"Hoy weekend na tara tambay naman tayo!" Aya ko.
"Saan?" Tanong ni Gwyneth.
Tumingin ako kay Nixelle na kanina pa ako kinakalabit.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sa bahay na lang natin tayo tumambay Ate." Bulong sakin ni Nixelle.
Inisip ko muna kung hindi ba magagalit si Mommy, medyo madami den kasi kami kaya nagtext muna ako kay Mommy buti na lang pumayag, nagjeep kami papunta sa bahay namin. Nagulat naman ako nang sakin tumabi si Marie.
"Tol tignan mo yung naging m.u ko." Kwento nya.
"Mukhang tikbalang tol." Natatawang sabi ko.
"Nanlalait nanaman kayo?" Tanong ni Gwyneth.
Tawa lang kami nang tawa buti nga hindi kami pinapagalitan nung driver.
"Kai! Mukha kang ipis." Sabi ko.
"De baliw mukha yan itik!" Sigaw ni Ate Jam habang tumatawa.
Si Kai naman nagearphones na lang dahil ang ingay raw namin, napansin ko naman na ang tahimik ni Gen saka Jahleel. Di namin kasama ngayon si Jahnelle nagpunta ata sya sa bahay nang kaibigan nya. Nang makarating na kami sa bahay nagulat kami ni Nixelle kasi ang daming pagkain.
"May fiesta ba ma?" Tanong ko.
"May mga bisita kasi kayo." Sabi ni Mama.
Nauna na sila na umakyat sa kwarto kasama nila si Nixelle, ginawa ko muna yung inuutos sakin ni mama saka ako umakyat. Pagbukas ko nang pinto bumungad sakin yung sobrang ingay nila.
"Pahelp ako gumawa nang story." Sabi ni Maxine.
"Ayan oh si Ashley." Sabi ko.
Tumingin naman si Ashley sa direction ko kaya nagulat ako.
"Ako nanaman nagmamath ako dito eh!" Sigaw ni Ashley.
"Gusto ko nang bunny, I saw something kasi sa Tiktok." Kwento ni Maxine.
Kumuha lang ako nang gamit sa loob nang kwarto tas bumaba ulit ako para magpalit nang damit.
POV NI ATE JAM
"Hoy baliw may kwento ko!" Sigaw ko habang natatawa. "Nakita ko kasi si Nicole saka si Kai kanina napalabas nang classroom." Kwento ko.
"Ayan kasi di kayo nagaaral." Sabi ni Marie.
Bigla naman syang binato nang libro ni Nicole, eto naman si Kai na katabi ko walang kaalam alam sa nangyayari dahil nga nakaearphones sya.
"Si Kai kasi parang tanga tawa nang tawa." Kwento ni Nicole.
"Nagdadaldalan kasi kayo eh." Sabi ni Gen.
Natawa naman si Nicole dahil naalala nya nanaman daw yung mukha nang teacher nila.
"Hala Maxine! Anong oras na pala kelangan na natin umuwi." Nagmamadaling sabi ni Ashley.
"Wait lang naman Ash! Don't minamadali me! Baka masagasaan us nang ablumansya." Natatarantang sabi ni Maxine.
Napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi ni Maxine ganon den yung iba at si Ashley naman ay napa sapo na lang sa noo nya.
"Gago ano yung ablumansya?" Tanong ni Nicole.
"Baka ambulansya?" Sabi ko.
"Yeah! That one! Ambumamsya!" Sigaw ni Maxine.
Nakakaloka tong batang to masyadong conyo hindi na alam bigkas sa ambulansya.
"Hatid ko na kayo gabi na den." Sabi ni Marie.
"Thankyou! Una na kami mga pangit!" Paalam ni Ashley.
POV NI MARIE
Habang bumababa kami nila Ashley napansin kong ang daming dala nila Ash kaya sabi ko ako na lang magdadala nang gamit nila. Nagjeep lang kami papunta sakanila bumaba kami sa kanto tas si Maxine pumasok na sa bahay nila dahil dun lang sa labasan yung bahay nila. Natira na lang kami ni Ashley."Di pala kayo magkasama sa bahay?" Tanong ko.
"Ah oo, pero minsan, ay madalas pinupuntahan ako ni Maxine sa bahay." Sabi ni Ashley.
Ang saya nga tignan na parang bestfriend nya na den yung pinsan nya, kala ko nga nung una magkapatid sila eh. Ang weird bigla nung atmosphere kasi ang tahimik tas kaming dalawa lang.
"Oh bat nanahimik ka?" Tanong sakin ni Ashley.
"Wala lang." Sagot ko. "Ash mukha kang sabaw." Natatawang sabi ko.
"Luh? Pangit mo! Dito na bahay namin thankyou sa paghatid!" Sabi ni Ashley.
Nakapasok na sa bahay si Ashley pero ako nandito paren sa labas nang bahay nila. Parang hindi gumagana yung katawan ko nagulat ako nang bumukas ulit yung pintuan nila nakita ko si Ashley na parang namumugto yung mata.
"Ano nangyari sayo?" Nagaalala kong tanong.
"Wala to, bat anjan ka pa?" Sabi nya.
Ano sasabihin ko dito eh hindi ko naman den alam bat nandito pa ako.
"Ano kasi, gusto mong maglakad-lakad?" Tanong ko.
Pumayag naman agad sya, tahimik lang kami na naglalakad hindi sya masalita tulad nung ibang araw siguro may problema sya.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Hindi." Sagot nya.
Niyakap ko na lang sya, umiiyak lang sya pero hindi ko alam bakit matagal den na ganon yung pwesto namin sa may daan. Nung lumalin na ang gabi umuwi na si Ashley syempre ako den umuwi na, bigla kong naalala nakela Nicole pala yung bag ko. Kaya tinawagan ko si Nicole.
"Puro ka kasi harot naiwan mo tuloy gamit mo! Dalin ko na lang bukas tinatamad na ako bumaba, tas te nakita mo tiktok ni tikbalang? Gaga parang ewan." Sabi ni Nicole.
Pinapadala ko lang yung bag ko andami na nya sinabi, eto na ata pinakamapanglait na naging kaibigan ko.
"Gago stop drop!" Sabi ko sa telepono.
"Hayop ka talaga!" Sigaw ni Nicole habang tumatawa.
POV NI NICOLE
Sumunod na araw dala ko na yung bag ni Marie, feel ko talaga bet non si Ashley eh iba yung pangungulit nya kay Ash. Naglakad lang kami ni Nixelle papasok para makatipid den, at habang naglalakad kami nakita namin si Rochelle may kasamang lalake."Sana all!" Sigaw ko.
"Sana all holding hands!" Sigaw ni Nixelle.Tawa lang ako nang tawa tapos si Rochelle naman pinapakyu na kami. Nang makadating na kami sa Brixton nakita namin si Marie sa labas nang gate.
"Kanina ka pa nanjan?" Tanong ko.
"Punyeta ka sabi mo maaga ka papasok kanina pa akong 5 nandito." Sabi ni Marie.
"Ay kung hindi ka ba naman tanga 7:30 pasok naten bat ka pupunta nang 5 dito." Sabi ko.
Binigay ko na lang sakanya yung bag, tas sumabay na sya pumasok samin nakasabay din namin si Rochelle sa pag pasok.
"Jowa mo te?" Tanong ko.
"Sana all jowa! Ehem! Baka naman crush!" Sabi ni Marie.Kinurot bigla ni Nixelle si Marie dahil daw ang likot kanina pa sya natatapakan sa paa.
"Uy! Wala daw klase lahat nalimutan ko bakit." Sabi ni Ate Jam samin.
"Tara tambay tayo may alam ako." Sabi ni Kaisser.
:))

BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?