Mukha pa den naluge si Mav, kaya naman tinapik ko na lang sya at mukhang nagulat naman sya.
"Uhm di naman ganon ka pangit yung serve mo, pero diba basketball player ka?" Sabi ko sakanya.
Nagsmirk naman sya, hindi sya pala ngiting lalake. Pagtapos non binalik ko na kay Marie yung cellphone nya. Nilabas ko yung gamit ko tutal dumating naman na sila Ashley pwede na ako gumawa nang school works ko. Nagulat naman ako nang may nagbagsak nang gamit si Mav lang pala.
"Uy diba ikaw yung Senior High na nagvolleyball at basketball?" Tanong ni Axcel sakanya.
Tumango lang sya, naglabas den sya nang mga school works nakatingin lang sila Ate Jam samin, tas parang tanga sila Nixelle nagaayiee pa.
"San ka ba nahihirapan sa math mo?" Tanong nya sakin.
"Hoy sino nagsabing nahihirapan ako, very easy lang kaya math duh." Pagyayabang ko sakanya.
Nakita ko naman tumatawa sila Marie sa sinabi ko, pag to binato ko nang monoblock tignan naten kung makatawa pa to. Pagtapods non umuwi na kami at nagpunta agad ako sa kwarto para magpalit nang damit.
"Ate Nics jowa mo yung volleyball player?" Tanong sakin ni Nixelle.
"Di ah." Sagot ko.
Bumaba naman ako pagtapos ko makipag usap kay Nixelle, Pagbaba ko nakita ko sila Ashley at Marie nagaaway pa ata.
"BAT MO NAMAN KASI SUSUNUGIN YUNG SPRITE!" Sigaw ni Ashley.
"AISH BAKA! HINDI NAMAN YUNG SPRITE YUNG SISINDIHAN." Sigaw ni Marie.
Aawatin ko na sana sila nang may kumalabog galing dun sa cr sa may kusina, kumuha agad si Marie nung walis ang hawak ko naman is yung mop. si Ashley naman hawak yung bote nang sprite. Nagulat kaming tatlo nang lumabas sa CR si Maxine na may hawak na laruan na baril.
"AKO SI CARDO YOU TWO SHUT UP!!!" Sigaw ni Maxine.
Natahimik naman kaming tatlo nang 2 mins saka lang na process sa utak namin yung ginawa ni Maxine.
"Maxine tigil-tigilan mo na kakanood nang probinsyano." Sabi ni Ate Jam.
POV NI ASHLEY
Minsan gusto ko na lang kalimutan na pinsan ko to si Max eh, kung ano ano ba naman ang trip parang tanga. Naalala ko bigla na ilang buwan na laang pala ko dito imbis na March ako aalis na lipat nang May kasi may mga hndi pa naayos na papeles, kaya hanggat andito ko tinatry ko nang laging makasama si Marie. Aakyat na sana ako nang biglang tumunog cellphone ko at Nakitang tumatawag sila Papa.
"Ashley! Ano yung sabi nung kaibigan ni Mama mo na may jowa ka na?!" Galit na sabi ni papa sa telepono.
Kinabahan naman ako agad dahil alam ko kung sino tinutukoy nila, nagreact naman agad akona parang di ko alam kung ano sinasabi nila.
"Sinasabi ko sayo Ashley umayos ka ha, matatamaan ka talaga sa mama mo pag nalaman pa namin yung ganyan." Banta ni papa.
Umakyat na lang ako sa kwarto namin pero bago pa ako makaakyat nang tuluyan narinig ko sila marie sa labas nang kwarto.
"Omae baka janai?!" Sigaw ni Nicole.
"Aba putcha! Hindi ako stupid noh!" Sigaw ni Marie.Hindi ko alam kung matutuwa ako or maawa sa kalagayan ni Jahleel, di nya alam kanino titingin or sino pipigilan buti na lang lumabas si Ate Jam.
POV NI NICOLE
Sumunod na araw nagstart na yung mga practice nang cheerdance at maswerte kami dahil pinayagan kami sa gym nang school mag practice.
"Mav si Ms Karinderya oh."
"Mav di mo sinabi cheer captain pala yan."
Di ko alam kung sinasadya ba nila iparinig sakin o di nila alam na malakas den boses nila.
"Goodmorning!" Bati ko sakanila.
Para naman nawalan nang dugo sa katawan si Mav biglang namutla natawa tuloy ako.
"Amata stretching na kayo, ikaw maglead."
Buong araw nagpractice lang kami nang cheerdance, sila Mav naman nagppractice para sa laban nila sa ibang school. Pagtapos nang practice pupunta na sana ako sa karinderya kaso lang.
"YA! Mav wag ka na maarte.'
"Kunyare ayaw pa ni Kio."
Asar nang mga kaibigan ni Mav, gusto kasi nila na magpicture kami dahil gaga den tong mga kasama ko si Sab saka Angge push na push naman. Nagtaka naman ako sino yung kio na sinasabi nung isa nyang kaibigan.
"I'm Akio Maverick Takahashi." Sabi ni Mav.
Nakakalula sya minsan tignan 160cm lang height ko sya naman mukhang nasa 180 cm. Pagtapos nang picture eme na yon pumunta na kami sa karinderya kasama ko si Sab at Angge. Napansin ko naman grabe den titig netong si Sabrina kay Jahleel di ko alam kung tatawa na ba ako parang anytime ma tutunaw na si Jahleel.
POV NI JAHLEEL
Kanina ko pa inaantay dito si Gen pero wala pa sya kaya naisipan ko na lang na tumulong sa Karinderya nang bigla akong matamaan ni Marie.
"San ka ba papunta nagmamadali ka pa." Sabi ko ka Marie.
"Ayon kasi sila Sab kausapin ko sana si Angelica nagtatampo eh." Paliwanag ni Marie.
Tumingin naman ako sa direction na tinuturo nya at nakita yung magandang kasama ni Nicole dun sa bilyaran, Sabrina yata pangalan mo. Akala ko iniwan na ako ni Marie di ko napansin hatak hatak nya na pala ako papunta kela Sabrina nagulat na lang ako.
"Hi!" Bati ni Sabrina.
"Uhh hello!" Sagot ko.
Dumating naman si Nicole para ibigay yung order nung dalawa, bigla naman dumating si Axcel akala ko break na sila ni Ate Jam dahil minsan nalang sya pumunta dito. Nakipagkwentuhan na lang ako kela Sabrina pero habang nagsasalita ako biglang may anino nang matangad na lalake akong nakita.
"Uy Takahashi! Nasa loob pa si Nicole." Sabi ni Angelica.
POV NI ATE JAM
Napapadalas na dito yung matangkad na Volleyball player dito ah at mas dumadami na den customer ni Aling Rusing.
"Jam utot, satingin mo anong mas maganda eto or eto?" Tanong sakin ni Axcel.
"Eto kasi mas modern yung design nya kesa dito sa isa." Sabi ko.
Pagtapos non nanahimik nanaman sya ako naman nakatitig lang kay Nicole saka dun sa Volleyball player, Nagulat na lang ako nang sumigaw si Axcel.
"Hoy ano ka ba? Tuktukan kaya kita nang tubo?" Banta ko sakanya.
"Titig na titig ka kasi kay Akio." Sabi ni Axcel.
"Bahala ka magtatampo ko." Sabi nya.
"Mukha kang tanga edi magtampo ka." Sabi ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?