Chapter 15

16 5 4
                                        

Sumunod na mga araw sabog na sabog ako medyo hindi na nga den kumpleto pasok ko kada linggo. Ngayon na Friday di nanaman ako pumasok kaya kinatok nanaman ako ni Aling Rusing.

"Teka lang te Rusing kagigising ko lang po." Sigaw ko.

Nagulat ako pagbukas ko hindi naman si Aling Rusing yung kumakatok kundi si Nicole.

"Punyeta ka! PUMASOK KA NGA PAKYU KA!" Sigaw sakin ni Nicole.

Napaatras ako dahil parang baliw si Nicole may hawak pa na dos por dos at naisipan pa ako habulin akala mo talaga manghahampas.

"Ano di ka talaga papasok hayop ka!" Sigaw ni Nicole.

Kung kanina sure akong di nya ihahampas sakin yung dospordos ngayon sure na akong pwede nya nga ihampas sakin yung dos por dos. Nang makalma na si Nicole umupo kami sa sala may hawak akong alak hindi ko alam bakit.

"Akin na nga yan, magbihis ka pupuntahan naten sila Ate Jam sa karinderya." Utos ni Nicole.

Nagbihis naman agad ako at habang naglalakad kami parehas lang kaming tahimik at mukhang walang gustong magsalita pero dahil madaldal tong kasama kong to di nya na napigilan sarili nya kaya naman nag salita na sya.

"Uy Marie diba si Tikbalang yon." Sabi ni Nicole.

Napatingin naman ako at oo nga sila nga yon panget nila, di ko alam pero bigla na lang tumawa si Nicole na para bang bobo kaya napatingin den samin sila Tikbalang.

"Tol naalala ko lang yung myday non yung naglip sync di naman alam yung lyrics." Sabi ni Nicole habang tumatawa at tinuturo pa sila Tikbalang.

Nakita pa ata sya ni Tikbalang kaya papunta dito sa direksyon namin ni Nicole si Tikbalang. Hinila ko agad si Nicole para makatakbo kami kaso masyado syang mabigat. Kaya naman nalapitan tuloy kami nila Tikbalang.

"May problema ba kayo samin?" Tanong samin.

"Why naman ganong tikto-" Sabi ni Nicole.

Buti na lang at nagets nya yung gusto kong sabihin kaya nakatakbo kami, pero imbis na ako yung manghihila ako pa yung nahila.

"Teka yawa! Masakit na paa ko." Sabi ko kay Nicole.

Nasa karinderya naman na pala kami kaya tumulong na lang kami nila Nicole kela Aling Rusing.

"UY DIBA AYON YUNG ANAK NUNG KUMARE NANG MAMA MO SI MARIE."

"BALITA KO NAG JOJOWA DAW YUNG NANG BABAE EH." 

" OH? SABIHIN KO NGA SA NANAY NYA."

Muntik ko naman mabitawan yung plato na hawak ko nang marinig ko yon sa kabilang table.

" Oh sasabihin nyo kay Tita?" Tanong ni Nicole dun sa mga naguusap.

"Sino ka ba?" Sabi nung babae at inirapan si Nicole.

Kinuha na lang ni Nicole yung order nila akala ko naman ay matatapos na yung paguusap na yon pero hindi pala.

"Hi Kanina nyo pa pinaguusapan yung kaibigan ko, ganon ba kayo kay affected sa buhay nya?" Tanong ni Nicole.

"Ano nangyayari dito." Tanong bigla ni Jahnelle.

Gulat ko nang hindi sila pinipigilan nila Aling Rusing at ni Ate Jam, nandon lang sila sa loob nang karinderya.

"Ayusin nyo na lang buhay nyo dai kesa makisawsaw pa kayo sa iba." Sabi ni Nicole.

"Tama naman si Nicole, kunng ano man ang nangayayari sa buhay ni Marie hayaan nyo na mga ineng." Sabi ni Aling Rusing.

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon