POV NI ROCHELLE
"Oh gago? ayon sabi nya? kaya ka naman pala inaasar kasi gusto ka HAHAHH." Sabi ko kay Nixelle.
Gulat na gulat kaming lahat sa Revelation ni Brianna, Eto naman si Kai may tinatago den palang kaingayan sa katawan pero kapag si Ate Jam lang kausap nya saka lang sya dumadaldal.
"Gusto daw ako ni Kai." Sabi ni Nixelle.
Nagulat naman ako dahil di ko ineexpect, pag tapos non uuwi na sana kami pero di na ako nakasama dahil kelangan ko umuwi nagkaron daw nang problema sa bahay.
"Anyare ma?" Nagaalalang tanong ko.
"Teka ikaw muna magalaga dito sa pamangkin mo." Sabi ni Mama.
Kinuha ko naman yung pamangkin ko di ko alam nangyayari dito pero mukhang ayos naman, minsan lang tumawag sila mama kapag lang kelangan nang pera. Akala ko sasabihin na sakin ni mama pagtapos kumain pero di pa den. Sumunod na araw may pasok na ako kaya kelangan maaga ako pumunta sa bahay namin nila Ate Jam.
"Ma! Alis na ako!" Sigaw ko.
"Rochelle! May pera ka ba jan? Wala na pang stock dito!" Sabi ni Mama.
Tumingin naman ako sa wallet ko na 1000 na lang yung laman, pang allowance ko na to nang isang buwan.
"Ma wala na eh pang isang buwan na lang pera ko." Sabi ko.
"Ganyan ka naman Rochelle palaging wala, pero kapag jan sa mga kaibigan mo meron." Sumbat ni Mama.
Nilapag ko na lang sa table yung 1000 ko saka ako umalis dahil maglalakad lang ako. Pag dating ko sa bahay namin nila Ate Jam naabutan ko pa sila.
"San ka galing malelate na tayo." Sabi ni Ate Jam.
"Sige te Jam half day na lang ako." Sabi ko.
Pumasok ako sa bahay at pumunta sa kwarto para bumawi nang tulog dahil buong gabi ako nag alaga sa pamangkin ko. Nagulat ako nang magising ako dahil sa naramdaman ko na may humahampas sa akin.
"Tanga! Gising na! Di ka ba papasok?" Tanong sakin ni Nicole.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
Tinuro nya yung orasan at nakita kong 11:30 na pala kelangan ko na maligo at mag ayos ayoko naman malate habang nagaayos ako nakaramdam ako nang gutom.
"May pagkain ka ba jan? Nagugutom ako." Sabi ko.
"Daan na lang tayo kela Aling Rusing." Sabi ni Nicole.
Tumakbo kami papunta sa karinderya ni Aling Rusing, mabilis lang naman ako kumain ganon den si Nicole kaya nakapasok din kami agad.
"Ms. Rondina where were you earlier?" Tanong sakin nung adviser namin.
"Mam nagkaemergency po kasi sa bahay." Sabi ko.
"Wag na sana to maulit, pwede ka maging valedictorian nang batch nyo." Sabi nung adviser ko.
Nginitian ko na lang sya saka pumunta sa canteen para kitain yung iba.
"Ayan na pala si Rochelle eh." Sabi ni Ate Jam.
Pagupong pag upo ko bigla silang nagtanong nang kung ano ano, kesyo saan daw ako nagpunta, bat di daw ako nagpaalam.
"Umuwi ako samin." Sabi ko.
Makikipagchikahan pa sana ako nang magring yung cellphone ko.
Mama: Rochelle maghanap ka naman nang sideline dyan. Wala ka na tulong dito.
Di ko alam mararamdaman ko kay mama ayoko mainis dahil syempre magulang ko pa den naman yon, pero ginagawa ko naman lahat bakit hindi nya makita. Nang maguwian nagtrabaho na agad ako kela Aling Rusing. Pinagiisipan ko paano ako makakaearn nang pera na pwedeng ibigay kay mama.
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Fiksi RemajaA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?