"Bat ka naman kasi nanabunot bigla?" Tanong ni Ate Jam sakin.
"Nadala lang nang damdamin te Jam." Paliwanag ko.
Bigla naman ako binato nang kung ano man yon ni Marie, inamabahan ko naman sya.
"Tanga nagugutom na ako! Ikaw kasi eh, basag ulo ka ba?" Sabi ni Marie.
Nagpeace sign ako sakanya, dahil sakin di pa kami nakakain kaya ginawa namin nagpadeliver na lang kami.
"Nakita ko kasi si ano, si Rhys may kasamang ibang girl." Paliwanag ko.
Nagulat naman sila Jahleel, halatang hindi nila namukhaan si Rhys. Napatangin naman ako kay Rochelle kaso pagtingin ko sa pwesto nya wala na sya doon. kaya hinanap namin sya tinignan namin sa taas pero wala den sya doon.
"OMG! Rochelle is nawawala!" Sigaw ni Maxine.
"Ngayon mo lang yan narealize Maxine?" Tanong ko sakanya.
Tumango naman sya, kaya naloka kami ng slight sakanya, nalibot na ata namin yung buong barangay pero di pa den namin nakita si Rochelle. Hanggang sa tumunog yung cellphone ko.
"Hello!hoy nasaan ka bang planeta? kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ko kay Rochelle.
"Umuwi muna ako saamin, balik den ako sa apartment pero dito muna ako sa ngayon." Sabi ni Rochelle.
Pagtapos namin magusap na end bigla yung tawag, kaya bumalik na lang kami sa apartment.
"Hala shocks yung pinadeliver pala naten." Nagaalalang sabi ni Ate Jam.
Biglang lumabas yung mabait na kapitbahay namin si Aling Rusing, may hawak Mcdo at mukhang ayon yung pinadeliver namin.
"Oh eto yung pinadeliver nyo Jam, ako na nagbayad nyan kumain na kayo." Sabi ni Aling Rusing habang nakangiti saamin.
"Salamat po, eto po yung pera nyo na pinamabayad nyo." Sabi ko.
"Ay nako huwag nyo na ako bayaran, kumain na kayo anong oras na." Sabi ni Aling Rusing.
Pagtapos non ay pumasok na kami sa apartment para kumain, sila Ashley naman gumagawa nang assignments.
"Ash pacrusback naman jan oh." Sabi ni Marie.
"Crush back mo mukha mo." Sagot sakanya ni Ashley.
Tinawanan ko naman sya kaya binatukan ako, pasalamat to wala ako sa mood gumanti nang batok. Naging ganon lang ang pangyayari samin nung week na yon after that week naman bumalik na sa apartment si Rochelle okay naman na sya.
POV NI MARIE
"Tol alam mo ba malaki daw chance na magkaron ka nang cancer pag mas malaki yung kamay mo sa mukha mo." Sabi ni Nicole.
Minsan naweirduhan na ako dito sa batang to eh, parang kinulang sa buwan. Kung ano ano sinasabi.
"Na try mo na?" Tanong nya sakin.
"Hindi." Sagot ko.
Tumabi sya sakin bigla at dinemonstrate yung sinasabi nya, pinapagawa pa nga nya sakin. Kaya ginawa ko na lang para lubayan na ako netong si Nicole, tinapat ko yung kamay ko sa mukha ko at nagulat ako nang hampasin yon ni Nicole nang malakas. Kaya ang ending nasampal ko pa sarili ko.
"TANGINA KA TALAGA AMATA!!!" Sigaw ko.
Hinabol ko sya hanggang sa taas nagulat naman kami nang pagakyat namin nakaayos sila Nixelle, Ashley,Maxine,Gwyneth.Mga nakamakeup pa, lahat naman sila maganda pero pinakamaganda si Ashley.
"Ready na pala mga model ko eh." Sabi ni Nicole.
"Dun na lang tayo sa rooftop Ate Nics, maganda ngyon kagabi." sabi ni Nixelle.
Nakatulala lang ako kay Ashley di ko napapansin kinakalabit na pala ako ni Nicole.
"Gusto mo sumama sa taas?" Tanong nya sakin.
Oo na sana isasagot ko kaso tinawag ako bigla ni Jahleel, ano nanaman ba kelangan neto.
"Pre tara ano tulungan mo ko magluto." Sabi ni Jahleel.
"Tol sana okay ka lang ako talaga gusto mo tumulong?" Tanong ko sakanya.
Tumango naman sya pero umakyat na lang ako sa rooftop, ayoko magluto eh gusto ko panoorin sila Ashley. Habang nagphotoshoot sila nakatingin lang ako kay Ashley. si Ate Jam naman todo sayaw sa likod ko, nagtitiktok nanaman kasama yung pusa nya.
"Te Jam baka matanggal buto mo ah." Sabi ni Kaisser habang tumatawa.
Binato naman sya ni Ate Jam nang tsinelas pero todo asar paden si Kaisser kay Ate Jam kaya ayon nag hahahabulan silang dalawa. Nang matapos na ung shoot lumapit ako kay Ashley.
"Ganda mo ah." Sabi ko.
"Mama mo maganda." Sagot sakin ni Ashley.
Habang pababa na kami narinig kong sabi ni Ashley na gusto nya nang sisig, kaya naman nagmadali ako bumaba at pumunta sa kusina.
POV NI NICOLE
Nang matapos ko na yung PETA ko na tungkol sa mga picture picture, bumaba agad kami para kumain. Pero badtrip si Marie nahulog ako sa hagdan kakamadali nya parang tanga. Lumapit naman sakin bigla si Nixelle.
"Ate maganda ba makeup ko ano dapat ko iimprove?" Tanong nya sakin.
"Okay naman onting practice pa sa blend mo nang eyeshadow." Sabi ko sakanya.
Pagbaba namin may pagkain nang nakahain pero si Marie masyado pang busy sa kusina ewan ko ano ginagawa nya doon, pero after ilang minutes lumabas sya may hawak pang plato na puno nang sisig. Akala ko ilalagay nya sa gitna pero nilagay nya lang sa harap ni Ashley.
"Favoritism ka ha."Sabi ni Ate Jam.
"Oo nga dami dami namin, si Ashley lang binigyan mo, UNPEYR!!!" Sigaw ko.
Akala ko naman bibigyan na ako pero inirapan nya lang ako, sapakin ko kaya to masasaktan kaya ako. Sabado sumunod na araw kaya chill chill lang ako, si Ate Jam naman naghanap nang part time job kasama si Kaisser. Pagbaba ko nakita ko si Ashley na dinidiligan yung mga bulaklak nya, minsan gusto ko na lang putulin yon eh.
"Sana ol nadidiligan." Sabi ko.
Natawa naman sakin si Ashley at Rochelle.
"Good morning." Bati sakin ni Jahleel.
"Mama mo morning." Sabi ko.
Akala ko lulubayan ako ni Jahleel pero sinundan nya pa ako, Hanggang sa pagkain nakatabi sakin parang nagkaron ako ng buntot.
"Uy Nicole di ko alam na may buntot ka pala." Natatawang sabi ni Gen.
"Oo nga ngayo ko lang din na pansin." Sabi ko habang nakatingin kay Jahleel, nginingitian pa nya ako parang asong ulol.
"Uy Nicole nakita ko ex mo yung brownie." Sabi ni Rochelle.
"Oh edi nice." Sabi ko.
Dahil na bored ako sa baba umakyat na lang ako nakasunod paden sakin si Jahleel.
"Oh bat nakasunod ka pa den kay Nicole, tapos na yan kanina ah." Sabi ni Marie.
"Wala lang gusto ko lang sya sundan." Sabi ni Jahleel.
Naisipan ko naman magmakeup para masaya, tas nanonood akin ng maigi si Marie saka si Jahleel parang mga ewan.
"Alam mo para matuwa ako sayo, halika dito." Sabi ko kay Jahleel.
Lumapit naman sya, pinaupo ko sya sa harap ko napaka masunurin naman neto, lumapit pa ako para mas maayos ko sya mapekupan.
"OMG." Sabi ni Marie.
Ang OA neto nilalagyan ko lang naman ng makeup si Jahleel kung makareact parang tanga eh.
"HOY MARIE ANG OA MO MINEMAKEUPAN KO LANG KAIBIGAN MO." Sigaw ko.
"Di kasi yon, You're too close kasi sakanya." Sabi ni Marie.
Kaya napatingin ako sa pwesto namin, At tama nga si Marie masyado pala ako malapit, namula naman pisngi ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Ficção AdolescenteA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
