Nakauwi den naman kami agad pagtapos nang paskuhan, Mukhang okay naman na si Marie sila Ate Jam naman masaya okay na ang lahat. Nang makadating kami sa bahay tumambay muna ako sa sala dahil hindi pa naman ako inaantok kaya ayon nanood na lang ako nang anime. Lahat sila ay balak na matulog pero ako andito pa den nanonood, Tumabi naman bigla sakin si Jahleel. Akala ko ay may sasabihin sya pero di sya nagsalita, nanahimik lang sya doon.
"Ginagawa mo?" Tanong ni Jahleel.
Nagulat naman ako sa tanong nya hindi pa ba halata na nanonood ako potek, nakakaloka kausap minsan si Jahleel.
"Baka natutulog mars, Edi syempre nanonood kaloka ka." Sagot ko sakanya.
Sumunod na araw medyo natahimik yung bahay dahil umuwi yung iba namin kasama, tulad nila Ashley, Maxine, Jahnelle, Gen. Yung mga naiwan naman ay tahimik na natutulog ngayon pero ako gisingg na dahil pinapanood ko yung sinend ni ashley sa gc.
"Di namatay si Cardo." Pilit ni Maxine.
"WAH!" Sigaw ni Maxine.
Ashley Lim: Paki-kidnap na to kanina pa nag WAH
Tawa ko nang tawa habang pinapanood iyon at naisipan ko biglang mantrip sa mga tulog pa kaya kumuha ako nang malamig na tubig kinakabahan pa ako dahil baka magalit si Ate Jam sakin pero dahil hayop ako tutuloy ko this. Pagpasok ko nang kwarto namin kita ko ang himbing pa nang tulog ni Jahleel kaya sya yung inuna ko sinunod ko naman si Marie.
"Putcha!" Sigaw ni Marie.
Nang marealize nya ano ginawa ko hinabol nya ako pababa hanggang sa may likod nung apartment.
"Tol pasko naman na bukas pagbigyan mo na ako." Sabi ko ka Marie.
Inaantok pa daw sya kaya um-oo na lang sya. After ilang oras bumaba na den si Ate Jam at biglang may kumatok sa pinto, I swear pag to si Axcel nanaman mananapak na ako. Binuksan ko agad yung pinto at nagtaka dahil hindi ko naman kilala yung lalakeng naktayo sa harap ko. Pero nang titigan ko sya nang maigi naging familiar yung mukha nya sakin.
"Ikaw ba si Ken? Yung nag ttraining sa isang korean entertainment?" Nagtataka kong tanong.
"Ako nga yon." Sagot nung lalake.
Napatingin agad ako kay Ate Jam na gulat na gulat sa narinig nya, hindi ko man alam sino ang ipinunta neto ni Ken pero feel ko si Ate Jam talaga.
POV NI ATE JAM
Shuta bat naman nandito si Ken akala ko ghinost na ako non, bat magpagbalik jusko siguro kelangan ko sya kausapin.
"Ano ginagawa mo dito? Diba ghinost mo na ako?" Sabi ko sakanya.
"Sino naman nagsabi nyan saiyo?" Tanong nya saken.
Bigla naman bumaba sila Nicole at mukhang gulat na gulat sila sa nakikita nila. Bigla naman may kumatok sa pintuan at naalala ko bigla na pupunta pala dito si Axcel ngayon.
"Shit." Mura ko.
Bago ko pa masabing wag buksan yung pinto nabuksan na agad ni Nicole at nakita nga kami ni Axcel, Bat ba ako takot na takot di ko naman kelangan matakot wala naman ako ginagawang masama.
"Hi Love." Bati sakin ni Axcel.
"Hello, upo ka." Sabi ko kay Axcel.
Sila Nicole naman napakabait umalis silang lahat, Si Kaisser pinapauwi ni Tita, Si Nicole may lakad with other friends ganon den si Nixelle, yung dalawa naman sasama daw sila kay Nicole. So that means kaming tatlo lag matitira dito sa bahay na to .
POV NI NICOLE
"Nicole!!! Wala ka ba marereto jan?" Sabi sakin ni Marie.
"Well kasama ko si ano mamaya sila Angge, I think you'll like her." Sabi ko.
"Is she chinita?" Tanong ni Marie.
Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagaayos, biglaan lang etong lakad na to dahil ayoko naman mastuck sa love quarrell mamaya ni Ate Jam at ni Axcel. Nagkikita kami sa may ministop malapit sa Montero University at agad ko naman natanaw sila Angge at Sabrina.
"Hoy gaga di ka naman late noh?" Sabi ni Sabrina.
"Sensya na, saan ba tayo?" Tanong ko sakanila.
Bigla naman naglakad papunta somewhere si Angge para bang may hinahanap, ayon pala hinahanap nya is yung Tambayan.
"Ay eto nga pala si Marie at si Jahleel, eto naman si Angelica at si Sabrina." Sabi Ko.
Bigla naman ako hinatak ni Marie sa kung saan man to naiwan tuloy si Jahleel magisa.
"Sya ba yon? yung chinita na cute?" Nagmamadali nyang tanong sakin.
"Oo sya yon kumalma ka nga! Para kang tubol." Sabi ko.
Bumalik agad kami pagtapos namin magusap tungkol doon halata naman gusto ni Marie si Angge at hindi malabong di sya magustuhan ni Angge. Habang naglalaro si Sabrina at si Angge nang billiards umorder naman ako nang limang beer tagiisa kami. Lumapit naman ako kay Angge habang nagaantay sya nang tira nya.
"Te ang cute nung Marie, May jowa ba yon?" Tanong sakin ni Angge.
"Single na single yon gusto a nga magkajowa." sabi ko.
"oooh nice i'll shoot my shot later." sabi sakin ni Angelica.
Never ko pa nakitang narejet si angge nang lalake or babae, Grabe den alindog neto kaya di na ako nagulat kung ganon ang naging reaction ni Marie.
"Te ang gwapo naman nung Jahleel." Bulong sakin ni Sabrina.
Napatingin naman ako sakanya na parang naguguluhan at naiinis, kanina pa pala sya nakatingin kay Jahleel di ko napansin. Kaya naman pinalo ko sya nang tako sa ulo.
"Puro ka harot tira mo na." Inis na sabi ko sakanya.
Umupo na lang ako somewhere at inubos yung beer na hawak ko a finally nkaita ko na lumapit si Angelica kay Marie, lumapit agad ako kay Jahleel para makipagpustahan kung magkikiss ba si Marie saka si Angge.
"Pusta ko 100." Sabi ko.
Magsasabi pa lang sana nang price si Jahleel nang biglang kiniss ni Angge sa labi si Marie at nagmukha agad kamatis si Marie.
"EZ MONEY NANAMAN AKO SAB!" Pagyayabang ko kay Sabrina.
Habang nagiikot kami sa lugar na yon hindi na nahiwalay si Angelica kay Marie at si Sabrina naman eto umeeksena sa tabi ko na kesyo baka naghoholding hands kami ni Jahleel.
POV NI MARIE
Kanina pa kami nagiikot at gabi na den sabi ni Nicole ihahatid pa daw naminsila Angelica at Sabrina kaya naman tuwang tuwa ako, habang naglalakad kami nagguusap lang kami about hobbies and favorites nanag makadating na kami sa bahay nila naisipan nila Nicole na sa kanto na lang magantay.
"Hey I had a great day with you ! I'm looking forward to our first real date maybe." sabi ni Angelica sakin saka nya ako hinalikan sa labi.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
