Chapter 20

16 4 7
                                        

Nakalipas na yung isang buwan at April na ngayon that means maiiwan na si Marie saka si Ashley. Bukas na kami aalis at napansin ko lang sa isang buwan na lumipas mas nagiging close na kami ni Mav tas si Sabrina den saka Jahleel nagkakaron na nang something. Sila Angge den naman pero its complicated. 

"Ano yan bat andami mo naman dala?" Tanong sakin ni Marie.

"Boba hindi lang naman kami sasali sa Cheerdance competition don, magcheerleader den kami sa mga laban nang volleyball and basketball." Paliwanag ko.

Pinagpatuloy ko na lang pagaayos ko siguro 1 week den yon last week yon nang april, kaya hindi ko alam kung maabutan pa ba namin si Ashley sa bahay pag uwi. Nang lumalim na yung gabi nagkape na lang ako dahil hindi na den naman ako makatulog.

"Hoy mars, di nyo na ako maabutan pauwi nyo. Pinapauwi na ako sa amin eh goodluck sainyo ha, Galingan mo mars!" Sabi sakin ni Ashley.

"Ang gara naman, puntahan ka na lang namin sa airport okay ba yon ?" Sabi ko kay Ashley.

Tumango naman sya saka umakyat para matulog, di man kami ganon kaclose pero nakakalungkot na aalis na sya. Sumunod na araw nagising ako nang may yumuyugyog sakin pag dilat ko nasa kwarto namin sila Sabrina saka Angge.

"HOY MGA TUKMOL AWATIN NYO NAMAN MGA JOWA NYO." Sigaw ko.

"Ingay mo!"

"Tol alarm clock ka ba manahimik ka!" 

Ang lakas magreklamo netong dalawa parang walang utang na loob sakin , kung di naman dahil sakin di nila makikilala sila Sab. Tumayo na ako at inayos yung kama tas naalala ko na kasama den pala si Jahleel samin pero ayaw gumising kaya naisipan ko syang paluin nang unan.

"Putcha." Bulong nya.

Tumakbo na lang ako sa cr para di nya ako habulin at nagayos ako nagbihis ganon den yung iba pagbaba ko bumungad agad sakin si Mav at sila Ryu. Pagtapos non umalis na kaming lahat para pumunta sa school.

POV NI MARIE

Nagising ako nang katahimikan sa bahay at masyadong rare yung mga times na ganon katahimik yung bahay, siguro ay nakaalis na sila. Naisipan ko naman silipin si Asley at mukhang tulog na tulog pa den talaga sya kaya bumaba ako para itimpla sya nang milo. Tapos ay nanood na lang ako nang haikyu after ilang mins naririnig ko yung yabag nang paa ni Ashley.

"Ohayo Gozaimasu!" Bati ko sakanya.

Nagulat ako nang naluha sya at bigla na lang umiyak nang tuluyan na para bang naagawan sya nang candy.

"Teka bat ka umiiyak? may nasabi ba ako? ano ?" Nagaalala kong tanong.

"Nawawala yung yellow ko na clip, AAAAAAAAH!" Sabi nya habang humahagulgol.

Pinainom ko na lang sya nang milo saka ko hinanap sa kwarto nila at buti na lang talaga nahanp ko yon. 

"YAY!" Masayang sabi ni Asley.

She makes me happy kahit sa ganon lang, hays Ashley yung hiling mo ang hirap gawin. Hirap mo kalimutan Ashley. 

"Ano gusto mong gawin?" Tanong sakin ni Ashley.

"Manood." Sagot ko.

At ayon nga ang ginawa namin tumabi sya sakin and she hugged me ganon lang pwesto namin hanggang sa mag lunch biglang kumatok kaya pumunta agad ako sa pinto.

"Oh Marie eto ulamin nyo nagpabilin sakin si Jam na lutuan den kayo dahil wala naman marunong sainyo magluto, Ang nanay Jam nyo talaga." Sabi ni Aling Rusing.

Natawa naman ako nang sabihin nyang nanay Jam HAHAHAHA, Pero parang totoo kasi nagmumukha kaming anak ni Ate. Pagtapos namin kumain ni Ashley naglaro kami nang truth or dare.

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon