POV NI ASHLEY
Masaya ako na nakabalik na kami kahit medyo hindi pa malinaw lahat nang memories ko pero atleast mas madali lang ako makakaalala kasi nandito yung mga kasama ko talaga bago ko nagka-amnesia. Medyo naiilang pero okay lang namiss ko sila kahit naman nung paggising ko sa hospital di ko man sila matandaan nararamdaman kong miss ko sila.
"Ashley tara puntahan natin yung branch na pinagttrabahuhan ko."Sabi ni Rochelle.
Nakapagdecide na kami ni Maxine na titigil muna kami sa pagaaral at magiipon muna, ready naman sila Ate Jam na saluhin tuition fee namin pero syempre nakakahiya paden kaya magiipon muna kami. Pagtapos namin puntahan yung mcdo pumunta kami sa Karinderya ni Aling Rusing.
"Ay jusko po maria totoo ba ito nakabalik na kayong dalawa dito." Gulat na sabi ni Aling Rusing.
Di ko akalain na makakaabot pa kay Aling Rusing etong balita na to pero natutuwa ako na kilala nya parin kami ni Maxine kahit isang taon kaming nawala at hindi na ako nagtaka na patok paden sa masa tong karinderya ni Aling Rusing.
"Pano ko naman kayo malilimutan sa dami ba naman nang naitulong nyo, at may araw araw kasi na lasing dito nung nawala kayo." Sabi ni Aling Rusing.
Ano kinalaman ko sa lasing mukha ba kaming alak, nang pauwi na kami naisipan ko kung okay na bang kausapin ko si Marie oh hindi pa. Dahil satingin ko sya yung may pinakamalaking bahagi nang memories ko, palaging sya yung naiisip ko pag may mga naalala ako. Ayoko maistress kaya tumambay na lang ako sa rooftop.
"Ashleytot! Kamusta ka na?!" Sigaw ni Marie.
Nagulat naman ako sa sigaw nya sobrang tahimik kasi sa rooftop tas bigla syang sisigaw.
"Okay naman, medyo confuse." Sabi ko.
Tumabi sya sakin sa inuupuan ko, nakakalula na lalo height nya siguro pwede na sya maging titan.
"Alam mo wag ka mahiya na magtanong sakin about sa past gusto kitang matulungan." Sabi nya.
Ngumiti naman ako sakanya at nagulat kami nang may magsigawan sa baba kaya tumingin kami sa terrace at nakitang nagsswimming yung iba dahil may pool naman dito sa mansion nila Gen.
"Tara sali tayo sakanila." Sabi ni Marie.
Dahil wala naman ako pang swimming di na ako nagpalit nang kahit ano nakatshirt at shorts lang ako. At walang pasabi akong tinulak nila Nicole
"Hoy pota ka!" Sigaw ko.
Pagtapos non ay naisipan na lang namin na mag netflix and chill type of thing the next day may pasok na sila and ganon din kami ni Maxine first day namin ngayon kasama naman namin si Rochelle kaya okay lang to. Sana. At naging okay naman kaming lahat nang mag gabi pumunta kami kela Aling Rusing.
"Oy andito na mga freetea kong kaibigan!" Sigaw ni Nicole.
Nagtataka naman ako dun sa matangkad na lalakeng katabi nya parang wala naman ako natatandaan na may kaibigan kaming ganon katangkad. Well may kaibigan kaming lalake si Kai pero di gaano ka tangkad.
"Ay nga pala eto si Akio Maverick." Sabi ni Nicole.
Sya pala yung nagpunta sa bahay nung isang araw di ko alam kung kaage ba sya ni Nicole pero mukhang may something sila. Nagtrabaho den kami ni Maxine kela Aling Rusing kaya naman paguwi namin sobrang pagod kami.
"Ash i'll give you fifty pesos if you masahe me right now." Sabi ni Maxine.
"Ulol mo." Sabi ko.
Nagmaktol naman si Maxine at sinipa lang ako pero dahil sa sobrang pagod ko nakatulog paren ako kahit sinisipa nya ako. Sumunod na araw nagising na lang kami nang may pumasok sa kwarto.
"Aba akala ko ba ayaw nyo katabi yung isa't isa?" Tanong ni Ate Jam.
Naalala ko bigla na magkadikit pala kama namin ni Maxine. Nang magising na kaluluwa ko ginising ko na ren si Maxine dahil baka malate kami sa trabaho.
"Hoy Max! Umayos ka nga baka mapagalitan tayo nang boss naten." Sabi ko.
Agad naman syang umayos, ganon lang ang naging routine namin. Nakakapagod pero kakayanin naman hanggang sa isang araw may tumawag kay Nicole.
"Ash para daw sainyo." Sabi ni Nicole.
Aabutin ko na sana yung cellphone pero pinigilan ako ni Maxine.
"No! Ash baka that's your mom, or tita." Takot na sabi ni Maxine.
"Okay lang yan ako bahala." Sabi ko.
Inabot ko agad yung cellphone ni Nicole at tama nga si Maxine, si mama nga yung tumawag kay Nicole.
"Ashley! Nasaan ba kayo? Nagaalala na kami ilang buwan na pala kayo wala sa Tita nyo, nakulong tita nyo." Kwento ni Mama.
Nagulat ako nang sinabi nyang nakulong si Tita, ano kayang nangyari kay Tita.
"Bakit nakulong si Tita, ma?" Tanong ko.
"Nagsampa kami nang kaso nang nalaman namin na wala na kayo sa bahay nya." Sabi ni Mama.
Muntik pa akong maiyak dahil may pake parin naman pala sila mama sakin at kay Maxine.
"Anak sabihin nyo lang samin kung nasaan kayo para hindi kami nagaalala, alam namin nagkaron kami kasalanan sainyong magpinsan pero sana mapatawad nyo kami." Sabi ni Mama.
Hanggang sa naluha na ako nang sabihin nya yon, agad naman akong niyakap ni Maxine at hinuhulaan nya na kung ano sinasabi ni Mama.
"Nasa safe naman kaming lugar ma, nagttrabaho kami ni Maxine para sa tuition fee namin." Sabi ko.
"Nakakaproud naman anak, alam kong di nyo naman responsibilidad yan pero ayan kayo ngayon. Nagttrabaho para sa kinabukasan nyo." Sabi ni Mama.
Habang umiiyak ako naiyak naden si Maxine, nang naging okay na nagbigay na ulit ako nang tiwala kela mama sana lang ay hindi na maulit yung mga nangyari dati.
"Sure ka na ba sa desisyon mo Ash? I can come with you naman." Sabi ni Maxine.
"No Max, kelangan ko na den sila harapin walang masama kung magpapatawad ako Max." Sabi ko.
Sumunod na araw buti na lang wala ako trabaho kinuha ko yung oras na yon para pumunta sa bahay. Pag dating ko nasa labas palang ako nang gate nakita ko na kapatid ko.
"ATE! MA SI ATE ANDITO!" Sigaw nya.
Bigla naman lumabas si Mama at niyakap ako nang mahigpit. Ngayon ko lang naramdaman sakanila yung gaanong pagkamiss.
"Nako Ash, upo ka muna. Hindi ko alam paano hihingi nang tawad sayo pero Ashley totoong nagsisi ako sa mga nagawa ko sayo. Sana mapatawad
mo kami." Sabi ni Mama.
"Matagal ko na kayong napatawad ma." Sabi ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Fiksi RemajaA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
