POV NI ATE JAM
Wala naman kami gaano ginagawa dahil bakasyon den naman maliban dun sa tatlong nagttrabaho na. Kahit kitang kita na namin na pagod na sila di pa den sila tumitigil sa pagttrabaho. Ngayon nasa sala lang kami nanonood nnag balita.
"Patok na patok ngayon ang PPOP group na Visco5. They're group name is pronouced as Viscos. May lima silang miyembro si Justin, Stell, Sejun, Ken, Josh. Nagviral ang music video nang una nilang kanta..."
"Uy sila stell!!!" Sigaw ni Nicole.
Unti unti nang nakikilala silang lima sana lang ay hindi nila kami malimutan pero satingin ko naman hindi nila kami makakalimutan sa araw araw ba naman na nandito sila. Sunod sunod na araw laging nasa news yung Visco5, kung saan sila pumunta , or mga achievement nila laging nasa news yon.
"ATE JAM MAGIISTART NA INTERVIEW KELA KEN!" Sigaw ni Nixelle.
Pumunta naman agad ako sa sala at nakinoo, napakagwapo nila kahit sa personal man o tv.
"So wala ba kayong mga lovelife ngayon bawal ba or ano?" Tanong nang host.
Nagtinginan naman silang lahat kay Ken, napaisip naman ako baka may jowa na to hindi ko lang alam.
"Di naman po sa bawal, pero syempre po privacy paren po namin." Sabi ni Sejun.
"Ako po may inaantay pa." Sabi ni Ken.
Pinipilit naman sya nung host na sabihin kung sino or ano, at dahil baliw tong mga kagrupo nya nakigatong naman silang lahat.
"Sabihin ko na lang initials nya, JRB see you soon." Sabi ni Ken.
Bigla naman tumili yung magkapatid na katabi ko di ko alam para saan tili nila, trip ba neto mang basag nang eardrums.
"Ate Jam di mo ba nagets? Ikaw yung sinasabi ni Ken, JRB stands for Jam Rianne Balle." Sabi ni Nicole.
Nang lumalim na ang gabi may nagdoorbell naman bigla kaya binuksan ko agad yon at nakita ko yung lima.
"Umm Jam for you." Sabi ni Ken.
Inabot nya naman sakin yung bouquet na hawak nya may card na kasama titignan ko sana pero mamaya na lang. Pinapasok ko muna sila dahil balak daw nila dito matulog di naman daw mahigpit management nila.
"Woah ang cool nyo kanina." Sabi ni Nicole.
Nagchikahan lang sila buong gabi nang matutulog na ako tinawag ako ni Ken, kaya naman bumaba ulit ako kahit isang step na lang nasa 2nd floor na ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Goodnight Jam, tignan mo yung nasa card." Sabi ni Ken.
Pagakyat ko ayon agad una kong hinanap at tinignan ko kung anong nakalagay.
Still waiting for that yes, JRB.
Ayon ang nakasulat sa card so ako nga talaga yung inaantay nya, akala ko iba or hindi naman tao pero ako pala. Pag gising ko nung umaga nagulat ako nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko. Sumigaw naman ako nang pasok kaya okay lang.
"Goodmorning Jam, Di na kita mapagluto bumili na lang ako fave mo KFC kelangan na kasi namin umalis." Sabi ni Ken.
Kinuha ko yung plastik na inabot nya sakin at tumayo na den agad ako para makapagpaalam dun sa apat.
"Ingat kayo." Sabi ko.
"Ingat ka daw Ken." Pang aasar ni Joshua.
Nang umalis na sila naglinis lang ako nang bahay buong araw ganon din ung iba, bigla ko naman naalala na next s.y eh 4th year college na ako. Nagulat naman ako nang may tumawag sa laptop ko.
"Hi Ate! Kamusta ka jan" Tanong nang kapatid ko.
"Okay lang naman ako dito, maganda na yung tinitirahan namin." Sabi ko.
Sumunod na araw naisipan ko naman na dalawin sila Kristel sa bahay. Pagbabang pagbaba ko sa may tapat nang bahay namin pumasok agad ako.
"ATE JAM! Wag ka muna pumasok mainit kasi ulo ni mama." Sabi ni Kristel.
Di ko sya pinakinggan at pumasok pa den kahit na binalaan nya na ako.
"Oh andito na pala magaling nyong kapatid! Maglinis ka don Rianne! Wala ka nang ibang ginawa kundi manila manila." Sabi ni Mama.
Inintindi ko na lang si Mama at naglinis nang bahay siguro kaya ako den yung tumayong nanay sa bahay namin sa manila kasi nasanay ako na, ako lahat gumagawa nang gawaing bahay. Nagstay ako sa bahay nang 1 week pagtapos non kinailangan ko na ulit bumalik sa manila dahil malapit na magpasukan.
"ATE JAM! Buti you're here na! Ashley is kicking me the whole day wala naman ako ginagawa sakanya." Reklamo ni Maxine.
Ay jusko tong dalawang to, hindi ko na malamang kung magkakampi ba o magkaaway. Bago pa ako makapasok nang tuluyan sa bahay may lumabas nanaman si Nicole naman.
"Ate Jam! Kamusta sila Kristal?" Tanong nya.
Medyo nakakahalata naman na ako na may ayaw silang ipakita sakin sa loob, putek nakabasag kaya tong mga to. Nako po lagot kami sa mama ni Gen neto.
"Tabe bat ba ayaw nyo ako papasukin? May nasira ba kayo o ano?" Nagaalalang tanong ko.
"Wala ah ang bait kaya namin the whole week." Tanggi ni Nicole.
Bigla naman lumabas si Kaisser na mukhang walang pake sa paligid as usual.
"Hoy itik! Ano meron sa loob?" Tanong ko sakanya.
"Hoy padaanin nyo nga si Ate Jam para kayong mga tanga." Sabi ni Kai.
Buti naman at pumayag na sila Nicole at Maxine na makapasok ako sa bahay. Pagbukas na pagbukas nang pinto biglang may tumugtog nang bestpart. Hindi ko pa nakikita kung sino kumakanta pero alam ko na agad na si Ken yon. Nagulat naman ako nang makita syang pababa nang hagdan at may hawak na bulaklak.
"Jam hindi kita minamadali pero gusto ko lang tanungin ka na, will you be my girlfriend?" Sabi ni Ken.
Napaisip ako bigla sa kung anong isasagot ko, dahil kahit sabihin kong di ko sya gusto hindi naman ayon ang ipinapakita nang actions ko. Hinahanap hanap ko na den talaga presence nya, inisip ko den kung ready ba ako sa kung ano ang mangyayari sakin sa sinabi nga sakin dati ni Nicole. Magkakaron ako nang title na "non- showbiz girlfriend". Handa den kaya ako sa mga reporters and fans. And my answer is yes i'm ready kakayanin ko lahat yon.
"Oo Ken." Sagot ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
