Chapter 36

9 3 0
                                        

POV NI NICOLE
Nakalipas na ang isang buwan at busy padin ako sa acads ko ganon din ang iba after 1 year ggraduate na ako. Parang kung iisipin ko pa lang ngayon nakakatakot na nakakaba, pero mukhang ayos naman din ang magiging buhay namin after college. Siguro magkakasama padin kami dito sa bahay.

"Nikol!!! Nikol!!! Lumabas ka na sa kwarto mo lika dre tulungan mo ko pumili." Sigaw ni Marie.

Binuksan ko naman agad yung pintuan at nakita agad yung mga damit ni Marie at Jahleel.

"Ano gagawin ko jan?" Tanong ko sakanila.

"Titigan de joke lang, syempre tutulungan mo kami pumili ng susuotin." Sabi ni Jahleel.

Tinignan ko naman sya ng masama ang aga aga mambubulabog sila tapos ganon pa sagot sakin. Akmang sasaraduhan ko na sila ng pinto pero tinulak pabukas ni Marie ulit yung pinto.

"Pilian mo na kami at sumama ka samin lilibre ka namin kahit ano." Sabi ni Marie.

Madali naman ako kausap kaya tumango na ako, sayang din ang libre ng mga ugok na yon minsan lang mangyari yon. Nagsuot lang ako ng skinny jeans saka off shoulder na top tas sneakers. Pagtapos na pagtapos kong maligo pinutahan ko agad yung kwarto nung dalawa di na ako kumatok at dumiretso na lang sa pag pasok.

"Hoy! Uso katok! Nakahubad pa kami!" Sigaw ni Marie.

"Parang others ampota, babae din naman ako okay lang yan." Sabi ko.

Tinignan ko agad yung mga damit na pinakita nila sakin at pinilian sila.

"Saan ba tayo pupunta dapat natutulog lang ako eh." Reklamo ko.

"Manliligaw kami." Sabi ni Jahleel.

Naubo naman ako sa sinabi ni Jahleel na manliligaw sila.

"Aba aba binata na kayo?" Pang aasar ko sakanila habang tumatawa.

Binatukan naman ako ni Marie kaya natahimik ako at nagcellphone.

"Tatagal ba naman yan." Reklamo ko.

"Teka lang naman parang ikaw pa may lakad ah." Sabi ni Marie.

Nagwonder wonder na lang ako sa kwarto nila since matagal tagal na din ako di nakatambay dito dahil busy nga ako.

"Tara na." Sabi ni Marie.

Buong byahe namin nagcecellphone lang ako silang dalawa naman parang kabado pa. Nang makarating na kami dun sa bahay nung mga nililigawan nila mas lalo silang kinabahan at lakad ng lakad sa harapan ko.

"Mapirmi nga kayo sa iisang lugar kakahilo kayo." Sabi ko.

Bigla naman may dalawang babae na lumabas doon sa bahay maganda sila parehas at mukhang mabait. Napaka galing talaga netong dalawang to kahit kailan ginawa pa akong thirdwheel. Pinakilala naman ako nila Marie kay Sabrina at Eve. Pagtapos non nagbyahe kami papunta sa mall bago pa kami makarating chinat ko na agad sila Kaisser at Ate Jam na sumunod doon dahil ayoko naman ma-out of place.

"Hoy bigas! Andito na kami!" Sigaw ni Kaisser.

"Bobo may mata ko." Sabi ko.

Nagulat sila Marie at Jahleel pero di na lang nila pinansin at nagsamgyupsal kaming lahat at dahil ako ang nagimbita kela Ate Jam ako ang manlilibre. Nang matapos sila Marie at Jahleel sabi nila kausapin ko daw muna yung dalawang babae at may bibilin lang daw sila.

"Uy hi so magkapatid kayo?" Tanong ko.

"Ah oo ako yung panganay tas sya bunso." Sabi ni Eve.

Bigla naman lumipas utak ko at wala na masabi pero buti na lang may naisip ako.

"Alam nyo ba feel ko inlababo yung dalawa sainyo oo." Sabi ko sakanila.

Natawa naman sila parehas bigla kong narealize na mababatukan nanaman ako pag nalaman nila Marie na sinabi ko yon.

"Basta chikahin nyo ko pag sinaktan kayo nung dalawang kupal na yon." Sabi ko sakanila.

"Ay bet ikaw na lang tatanungin ko pag may kabet yon." Sabi ni Sabrina.

Bigla naman dumating sila Jahleel kaya agad kaming tumahimik tatlo.

"Ano pinaguusapan nyo?" Tanong ni Jahleel.

"Wala ka na don." Sabi ko sakanya.

Pagtapos non ay naisipan nilang pumunta sa park dahil romantic daw don kaya naman pala ako pinagdala ng camera para lang taga kuha ng mga litrato nilang apat. Nang matapos sila magpaphoto shoot saakin naupo lang kami dun sa mga bench.

"Next school year graduate na kayo ah." Sabi ni Ate Jam.

"Oo nga eh Ate Jam, kinabahan ka sin ba dati?" Tanong ko.

Tumango sya saakin at bumalik sa pag cecellphone bigla naman lumapit saamin sila Marie at sinabing hahatid na daw sila Sab at Eve. Nang makauwi na ang lahat naisipan ko na dalawin namin si Aling Rusing dahil matagal tagal na kaming hindi nakakapunta sakanya oo may mga pasok kami sa karinderya pero apo nya na lang nakikita ko doon hindi na sya. Nang makarating kami sa bahay ni Aling Rusing apo nya yung bumungad saamin.

"Hindi nyo ba natanggap ang balita? Wala na si Nay Rusing." Sabi ng Apo ni Aling Rusing.

Sabay sabay kaming natulala sa sinabi ng Apo ni Aling Rusing, hindi namin alam kung ano ang sasabihin.

"Oo nga pala, kayo ba si Jam at Nicole? May sulat si Nay Rusing para sainyo at sa mga kasama nyo. Sandali lang at kukunin ko." Sabi ng Apo ni Aling Rusing.

Pumasok ulit sa bahay yung kausap namin at kami naman nanatiling tahimik walang nagsasalita at hanggang sa lumabas ulit yung apo. Binigay nya samin yung isang sulat.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong sulat na ito pero kung ito'y binabasa nyo panigurado ay nasa magandang lugar na ako. Jam ingatan mo ang mga kaibigan mo ingatan nyo ang isa't isa. Matagal ko itong pinagisipan at sa ilang taon ko kayong nakasama satingin ko ay responsable naman kayo para dito. Sainyo ko na ibibigay yung karinderya alagaan at palaguin nyo iyon.
                                                              Aling Rusing.

Binigay naman samin bigla yung susi ng karinderya. Pagtapos non ay umalis na kami nang makadating na kami sa bahay sumalubong agad samin sila Nixelle at yung iba pa.

"Bat ganyan itsura nyo?" Tanong ni Gen.

"Ano nangyari mare?" Tanong ni Jahnelle.

Dumiretso na lang muna ako sa kusina para uminom nang tubig at hinayaan ko na lang sila Ate Jam na magsabi dun sa iba. Nung sa mga sumunod na araw laging maaga umaalis si Ate Jam dahil sya na ang nagbubukas ng Karinderya, kaya ako sumasabay na din ako sakanya para narin makatulong sakanya.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon