Chapter 33

14 4 2
                                        

Sumunod na mga buwan naging busy kaming lahat at hindi na kami nagkakasabay pumasok at umuwi, minsan na lang din kami magkasama sama pag kumakain. Ngayon sabado gumgawa ako nang plate for engineering things parehas kami ni Gen. Si Jahnelle naman nagrereview, si Ate Jam din dahil nga magfinals na.

"Maxine review tayo dali." Sabi ni Ashley.

Nang matapos ako sa ginagawa ko umakyat na lang muna ako sa rooftop para marelax man lang ako kahit papaano. Umakyat den si Jahleel saka Marie. Nandon lang kaming tatlo parang bobo walang nagsasalita.

"Tol pag tumalon kaya ako dito mamatay ako sa swimming pool." Sabi ko kay Marie.

"Ewan ko try mo." Sabi nya.

Kaya naman tumayo ako, nagulat naman ako nang pigilan ako nila Marie at Jahleel, Andami nila sinasabi pero ni isa wala ako naintindihan.

"Ano ba yon mga baliw." Sabi ko sakanila.

"Wag ka tatalon Nikol sinasabi ko sayo. May pangara-" Paliwanag ni Marie.

Natawa naman ako sakanila akala ba nila tatalon talaga ako, mga hatdog pala to eh. Binato ko na lang sila nang plastic bottle. Bumaba ako sa kwarto ko at natulog na lang.

POV NI ATE JAM

Habang nagrereview ako biglang tumunog cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung nagchat. Si Ken pala sabi nya hindi na daw sya makakapunta ngayon. Okay lang naman sakin dahil busy den naman ako ngayong araw. Nang matapos ako sa pagrereview naisip ko na tawagan sila Kristel.

"Hi Ate! Kelan ka punta dito?" Tanong nya sakin.

Napatingin naman ako dun sa pass para sa graduation namin dahil ilang weeks na lang den graduation na.

"Secret, Sige na mamaya na lang Kristel. Pasabi na lang kay kuya Hi." Sabi ko.

Agad akong nagbihis at nagimpake nang kaunting gamit dahil balak ko don matulog. Nagdala din ako nang pera pang bigay kela mama. Nang matapos na ako nagsabi ako kela Nicole na aalis ako. Kaya naman na siguro nila magluto nang sila lang anjan naman sila Marie. Habang nasa byahe ako tinatamaan na ako nang antok. Hanggang sa makadating na ako sa bahay namin nakita ko si Kristel nasa labas nagcecellphone.

"Jam!" Sigaw ni Kuya Jan.

Niyakap agad ako ni Kristel at binigay ko naman sakanya yung manika na matagal nya nang pinapabili sakin. Si Kuya Jan naman binigyan ko na lang nang pera dahil hindi ko naman alam ang pwedeng ibili sakanya. Nang pumasok ako sa bahay andon si Mama nagtutupi lang nang mga damit. Binigay koo na den yung pang allowance nila saka pera talaga ni Mama.

"Buti naman naisipan mo umuwi dito." Sabi ni Mama .

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at gulat ko na malinis yung kwarto. Naalala ko na naiwan ko to nang makalat at di maayos.

"Si mama nagayos nyan, ayaw pa nga non na may pumapasok sa kwarto. Parang ikaw lang." Sabi ni Kuya Jan.

Natawa naman ako parang baliw si mama, Kunyari pa na hindi ako namiss eh palagi naman pala nasa kwarto ko. Nang maggabi na nasa sala lang kami nanonood nang balita nang bigla ipakita yung Visco5.

"Uy! Mama ayan yung may mall show sana last month." Sabi ni Kristel.

"Ay nako Jam, Baliw na baliw na yan si Kristel sa Visco5 na yan." Sabi ni Kuya.

Natawa naman ako dahil totoo nga na baliw na baliw si Kristel lalo na kay Paulo ay nako, habang nagtatawanan kami si mama naman tutok lang sa tv.

"Kamusta lovelife nyo?" Tanong nung host.

"Maayos na maayos po, Umm hi Balle, Jam." Sabi ni Ken.

Nagulat naman ako nang marinig ko yung pangalan ko sa tv, napatingin din sakin sila mama at gulat na gulat sila.

"JOWA MO YON ATE?!" Sigaw ni Kristel.

"Anak nang tokwa jowa jowa na yan baka naman di ka makagraduate jan Rianne ha!" Sigaw ni Mama.

Ako na baliw tumawa habang nagagalit si Mama, Tapos tinatanong nila ko bakit ako tumawa kaya naman kinuha ko yung visitors pass para sa graduation.

"Ma makakagraduate ako, kasi nasakin na Visitor's pass nyo." Sabi ko.

Naiyak naman si Mama, kaya naiyak na den ako pagtapos non pumasok na ako sa kwarto at matutulog na sana nang biglang tumunog cellphone ko.

"ATE JAM! NAPANOOD MO BA BALITA!" Sigaw ni Nicole sa cellphone.

"Oo naman, Bakit?" Tanong ko.

"AAAA! Kabogera mama!" Sigaw ni Nicole.

Natawa naman ako sakanya mas excited pa sya kesa sakin, Habang kausap ko si Nicole bigla naman inagaw sakanya ni Kaisser yung cellphone.

"Edi legal na kayo jan te Jam." Sabi ni Kaisser.

"Oo nagulat pa nga sila, lalo na si Kristel fan pala sya nang Visco5." Sabi ko.

Sumunod na araw umuwi na ako sa bahay nila Nicole, at umagang umaga ang nakita ko ay puro kalat nang mga chips. Kaya agad naman ako nagayos doon nagising naman bigla si Nicole.

"Ay Ate Jam sorry ako na maglilinis nyan." Sabi nya.

Pagtapos non umakyat na ulit ako at nagreview para sa finals ko, After ilang weeks natapos na ang finals at graduation ko na. Nasa school na ako at inaantay ko na lang sila Nicole. Nandito na naman sila Mama mga kaibigan ko na lang talaga kulang. Si Ken naman hindi makakapunta dahil may mga gagawin daw sila. Nang dumating na sila Nicole pumunta na ako sa pwesto ko at biglang tumunog yung cellphone ko.

"Nasa likod kaming lima." Sabi ni Ken sa cellphone.

Napatingin naman ako sa likod at hinanap sila nakita ko agad si Justine na kumakaway saakin, Agad naman syang pinagsabihan ni Paulo dahil baka makakuha sya nang atensyon nang mga tao. Natawa naman ako nang bahagya sakanilang lima pagtapos non umupo na agad ako. Nang ako na ang aakyat nang stage nagulat ako tumayo den si Ken, At may hawak sya na camera. Pagtapos nang graduation nilapitan ako nila Mama, saka nila Nicole. Kaya naman lumapit na den sila Ken sakin.

"Congrats!"

"Baka Jam yan!"

Natawa naman ako sakanilang lahat pagtapos nung graduation ceremony kumain kami sa resaturant. Sumunod na lang sila Ken doon sa restaurant nang dumating sila nakasalubong sila ni Kristel.

"Hello po." Awkward na sabi ni Kristel.

Pupuntahan ko na sana sila nang biglang nilapitan ni mama si Ken, Kaya naman agad ko silang nilapitan.

"Ma si Ken, Boyfriend ko po." Sabi ko.

Nagmano naman agad si Ken kay mama, Sure ako na gusto ni mama si Ken para sakin.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon