"Tanga gumising ka na!" Sigaw ni Kaisser.
Nagising ako nang naramdaman kong sinisipa ako, wala naman si Ashley dito bat may sumisipa saakin. Pagdilat ko nakita ko si Marie na sinisipa ako.
"Punyeta!" Sigaw ko.
Gaganti pa sana ako kaso hinatak ni Jahnelle buhok ko ang aga aga daw ang ingay ko.
"Wag kayo maingay magigising nyo yung mga kapitbahay!" Sabi ni Ate Jam.
Naligo na lang ako at nagayos pagtapos non kumain na ako. Iniwan ko na sila Marie dahil gusto ko nga maaga makapasok dahil si Mav den maaga.
"NICOLEEEEE!" Sigaw ni Seven.
Nagulat naman ako nang batukan sya ni Mav nang malakas.
"Masyado ka naman possessive! Binati lang eh!" Reklamo ni Seven.
"URUSEI!" Sigaw ni Mav.
Pumasok na lang ako sa Brentwood napaka ingay talaga nilang magkaibigan di ko nga sigurado kung magkaibigan tong dalawang to. Nang makadating na ako sa shs building nang Brentwood nagulat ako dahil andon lang den sila Akio ayon pala magkaconnect lang ang college saka shs building.
"Seven!" Sigaw nila Ryu at Yves.
"AAAAAA!" Sigaw ni Seven.
"Boys! Could you please stop shouting!" Sigw nung isang teacher.
Mas lalakas Varsity nang Montero University dahil nga nabili na nila yung Brentwood mapupunta den sakanila si Darwin captain nang Brentwood, Keishin middle blocker. Ace as the Ace. Then Yves as the libero, Ryu as the wing spiker, Akio as the setter.
"Magandang varsity ang mabubuo this year!" Sigaw ni Seven.
"I heard may magaling magserve na kagrade lang ni Nicole." Sabi ni Darwin.
Bigla naman bumulong si Keishin kay Darwin at tinuro yung isang lalake malapit samin. Nagulat naman ako nang lapitan ni Darwin yung lalake.
"Ey Theo! May practice mamaya nang varsity." Sabi ni Darwin.
"Ah oo nga pala Kuya Darwin, Keishin! pupunta ka ba sa practice." Sabi ni Theo.
"Ang ingay mo Theo." Sabi ni Keishin.
Pagtapos nila magkita kita pumasok na ako sa room ko then nasa kabilang section ngayon si Jahnelle kaya di kami magkasama. Okay naman ang first day ko nang magrecess na nakita ko sila Marie saka Angelica.
"UY!!!" Sigaw ni Angge.
POV NI NIXELLE
Simula nang umalis sa Montero sila Ate Nics palagi na ako inaasar neto ni Yanie.
"Oh eto na pala si the matapang lang kapag may kasama." Sabi ni Brianna.
Palagi na lang ganon bungad sakin ni Brianna kada umaga hindi kaya to nagsasawa kasi ako sawang sawa na.
"The Little brat has arrived!" Sigaw ni Brianna pagpasok nang room.
"Referring to yourself?" Tanong ko sakanya.
Nagulat naman sya nang sagutin ko sya akala nya siguro hindi ako lalaban or something, ano hindi naman pwedeng ako lagi kawawa. Nang magsimula na ang klase umupo na ako sa usual spot ko doon sa pinakalikod. Nang magstart na ang klase naging bida bida nanman si Yanie nagtataas sya nang kamay kahit di nya alam sagot kaya nung nagtaas ako nang kamay at nasagot ko nang tama yung tanong galit na galit si Tanga.
"Pabibo ka nanaman?" Tanong nya sakin.
"Bakit ako ba ikaw?"Sabi ko.
Pagtapos nang klase pumunta na ako agad sa Karinderya at nakita ko sila di ko alam kung sinadya ba nila pero nakapartner partner sila. Ako eto umaasa pa den kay Kaisser umupo na lang ako somewhere na makakagawa ako nang assignments.
"Hi Nix! Kumain ka na?" Tanong sakin ni Kaisser.
"Ah hindi pa." Sagot ko.
Nagulat ako nang ilapag nya yung plato nang pagkain sa harap ko at umupo sa tabi ko.
"Oh bat ka andito?" Tanong ko.
"Ayaw mo ba edi wag." Sabi ni Kai at aalis na sana.
Hinila ko sya at kumain na lang kami nang sabay, pagtapos non nagtataka talaga ako bakit mukhang mas sumasama sya sakin ngayon. I stopped chasing Kaisser last month kasi feel ko di nya naman ako magugustuhan kahit anong gawin ko. Nang makauwi na kami nagbihis ako at tumambay sa rooftop nang biglang umakyat den si Kaisser.
"Bat mo ba ko sinusundan? Crush mo ko noh?" Tanong ko sakanya.
"Pano pag sinabi kong oo? Ano gagawin mo?" Tanong nya sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi nya di ko naman ineexpect na ayon sagot nya, natahimik naman kaming dalawa sa rooftop. Kakausapin ko sana sya pero nakaearphones sya kaya nagcellphone na lang ako.
"May sasabihin ka ba?" Tanong nya sakin.
"Umm seryoso ka sa sinabi mo kanina?" Sabi ko.
Tumango naman sya, hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o hindi, di kko alam ano dapat ko na maramdaman ngayon. Pagtapos non bumaba na kami at sa gulat ko tinabihan ulit ako ni Kai pati yung iba gulat na gulat dahil dati nilalayuan pa ako ni Kaisser pero ngayon sya na yung lumalapit.
"Aba nagbagsak nang himala ang hesus, si Kaisser na lumalapit kay Nixelle." Sabi ni Ate Nics.
"Uy nadevelop na feelings ni Kai, yieee." Pang aasar nila Marie at Jahleel kay Kaisser.
Si Kai naman nagsuot na lang nang earphones para hindi na marinig mga pang aasar nila Ate. Sumunod na araw maaga ako nagising kaya bumaba agad ako para maligo, Di ko akalain na maaga den magigising si Kaisser.
"Magbreakfast ka muna." Sabi nya sakin.
Umupo naman ako at nilagyan nya nang pagkain yung plato sa harap ko, Nang matapos na ako magayos chineck ko yung gc namin magkakaibigan nataranta ako nang makitang pinapapunta na ako ni Faye sa school. Eh hindi ako makaalis dahil wala akong kasabay di ako sanay, Pakapalan na lang nang mukha to si Kai lang ang pwedeng maghatid sakin papasok.
"Kai ano kasi pwede mo ba ako hatid sa Montero University?" Tanong ko sakanya.
"Sure, magbihis lang ako." Sagot nya.
Bat naman kasi tanghali na kung magising yung iba kakaloka ang weird tuloy kaming dalawa lang ni Kai. Nang makapagbihis na si Kai umalis agad kami para makadating kami sa Montero nang maaga. Nang nasa gate na kami biglang may humarang sa dadaanan namin, si Brianna.
"Oh diba eto yung feeling mo jowa mo last year. Diba?" Sabi ni Brianna habang tumatawa.
"Kami talaga last year." Sabi ni Kaisser.
Napatingin naman agad ako sakanya ang speed den neto eh ano kaya nakain neto ang lala na nang tama eh.
"Could you please leave Nixelle alone? Wala naman syang ginagawa sainyo." Sabi ni Kaisser,
Hinatak nya ako papasok nang Montero University akala ko di sya papasukin pero dahil nga iisa na lang ang Bretwood at Montero pwedeng pwede na maaccess nang mga student nang Brentwood yung mga facilities namin. Nang makadating na kami sa room ko andaming nakatingin nagtataka bat daw ako may kasamang shs ang Brentwood. Iba kasi uniform nang highschool sa senior high. Yung sa highschool na girls palda namahaba then may dalawang strap yon tas longsleeves na polo, yung sa HS boys pants saka polo ayon lang pero yung uniform nang SHS girls is longsleeves na polo theen maikli na skirt na kulay black tas SHS boys naman may tie.
"Okay ka na ba dito?" Tanong sakin ni Kaisser.
"Ah oo okay na ako dito thankyou." Sagot ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Novela JuvenilA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
