Chapter 24

12 4 2
                                        

POV NI KAISSER

Pagtapos ko ihatid si Nixelle nagpunta na lang ako sa library nang Brentwood para magreview review. Saka gusto ko dito tahimik walang maingay. Binabawi ko na pala yung walang maingay dahil nakarinig ako nang sigaw at sure akong kay Nicole yon.

"Paro paro ikaw naghatid sa kapatid ko?" Tanong nya.

Anong klaseng ate to di man lang alam sino mga kasama nang kapatid nya eh paano kung napahamak yon.

"Oo." Sagot ko.

"Hay buti naman chinika nya sakin nakasalubong nyo daw si Brianna?" Tanong ni Nicole.

Chinika na pala sakanya eh bat itatanong pa sakin netong babaeng to.

"Oo, I just did what I did para di lang maasar si Nixelle." Sabi ko.

Magtatanong pa sana sya pero aalis na ako kaya nagulat ako nang sumigaw sya.

"KAISSER!" Sigaw ni Nicole.

"Ms. Amata! This is a library! No shouting!" Sigaw nung librarian.

Natawa naman si Nicole na para bang tanga akala mo ay nagjoke yung librarian. Hinatak ko na lang sya palabas bago pa sumabog sa inis yung librarian.

"Bat ka ba kasi tumatawa." Tanong ko sakanya.

"Wag daw sisigaw pero sya sumisigaw HAHHAHAHA" Sabi ni Nicole.

Binatukan ko naman sya dahil napakababaw nang kaligayahan nya parang tanga, Akala ko lulubayan nya na ako kung pupunta na ako sa room nang ABM pero hindi di talaga sya nagpapatinag ang malala pa pumasok pa sya sa room nang ABM kala mo hindi STEM.

"Uy diba ikaw yung jowa nang varsity player nung sa volleyball?" Tanong nang kablockmate ko kay Nicole.

Akala ko sasagutin nya pero nginitian nya lang yung nagtatanong saka sya umalis sa classroom namin. Nang maguwian na pumunta na ako kela Aling Rusing kasi may shift ako don pagdating ko andon na den yung iba. Habang nagbibigay ako nang mga order nung customer nakita ko naman si Nixelle kausap sila Brianna. Hindi paren ba nila titigilan si Nixelle, kaya nag ginawa ko nang paalam ako kay Aling Rusing na may lalapitan lang ako at mabilis lang ako. 

"Nixelle, ano nangyayari?" Tanong ko.

"Ah wala po alis na kami Nixelle." Sabi ni Brianna.

Pagtapos non pinaupo ko muna si Nixelle sa may labas nang karinderya, gusto nya na kasi agad magaaral di ata alam neto yung salitang pahinga eh.

"Wala naman ako nagawa sakanila pero ako yung pinagiinitan nila nang dugo." Sabi ni Nixelle.

Nang makauwi na kami sinamahan ko na lang si Nixelle tutal di pa naman ako inaantok sinamahan ko na lang siya sa baba at gumawa na lang den ako nang school works.

"Jah patulong nga dito." Sabi ni Nicole.

"Alen ba?" Tanong ni Jahnelle.

Busy silang lahat di ko alam bakit pero napansin ko na sa gabi talaga sila sinisipag, napansin ko naman na natahimik yung katabi ko ayon pala nakatulog na sa sofa kinumutan ko na lang sya. Sumunod na araw walang pasok dahil weekend na plano ko na matulog na lang buong araw pero.

"Kai gala tayo." Sabi ni Nixelle.

"Sa susunod na lang Nix." Sabi ko.

Bigla ko naman narinig na kumalabog yung pintuan nang kwarto namin nila ate Jam. 

"Ano nangyari!?" Nagaalalang tanong ni Ate Jam.

Tumayo na lang ako at inakyat si Nixelle sa rooftop, ang aga aga naman para magtampo tong batang to.

"Nix, san mo ba gusto pumunta?" Tanong ko sakanya.

"Punta tayo mall bibili ako nang mga things." Sabi nya.

Tumango naman ako sakanya at bumaba agad para makaligo na ako at makapagbihis, nang makabihis na ako bumaba na ako akala ko nasa baba na si Nixelle pero wala pa pala sya, ang tagal naman magbihis nung batang yon.

"Oh ano may date ka?" Tanong ni Ate Jam.

"Si Nixelle." Sagot ko.

Narealize kong mali pala sagot ko sakanya dapat pala wala bat ko ba sinabing si Nixelle tanga tanga naman Kai. Nang okay na si Nixelle umalis agad kami nacommute kami papunta doon. At pagpasok na pagpasok namin hinatak agad ako ni Nixelle sa watsons. 

"Makeup." Bulong ko.

Kumuha lang sya nang kung ano ano buti may pera to pang bili nang kung ano ano, nang matapos sya sa pagbibili nagaya naman nang milktea.

"Tara na libre ko naman." Sabi ni Nixelle.

Ang dami talagang energy neto di ata napapagod pagtapos namin makabili nang milktea nag-aya pa nang arcade daw. Nang mag gabi na umuwi na kami.

"Ang saya nang araw ko ngayon." Sabi ni Nixelle.

"Ako den." Sagot ko.

"Hep hep! Saan kayo galing? Ikaw babae di ka man lang nagpaalam sa Ate mo ah. Kumupit ka pa nang 100." Sabi ni Nicole.

Mukha naman di sya galit natatawa pa nga sya eh, except nung sinabi nyang kumupit sakanya si Nixelle.

"Sorry na ate, si Kai naman kasama ko saka tulog ka kasi diba." Sabi ni Nixelle.

"Sige na pasok na." Sabi ni Nicole.

Pumasok naman kami, naging ganon yung isang buong month namin ni Nixelle naging normal na samin na hahatid ko sya at susunduin. Masaya ako pag kasama ko si Nixelle.

"Kai tara na inaantay na ako nila Faye." Sabi ni Nixelle.

Habang naglalakad kami nakita namin bigla si Brianna at syempre normal ba ang araw ni Nixelle kung hindi sya aasarin ni Brianna.

"Well, well andito na pala ang brat nang section namin."Sabi ni Brianna.

"Whatever Brianna, Masyado maganda umaga ko para sirain mo." Sabi ni Nixelle.

Naglakad na lang kami papunta sa Brentwood, finally pinalitan na nila yung pangalan nang Montero kaya its official, Brentwood na tong dalawang school na to. Haban naglalakad kami napansin ko naman na parang nagdadalawang isip si Nixelle.

"May gusto ka ba sabihin?" Tanong ko sakanya.

"Nagkagirlfriend ka na ba?" Tanong sakin ni Nixelle.

Nabigla naman ako sa tanong nya at nahihiya sa isasagot ko, never pa ako nagkagirlfriend kahit isa.

"Never pa ako nagkaron nang girlfriend." Sagot ko.

"Totoo ba? Sa dami nang nagkakagusto sayo walang pumasa sa standards mo?" Tanong ni Nixelle.

Malabo man isipin pero oo walang pumasa sa standards ko si Nixelle lang, never pa den ako nagkagusto so basicall first time ko tong magkagusto.

"Kiligin na ba ako?" Natatawang sabi ni Nixelle.

"Ikaw bahala." Sabi ko.

Nang malapit na kami sa gate nang Brentwood SA building biglang may tumawag samin sa labas nang gate si Kissley lang pala. Habang inaantay namin sa gate si Kissley bigla naman binangga ni Brianna si Nixelle. 

"Ano ba paharang harang pa kasi eh." Reklamo ni Brianna..

Aalis na sana sya pero may humawak nang buhok nya pagtingin ko si Nicole pala, himala ang aga nya pumasok ngayon.  

"Bat ba galit na galit ka sakin? Palagi mo ako pinagttripan, Ano ba nagawa ko sayo?" Tanong ni Nixelle kay Brianna.

"Gusto kasi kita." Sagot ni Brianna.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon