POV NI JAHLEEL
Matagal tagal ko na din hindi nakakasama nang kami lang si Nicole at gusto ko sanang umamin na hanggat maaga. Hindi ko man sya makuha pero susupportahan ko sya sa lahat nang gusto nya. Sabado ngayon balita ko aalis yung nga gising na at alam kong hindi pa gising nang gantong oras si Nicole kaya hindi na lang din ako bumaba. Nang maramdaman kong wala nang tao saka na ako bumaba at nagluto nang itlog at hotdog.
"Hi Milo!" Bati ni Nicole kay Milo.
Naunahan na pala nya akong bumaba at may pagkain na kakaiba pala to eh sana nga lang masarap luto nyan.
"Gago kung makajudge naman itsura mo! Kalma hindi ako nagluto nyan." Sabi nya.
Natawa naman ako sakanya, hindi ko naman sya hinuhusgahan pero parang ganon na nga. Habang kumakain ako nasa may sala lang si Nicole nanonood nang anime. Di ako makalapit di ko naman alam sasabihin sakanya.
"Hoy bat ba ganyan itsura mo may gusto ka ba sabihin?" Tanong nya sakin.
"Wala naman." Sagot ko.
Alam kong may gusto ko sabihin sakanya pero di ko masabi dahil nahihiya ako. Maya maya sya na lumapit sakin.
"Uy alam mo ba crush kita dati!" Sabi ni Nicole.
Nagulat naman ako at natulala lang sakanya habang tumatawa sya. Hanggang sa nakaakyat na pala sya nang hindi ko namamalayan. Tinawagan ko na lang si Gen para humingi nang advise.
"Edi kausapin mo lang sabihin mo yung tunay mong nararamdaman." Sabi ni Gen.
"Nahihiya ako eh."Sabi ko.
"Wag ka na mahiya saka balita ko hiwalay na sila ni Akio." Sabi ni Gen.
Bigla naman ako napangiti nang sabihin yon ni Gen, di ko naman alam na di na pala sila di naman nagkkwento si Nicole samin ni Marie saka parang di naman sya nabroken. Nang nag 1:00 na bumaba ulit si Nicole at kumuha nnag tubig.
"Wala pa sila?" Tanong ni Nicole.
"Wala pa eh, bakit gutom ka na?" Tanong ko sakanya.
Umiling lang sya at tumabi sakin nakinood na den sya nang anime hanggang sa nahuli ko sya nakatitig lang sa phone nya.
"Kamusta pala kayo ni Akio?" Tanong ko.
"Wala na kami." Sabi nya.
Wala syang expresson na pinakita sakin blankong blanko mukha nya, Nagulat na lang ako nang umiyak sya bigla at umakyat sa kwarto nya hindi ko naman alam paano sya iaapproach kaya hinayaan ko na lang. Nang mag gabi na nandito na ulet sila Ate Jam si Nicole naman nasa rooftop kaya naisipan kong umakyat den.
"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.
"Mukha ba akong okay?" Sabi nya sakin.
Oo nga naman bat pa ako nagtanong obvious naman na di sya okay ay nako Jahleel.
"Kelan pa kayo nagbreak?" Tanong ko sakanya.
"Last month." Sagot nya.
Last month? Eh nandito pa sila Akio last month ano yon friends na lang sila non? Ang sakit naman non.
"Ikaw bat mo ko tinatanong ? Gusto mo parin ako?" Tanong bigla sakin ni Nicole.
Di naman ako agad nakasagot at naubo pa sa sinabi nya, so alam nya na gusto ko sya? kelan pa?
"Alam mo na gusto kita?" Tanong ko sakanya.
"Napakahalata mo kaya ang dali mong basahin." Sabi ni Nicole.
Naspeechless naman ako sakanya at hindi makasagot kaya natahimik na lang din ako at ganun din si Nicole nagsuot sya nang earphones at nakinig na lang.
"Alam mo kasi Nicole akala ko manhid ka, Kala ko nga di mo alam na gusto kita. Nasaktan pa ako nung sinagot mo na si Akio, Tas alam mo naman pala ba-" Sabi ko.
Nagulat ako nang halikan ako ni Nicole sa noo pero wala padin syang expression sa mukha nya.
"Di ako manhid, wag ka magalala gusto din naman kita pero kelangan ko muna ayusin sarili ko." Sabi ni Nicole.
Bumaba na sya pagtapos non ako naman naistatwa lang sa taas hanggang sa umakyat si Marie at Gen.
"Hinalikan nya ako sa noo." Sabi ko.
"Huh?" Tanong ni Marie.
"Nanaginip ka ba?" Tanong ni Gen.
Tumawa sila parehas pagtapos non pero nanahimik din at nagpipilit na ikwento ko daw sakanila ano nangyari. Sumunod na umaga nauna akong magising kaya lumabas na ako nang kwarto paglabas ko sakto lumabas na den si Nicole.
"Goodmorning!" Bati ko.
"Morning." Sabi ni Nicole.
Akala ko sasabayan nya pa ako sa pagbaba pero nauna na sya kaya sumunod na lang din ako. Kumain lang sya nang cereal habang nagcecellphone. Kakausapin ko na sana sya nang biglang bumaba si Marie.
"UY! Gusto!... Gusto ko den nang kape dre." Sabi ni Marie.
Napatingin naman sakanya si Nicole at nagtataka bakit sumisigaw si Marie. Bumalik na lang si Nicole sa panonood nang tiktok.
"Dre Gusto mo?" Sabi ni Marie kay Nicole.
"Alen?" Tanong ni Nicole.
"Si Jahleel ay-" Sabi ni Marie.
"Oo gusto ko si Jahleel, Bakit?" Deretchong sabi ni Nicole.
Naibuga ko naman nang bahagya yung kape na iniinom ko at nagulat sa sinabi ni Nicole, hindi ko ineexpect yon. Gulat den si Marie sa sinabi ni Nicole alam kong sinadya nya sabihin yon pero yung sagot ni Nicole yung nakakagulat.
"Okay na kayo?" Tanong ni Nicole.
Tumayo sya at nangiti nang bahagya kaya naman napangiti din ako parang tanga kaya binatukan ako ni Marie parang baliw daw ako ngumingiti mag isa. Simula nung araw na yon di ko na matanggal sa isip ko na gusto nga ako ni Nicole lagi ko na den sya kinakausap simula non kahit na ang cold nya tignan feel ko naman napapasaya ko sya kahit konti.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Ficção AdolescenteA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
