Epilogue

26 4 0
                                        

Araw na ng kasal ni Ate Jam at kakagising ko lang, nagising ako dahil sa tugtog ng twice sa may hallway. For sure si Marie nanaman nagpapatugtog. Lumabas ako ng kwarto para suwayin si Marie pero nagbago isip ko kaya hinayaan ko na lang sila.

"Pare morning!" Bati ni Marie.

"Morning mo mukha mo." Sabi ko.

Naligo na lang ako at nagayos dahil 4 magiistart na yung kasal ni Ate Jam at wala pa kaming kaayos ayos dito sa bahay. Bumaba na muna ako para kumain ng tinapay at nakita si Kaisser na naglalaro ng ml.

"Huy di ka pa magaayos? Hindi ba tayo malate nyan?" Tanong ko.

"Gaga 2 pa lang wag ka nga excited jan pag ako natalo dito hahampasin kita." Reklamo ni Kaisser.

Binato ko naman sya nang unan at dumiretso na ako sa kusina, may nakaprepare na pala na pagkain kaya nagtaka ako sinong masipag ang nagluto para samin.

"Si Ate Jam nagluto! Tiran mo ko hawk!" Sigaw ni Marie.

"Pakyu! Bahala ka pag di ka bumaba uubusan kita!" Sagot ko.

Nang matapos na ako kumain tumambay muna ako sa sala kasama sila Marie at yung iba pa.

"Nakakamiss yung dating bahay noh?" Tanong ni Gen.

"Oo tas late umuuwi si Nicole!" Sabi ni Marie.

Binatukan ko naman si Marie pati mga kawalangyaan ko inaalala pwede naman iwan na lang yon. Pagtapos namin magchikahan nag ayos na kaming lahat at dahil natapos naman ako agad tinulungan ko na din yung iba.

"Ano tapos na kayo? Tara na!" Sigaw ko.

Pumasok na kami sa van at ako na nagdrive papunta ng simbahan.

"May wedding gift kayo kay Ate Jam?" Tanong ko.

"Puta may ganon?" Gulat na tanong ni Marie.

Natawa naman ako sakanila pero nakakahiya naman kung wala kaming wedding gift kela Ate Jam. Nang makarating na kami sa simbahan biglang nagring phone ko.

"Hello Ate Jam, ako? Maid of Honor? Sigurado ka?" Gulat na tanong ko.

"Kabog lodicakes." Sabi ni Marie.

Habang ginaganap yung kasal nagiisip ako anong pwedeng wedding gift kay Ate Jam.

"Grabe ang bilis ng panahon noh? Parang dati lang nanay nanay lang natin si Ate Jam sa bahay tas ngayon magaasawa na talaga sya." Sabi ni Jahleel.

"Huy may naisip ako what if balik tayo sa dating bahay tas parang lagay tayo pictures natin ganon basta may plano ko." Sabi ko.

Hanggang sa reception ayon iniisip namin, tamang dasal na lang din kami na wala pa din nakatira dun sa bahay.

"Ano okay lang kayo jan?" Tanong ni Ate Jam.

"Ang daming artista Ate Jam." Sabi ni Gen.

Naging maayos yung kasal nila Ate Jam at sumunod na araw gumising agad ako ng maaga at syempre ginising ko din sila Marie at Jahleel, pinuntahan namin yung dati namin bahay.

"Shet! Yes! Wala pa nakatira!" Sigaw ko.

"Kayo yung mga alaga ni Aling Rusing diba? Gusto nyo pumasok? Eto susi." Sabi samin nung pamangkin ni Aling Rusing.

Binuksan ko agad yung pinto at bumungad samin yung mga gamit namin na naiwan dito puro alikabok nadin.

"Alam nyo na unang gagawin natin, maglilinis tayo." Sabi ko.

Tinawagan ko din yung iba tutal wala naman sa bahay si Ate Jam kaya pinasunod ko na yung iba at pinagdala ko ng mga onting gamit gamit mga kemerut para mas mapaganda namin tong lugar pero may mga nasa kabilang bahay pa para incase lang na biglang pumunta si Ate Jam may tao pa din doon. Nagulat kaming lahat nung naghapon na at tumawag samin si Ate Jam.

"Okay lang ba kayo jan? May pagkain ba kayo kung wala kawawa naman kayo de joke." Sabi ni Ate Jam.

"Okay lang kami ano pala mamaya gabi sunduin ka namin or punta ka na langsa bahay ingat!" Sabi ko.

Nagpatuloy kami sa pag aayos sa bahay at naisipan nila Ashley na ipagluto si Ate Jam pero nalimutan namin na hindi naman kami ganon kagaling kaya nagorder na lang kami ng mga pagkain. Saktong 6 natapos din kami umuwi agad kami para magpalit at maligo.

"Mukhang museum." Sabi ni Nixelle.

"Anjan na si Ate Jam!" Sigaw nila Ashley.

Pagpasok ni Ate Jam nagulat din sya sa mga nakita nya, may mga pictures namin fairy lights, and syempre may pagkain.

"Uy eto yung picture nung pinagluto ni Marie si Ashley ng sisig." Sabi ni Ate Jam.

Natawa naman ako dahil naalala din nya pala pero nagulat ako nung bigla akong batukan ni Marie. Reklamo ng reklamo tuloy si Marie bat ko raw sinama yon.

"Uy nakakasatisfy panoorin isa pa! Batukan mo ulit." Sabi ni Kaisser.

Walang pagdadalawang isip na binatukan ko sya, baliw ata to tuwang tuwa pag may nasasaktan.

"Eto yung unang picture natin dito sa bahay na to." Sabi ni Ate Jam.

"Uy ayos! Nandito din yung umiiyak si Nicole dahil sa math!" Sigaw ni Marie.

Hinampas ko naman sya kaya napa-aray sya ng malakas, di naman ganon kalakas hampas ko pero ang oa nung aray nya.

"And nandito din yung unang picture natin nung naging close na tayong lahat." Sabi ko.

Pagtapos namin ipakita kay Ate Jam yung mga pictures kumain kami, habang kumakain naisipan ko na magandang tumingin ng mga bituin ngayong gabi kaya naman inaya ko sila.

"Dating gawi akyat nyo sa rooftop yang mga yan, tas to din pizza baka magutom tayo sa taas." Sabi ni Ate Jam.

Napansin ko naman na nakatayo lang sa tapat ng hagdan sila Ashley at Marie.

"Alam nyo walang mangyayari kung di kayo gagalaw, bahala kayo jan baka mamaya iba na katabi nyo." Pananakot ko sakanila.

"Pakyu ka, eto na aakyat na." Reklamo ni Marie.

Sumunod din samin si Ashley, nang makaakyat na kaming lahat, humiga kami dun sa mga kutson na inakyat namin.

"Sorry Ate Jam ah eto lang wedding gi-" Sabi ni Gen.

"Hindi lang yan noh, meron pa." Sabi ko.

Binigay ko kay Ate Jam yung box nung Ahgabong 1&2 at TBK bracelet.

"Hoy! Grabe kayo! Baka wala na kayo pera neto." Sabi ni Ate Jam.

"Meron pa naman." Sabi ko habang tumatawa.

Nagchikahan habang tumititig sa mga bituin, ayon lang ginawa namin buong gabi. Bago kami bumaba para matulog nagpicture muna kami.

"Ang saya lang isipin na kahit minsan hindi tayo nagkakasundo sundo, nagiging okay padin tayo." Sabi ko.

"Yeah and lagi tayong anjan para sa isa't isa kahit ano mangyari." Sabi ni Ate Jam.

Madami din kaming pinagdaanan sa ilang taon ba naman kaming magkakasama, naging family ko na din sila.

"Muntik pa nga tayo magaway away diba tas mag f.o." Sabi ko.

"Oo pero buti naayos din natin yon, buti napagusapan yon noon isipin nyo noh pano kung hindi naayos." Sabi ni Jahleel.

Parang hindi ko makita sarili ko na hindi ko na sila kaibigan, so buti na lang maayos at naging okay ang lahat.

"Mas maganda padin pagsama sama talaga tayo, tulad nung nahospital ako, pero mas maganda pa din ako." Sabi ni Ashley.

"Yeah, Always Better Together." Sabi ni Marie.

Anything is better when you have
The right people by your side to support you
- Miss Eytu

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon