POV NI NICOLE
Pag gising ko bumaba agad ako para kumain pero nalimutan ko nandito pala yung mga kaibigan ni Ate Jam.
"Hi Nicole!" Bati ni Stell.
Naglue naman yata ang paa ko sa hagdan nang batiin ako ni Kuya Stell.
"Hi." Nahihiyang bati ko.
Tumakbo agad ako paakyat pero sinundan ako ni Justine di ko alam bakit.
"May kumakatok kanina pa hehe." Sabi sakin ni Justine.
Mukhang nahihiya din sya tutal kanina pa daw may kumakatok di na ako nagayos dahil baka kamag anak namin o kaya si Aling Rusing. Pero pagbukas ko hindi ko akalain na sya ang makikita ko.
"Nicole, Ate Jam mo asan?" Tanong sakin ni Axcel.
"Bawal ka na dito. Magpapaskil pa lang sana ako nang bawal manloloko dito eh." Inis na sabi ko sakanya.
Nagulat naman sya sa sinabi ko at mukhang pahiyang pahiya pero hindi paren talaga sya nagpapatinag di pa den sya umaalis.
"Nicole! Sino ba yang nasa labas kanina pa katok nang katok pag buksan nyo!" Sigaw ni Ate Jam.
Nagtataka naman yung limang lalaki kung bakit ayaw ko ipaka usap si Axcel kay Ate Jam.
"Ate Jam si Axcel yon gusto mo ba kausapin?" Tanong ko sakanya.
Sumenyas lang sya na okay lang naman kaya binuksan ko na yung pintuan at tinitigan nang masama si Axcel. Susundan ko sana sila pero pinigilan ako ni Ate Jam kaya nya na daw yon, kaya naman natahimik na lang ako sa may sala kasama yung lima.
"Mahirap ba maging trainee?" Tanong ko sakanila.
Sasagot na sana si Paulo pero mas nagibabaw yung sigaw ni Nixelle sa taas kaya naman agad kaming tumakbo papunta sa kwarto nila. Hindi ko alam anong irereact ko nang makita ko ang posisyon nila. Si Nixelle nakayakap kay Kaisser, si Kai naman parang naiirita ang itsura.
"HOY ANONG NANGYAYARI DITO?!" Naguguluhan kong tanong.
"Kasi may ipis tas ayaw pansinin ni Kai." Paliwang ni Nixelle.
"Pano naman kasi sabi nya pakiusapan ko daw yung ipis na umalis tutal kauri ko naman daw yon." Inis na sabi ni Kai.
Natawa naman ako sa kwento ni Kaisser pero bigla akong nagulat nang marinig na may kumalabog sa kabilang kwarto kaya dun naman kami pumunta. Pag pasok namin nakita namin nasa lapag si Jahleel si Marie naman halos mahuhulog na sa double deck. Ginising ko na lang sila buti na lang, pagtapos non bumaba na kami at nagluto si Ken nang pagkain. Habang nagluluto si Ken, bumaba na sila Ate Jam.
"Jam please." Pagmamakaawa ni Axcel.
"Axcel naman simpleng tanong di mo masagot! Sino yung babae kagabi?" Tanong ni Ate Jam.
Alam kong nasasaktan naden talaga sya pero di nya pinapakita, pero kasi kung gusto mo makita ang tunay na nararamdaman nang tao tumingin ka lang sa mata nila at paniguradong malalaman mo agad.
"Ex ko yon." Sabi ni Axcel.
Mas lalo naman nang galaiti sa galit si Ate Jam, malupet den tong si Axcel pulot basura ang peg. Sa sobrang inis ko ready na ako sampalin sya pero hinawakan ako nila Marie.
"Bakit kayo magkasama Axcel?! Bat ka nya tinawag na babe? Hindi naman ako pinanganak kahapon lang!" Sigaw ni Ate Jam.
The house was filled with silence walang nagsasalita until Axcel started to talk.
"Pinapunta sya ni Mommy, mas gusto talaga sya ni Mom, Jam ako naman magdedesisyon para sa sarili ko." Sabi ni Axcel.
"Excatly ikaw magdedesisyon, kaya clearly desisyon mo to." Sabi ni Ate Jam.
Nilabas nya yung cellphone nya, dahil chikadora ako sinilip ko kung ano yon. Picture ni Axcel may kahalikan na babae.
"Jam lasing ako." Sabi ni Axcel.
"Nawawalan ka ba nang utak pag nalalasing? Nalilimutan mo bang may jowa kang babalikan dito?" Tanong ni Ate Jam.
Papaalisin ko na sana si Axcel nang biglang sampalin ni Ate Jam si Axcel.
"Oooh"
"Oof"
"Aray"
"Umalis ka na. Wag ka na magpapakita sakin tapos na tayo." Sabi ni Ate Jam.
Umalis nga si Axcel tapos si Ate Jam naman nasa taas lang buong araw.
"Tara gala tayo." Sabi ni Jahleel.
"G, saan ba?" Sabi ko.
Umakyat naman si marie dahil ayaw na ayaw nyang gumagala, kelangan makikipag deal muna ko bago sya sumama. In the end napapayag ko naman den sya pero parang labag pa sa loob nya nagpunta lang kami sa mall kaming tatlo dahil yug iba may gagawin daw. Habang nagiikot kami nakakita naman ako nang store na nagbubutas nang tenga.
"Doon tayo gusto ko magpabutas." Sabi ko.
"Ah cr lang ako teka." Sabi ni Marie.
Hinatak ko agad sya papunta sa loob dahil alam kong ayaw nya sa mga pabutas pabutas na yan, Kaya habang nagpapabutas ako natatawa ako sakanya parang mas nasasaktan pa sya kesa sakin. Paguwi namin nakita namin sila Ken akala ko naman nakauwi na sila pero hindi pa pala.
"Andito pa pala kayo." Sabi ko.
"Oo di ko maiwan si Jam." Sabi ni Ken.
Inakyat ko naman si Ate Jam at sinabing gusto sya makausap ni Ken. Sumunod na mga araw napadalas na ang pag punta sa bahay nila Ken nakabalik na den samin si Jahnelle.
"Taray nagbabalik." Sabi ni Rochelle.
"Sana all bumabalik." Sabi ni Jahnelle.
"Ay may laman mars ah." Pang aasar ko.
Si Mav den napapadalas na yung punta saamin kasama pa mga tropa nya sila Ryu.
"Hi Nicole!" Bati ni Mav.
"Andito ka nanaman? Wala ka bang bahay." Sabi ko.
Nginitian nya lang ako saka pumasok sa bahay tropa tropa na nga den sila Ryu saka si Marie jusko.
"Oy! Akio! Andito ka nanaman." Bati ni Jahleel.
Kumain lang kami at nanood at ginawa yung mg gawaing bahay namin. Naalala ko bigla bukas pala first day ko na sa Brent wood nakakaloka ang bilis naman nang bakasyon.
"Pagising ako bukas ah may pasok na pala bukas." Sabi ko.
Nang mag gabi na umalis na den yung lima at syempre naiwan nanaman kami pagtapos kumain natulog na agad ako para maaga ako magising. Kakaiba nanaman ang mangyayari bukas.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Novela JuvenilA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
