Marie, Gin pa nga at tatlong Alfonso.
"Hoy! Bat ka may ganyan!" Sigaw ni Ate Jam.
"Bawal ba?" Sabi ni Marie habang nagpeace sign pa kay Ate Jam.
Nilapag nya yung bote sa mesa, inaya nya pa kami lalo na si Rochelle.
"Ayaw nyo ba? Edi mag solo na lang ako." Sabi ni Marie.
"Kawawa ka naman samahan na nga kita." Sabi ko.
"Kunwari ka pa gusto mo lang den naman uminom." Sabi ni Ate Jam habang inaambahan ako nang walis.
Habang umiinom kami nagbukas din nang tv sila Ate Jam, para manood nang something.
"Nood tayo megan is missing!" Sigaw ni Nixelle.
"Sige bet maganda ba yon?" Tanong ni Gen.
"Kadiri ata yon eh." Sabi ko.
Nagpatuloy na lang ako sa pag inom hanggang sa maubos na yung dalawang bote nang alfonso.
"Broken ka tol?" Tanong ko kay Marie.
"Bat ako? Baka etong si Rochelle." Sabi nya.
"Di ako broken noh." Sagot nya.
Lumapit naman bigla samin si Gen, akala ko makikiinom den sya.
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Roman pour AdolescentsA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?