Chapter 30

10 4 1
                                    

POV NI NICOLE
First day of being a Gr12 STEM student, wala pa nangyayari gusto ko nang umayaw. Pero hindi pwede basta para sa pangarap go lang.

"Hoy Nicole! Lutang na lutang ka nanaman jan sa assignment mo sa Physics!" Sigaw sakin ni Marie.

Nasa Karinderya na kasi kami at ako eto tinatry sagutan assignment ko sa Physics kahit di ko naman talaga alam gagawin. Nilapitan naman ako ni Mav at tinulungan mag sagot. Nang matapos ako pumasok muna kami ni Maverick sa karinderya para manood nang balita.

"Visco5 member Ken, bali-balitang napapartner sa isa pang singer ano ba talaga ang meron sakanila."

Napatingin naman ako agad kay Ate Jam pero mukhang wala naman syang pake hanggang sa lumabas na interview nung girl.

"We're more than friends, I can't say we are officially together. Nasa getting to know stage pa lang po kami."

OMG ay mayghad I hope that hindi totoo yung sinabi nung babae, paano si Ate Jam. Baka masapak ko si Ken pag bumisita sa bahay namin yon. At nang mag gabi na tama nga ako dumating sila sa bahay.

"Bawal ka dito shoo!" Sabi ko.

Nagtaka naman si Ken bakit di ko sya pinapapasok, Nang naubusan na sila nang pasensya hinatak na lang ako nila Joshua at Paulo. Wala na ako nagawa nakapasok na sila at nagtama agad mata nila Ken at Ate Jam.

"Jam hindi totoo yun." Sabi ni Ken.

"Yeah I know, naniniwala naman ako sayo." Sabi ni Ate Jam.

Grabe hindi ba sya nagdalawang isip na baka totoo yon or something. After non nagpunta lang ako sa rooftop at nagisip isip ng mga bagay bagay. Bigla naman umakyat den si Ate Jam saka si Jahnelle.

"Lalim nang iniisip mo te ah." Sabi ni Jahnelle.

Tumabi naman sila sakin , nagtaka naman ako bakit hindi nagdalawang isip si Ate Jam kay Ken.

"Alam mo kasi Nicole kelangan kasi talaga sa relationship ay trust, ayon talaga secret non." Sabi ni Ate Jam.

"Ay te nga pala si , Akio nasa baba." Sabi ni Jahnelle.

Naalala ko naman bigla na 1 year na ata na nanliligaw si Akio sakin and hanggang ngayon di pa sumasagi sa isip ko na sagutin sya pero gusto ko na sya. Habang naglalakad ako pababa nang hagdan nagiisip na den ako kung sasagutin ko ba sya o hindi.

"Mav! Tara dun tayo sa may pool." Sabi ko.

"Ano meron?" Tanong nya sakin.

Kabadong kabado ako at hindi alam paano magsisimula nang paguusap kaya umupo na lang ako.

"Diba matagal tagal ka na den nanliligaw sakin, naisip ko lang na sagutin na kita." Sabi ko.

Pagtingin ko naman sakanya nakangiti lang sya sakin at di ko na realize na andon den pala yung iba.

"Ayieee"

"Wow di na single!"

"double na sya!!!"

Mga gago yata tong mga kaibigan ko mga ulol kubg ano ano sinasabi. Pagtapos non pumasok na ulit kami sa bahay at nanood na lang nang kung ano ano. Sumunod na araw nagising ako nang maaga at nakita si Marie sa kusina nagluluto.

"Wow naman penge na ako." Sabi ko.

Umupo ako sa harap nang pagkain at akmang kukuha na pero pinalo ni Marie kamay ko.

"Aray ko naman, Aho!" Sigaw ko.

"Patay gutom ka kasi! Ano ka si Sasha! Di naman para sayo yan eh." Sabi ni Marie.

Attitude neto nagugutom lang naman ako nagtaka naman ako kung para kanino ba yung pagkain na nakahanda.

"Kay Ashley kasi yan kaya shoo! Dun ka na bigyan na lang kita patatas." Sabi ni Marie.

Kumuha na lang ako nang tinapay at cheese at ayon ang kinain ko, ang aga aga landi neto ni Marie nang paakyat na ulit ako para maligo biglang may nagdoorbell.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Here, burger and some fries." Sabi ni Mav.

Aba malupit den to, pinapasok ko naman sya sa bahay at umupo kami sa sala.

"Ang aga mo ah wala sila Seven?" Tanong ko.

"Bat sila hinahanap mo andito naman ako." Sabi ni Mav.

Ay putek seloso naman netong setter na to parang batang naagawan nang candy.

"Nagtatanong lang ano ba." Sabi ko.

Pagtapos ko kumain nagayos na agad ako at umalis na agad kami hindi na ako sumabay sa iba dahil mga tulog pa sila. Sa mga sumunod na buwan naging maayos naman ang pagsasama namin nila Ate Jam sa iisang bahay hanggang sa nagkaron na bang problema.

"Gago kasi neto ni Jahleel yung tawa parang mawawalan na nang hininga!" Sabi ko habang tumatawa.

"Marie maglinis ka na." Sabi ni Ate Jam.

"Si Ate Jam parang nanay." Sabi ni Marie.

Nagulat naman kami nang umakyat si Ate Jam tas ang bigat pa nang paa. Sumunod na araw may sinasabi sakin si Nixelle kaso naglalaro kami ni Marie nang COD. Sakto nasa sala kaming lahat noon nagulat kami nang magdabog si Nixelle.

"Alam nyo uwi na lang ako kela mama." Sabi ni Nixelle.

Nagtaka naman ako bakit, okay naman buhay namin dito bat pa babalik mas mahihirapan sya magcommute.

"Bat naman?" Tanong ko.

"Naleleft out lang naman ako dito eh." Sabi ni Nixelle.

"Yeah ako den." Dagdag ni Rochelle.

Di na ako nagreact dahil maski ako naamn napapansin ko hindi ko lang alam paano sasabihin.

"Laging kayo kayo lang magkakausap pag nakisali ayaw nyo sabihin yung topic." Sabi ni Nixelle.

"Sorry talaga." Sabi ko.

"Malay mo masyadong private yung topic." Sabi ni Marie.

Napatingin naman ako sa iba kela Ate Jam, Kaisser na nandon lang sa may kabilang side nang sofa.

"So ano gusto mo sabihin? Wala kayong tiwala samin?" Sabi ni Nixelle.

"Hindi naman sa ganon." Sabi ko.

Magsasalita pa sana ako nang tumayo bigla si Marie.

"Pano kung ganon nga?" Sabi nya.

"Aalis na lang ako dito wala naman pala kayong tiwala sakin eh." Sabi ni Nixelle.

Pinigilan ko agad sila at pinaupo sa sofa, hindi ako papayag mabuwag tong pagkakaibigan namin noh.

"Maayos naman to eh, sige from now on isasama na namin kayo sa mga pinaguusapan namin okay ba yon." Sabi ko.

"Ayon naman pala, andami pang sinasabi netong isa." Sabi ni Nixelle.

"Paparinig ka pa bat di mo na lang idirekta." Sabi ni Marie.

Malapit na ata akong maloka sa sagutan nila parang andaming mga hinanakit.

"Tama na yan, iinclude naman na kayo sa usapan eh okay na yon." Sabi ni Ate Jam.

"Akyat na ako." Sabi ni Marie.

"Mama mo akyat." Sabi ni Nixelle habang tumatawa.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon