"May laman yan! Buko nga lang." Sabi ni Marie.
"Crush mo si Ashley noh?" Bulong ko sakanya.
Kala ko sasagutin nya yung tanong ko pero tinawanan nya lang ako parang bobo. Bigla naman dumaan si Mendoza naisipan ko pwede naman sya sumama samin.
"Mendoza! Tara sama ka dito!" Sigaw ko sakanya.
"May kasama kasi ako." Turo nya don sa babaeng nakaupo sa di table.
Siguro kapatid nya yon pero mukha talaga syang tutulungan unicef.
"Te alam mo kung magkakajowa ako sana attorney." Sabi sakin ni Jahnelle.
Pagtapos nang recess bumalik na ulit kami sa mga classroom namin, ngayon may mga subject teachers na kaya panigurado magkakaron na nang mga lessons.
"Math nanaman mabubuang nanaman ako." Bulong ko.
"Pano buang?" Tanong sakin ni Kaisser.
Nagulat naman ako sakanya dahil bigla syang nagsalita sa likod ko parang ewan. First time ko din ata marinig yon na dumaldal.
"Ms. Amata and Mr. Mendoza! Daldalan nang daldalan! Gusto nyo ba ishare sa klase yan?" Tanong samin nung Teacher.
"Luh kaya nga bumubulong kasi ayaw ishare sa iba." Bulong ko sa sarili ko.
Di ko alam pero tumawa den si Kai kaya napalabas kami. Tapos may dumaan na babae yung kasama ni Kai sa canteen.
"Oh bat ka nanjan?" Tanong nung babae.
"Eto kasi eh!" Sabi ni Kai habang nakaturo sakin.
Hinampas ko naman sya, di ko naman sinabing tumawa sya eh bat ako yung may kasalanan.
"Mema ka ha!" Sabi ko sakanya.
"Ate Jam oh! Eto si Nicole feeling close!" Pagsusumbong ni Kai.
Nagulat kami nang biglang bumukas yung pintuan nang classroom namin tas lumabas yung teacher namin.
"Balle ano meron? Bat ka nanjan?" Tanong nung teacher.
"Ah sir napadaan lang po." Sabi ni Ate Jam.
Pagtapos ay umalis din sya agad at naiwan kami ni Kaisser kasama yung teacher namin.
"So ano nga pinagbubulungan nyo kanina?" Tanong samin nung teacher.
"Di ano po kasi nagpapaturo po kasi ko kay Kaisser kasi po di ko po gets yung lesson." Paliwanag ko.
Tumingin naman sakin yung teacher parang hindi pa maniniwala kaya kinakabahan ako.
"Sige nga ano naturo ni Mr. Mendoza sayo." Tanong sakin nung teacher.
"Ano po yung sa foil method po naguguluhan po ako don pero okay naman na po, gusto nyo sir pasagutin nyo pa ako sa board ngayon eh." Kabadong sabi ko.
Tumingin naman sya kay Kaisser, tas si Kai mukhang tanga nakatingin lang sa lapag pero tumatawa.
"Hindi bukas na lang, ikaw una kong tatawagin Amata." Sabi ni Sir.
Tapos pinapasok na ulit kami saka nagdismissed nang klase. Tas tawa lang ako nang tawa ganon den si Kai.
"Boba eh pano pag pinagexample ka talaga?" Tanong nya sakin.
"Buang ka talaga nakinig naman ako bago ko makipagchikahan sayo." Sabi ko sakanya.
Uuwi na sana ako tapos nakita ko na may ganap sa Hallway nang Gr9 dahil chismosa ako pinuntahan ko hinatak ko pa si Jahnelle papunta don.
"Ay kabog eto yung Kate diba?" Sabi sakin ni Jahnelle.

BINABASA MO ANG
Always Better Together
Genç KurguA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?