Chapter 5

24 7 4
                                        

"Gago ka." Natatawang sabi ko.

Buong araw nandoon lang kami at bigla naman napagusapan ang mga gusto naming trabaho in the future.

"Doctor sakin." Sabi ni Jahnelle.
"Ako Engineer." Sabi ko.

Yung iba ay piloto, photographer, accountant, iba naman ay teacher. Ang alam ko kaya gusto ni Marie mag piloto is dahil sa kaibigan nya ata yon nalimutan ko yung buong kwento pero dahil don yon. Nung nag gabi na umuwi na si Ate Jam, Jahnelle, Saka yung magpinsan. Kami naman naiwan dito sa bahay nila Marie.

"Tara laro us! Truth or dare." Aya ko Sakanila.

Sumali naman silang lahat kaya nagstart na kami ako na ang naunang nagtanong kay Marie.

"Crush mo ba si Ashley o hindi?" Tanong ko.

"Kakasimula lang ang bigat na agad nang tanong ni Ate Nics." Sabi ni Nixelle.

Tumawa kaming lahat dahil hindi makasagot si Marie.

"Pag di mo sinagot inom nang toyo." Sabi ko.

Nagulat naman sya nang sinabi kong toyo ang iinumin nya, kaya no choice sya kundi sagutin yung tanong.

"Oo na gusto ko si Ashley." Sabi ni Marie.

Hinampas ko naman sya dahil napakaharot nya, sumunod ay si Rochelle sya ang nagdare sakin.

"Sayaw ka ang mga bibe don sa labas." Sabi ni Rochelle.

Dahil hindi naman ako KJ ginawa ko naman kaya walang consequence. Pagpasok ko parang tanga itsura ni Marie.

"Nakakadiri tol." Sabi nya.

"Sinabi ko bang manood ka." Natatawang sabi ko.

Pagtapos namin maglaro ay nagayos na kami para matulog na.

POV NI ROCHELLE
Habang natutulog na sila ako gising pa nagooverthink dahil kay Rhys.

"Hoy, ano yang iniisip mo?" Tanong sakin ni Nicole.

Nagdadalawang isip pa ako kung magoopen up ba ako sakanya, mukha namang mapagakakatiwalaan sya kaya sinabi ko na.

"Bat di ka nya kinakausap" Tanong ni Nicole.

"Di ko den alam mas gusto nya pa sa mga kaibigan nya." Naiiyak na sabi ko.

Kinomfort naman ako ni Nicole at biglang nagising naman si Marie.

"Hayaan mo na yon, pangit naman non." Sabi ni Marie.

POV NI NICOLE
Kakauwi lang namin ni Nixelle sa bahay galing kela Marie, kelangan na namin magayos para pumunta sa moving up ni Ate Jam. Bigla naman nagring yung phone ko.

"Hello nasan na kayo? Mga pangit." Sabi ni Ashley.

"Eto na nagaayos na kami teka." Sabi ko.

Saka nya binaba yung tawag, nang matapos kami magayos ni Nixelle nagpunta agad kami sa Brixton.

"Ay ang tagal nyo talagang magkapatid." Bungad samin ni Ate Jam.

"Di naman kami huli, tignan mo yung dalawa." Sabi ko habang tinuturo si Jahleel at si Gen.

Pumasok na kaming lahat at umupo sa pinakamalapit kay Ate Jam. Bago tawagin pangalan ni Ate Jam may biglang lumapit samin na girl.

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon