Akala yata ni Axcel ay lalambingin ko sya, pagkaharot ba naman tuktukan ko kaya to. Titig na titig lang naman ako dun sa volleyball player dahil mukha syang nanakit nang mga puso, nagaalala ako kay Nicole.
POV NI NICOLE
Sumunod na araw busy nanaman kami mas focus na this time dahil may liftings na habang nagppractice kami dumating ulit yung Senior High Boy's Volleyball team. Syempre andon si Mav nagulat naman ako nang dumating den yung Grade 8.
"So sila daw muna ang magpractice pumayag naman ako kaya jan lang muna kayo." Sabi nung Teacher.
Nanood lang kami nang nanood may mga kelangan din sila ayusin tulad samin. Kinabahan naman ako nung nasa may pyramid na sila dahil si Nixelle yung nasa taas at nung makita kong mali hawak nila kay Nixelle napatakbo ako don sa likod dahil pabagsak na sya tas wala pang spotter don.
"I'm sorry dapat po may spotter dito." Sabi ko sa teacher na naghhandle sakanila.
"Ate si Brianna po nakapwesto jan." Sabi sakin nung isang naglift kay Nixelle.
Napaisip naman ako kung she did that on purpose or nalimutan nya lang saan sya, pagtapos non kami naman ulit yung nagpractice. 3 weeks lang preparation namin dahil mag Foundation week na sa susunod.
"NICOLE! GISING NA! NICOLE!"
Nagising ako nang may narinig ako sumisigaw sa labas, binuksan ko naman agad yung bintana at nakita ko sila Angelica at Sabrina. I completely forgot na foundation week pala today kaya naligo agad ako nagsuot ako nang pang practice tapos nagdala ko pamalit. Bago ko umalis ginising ko na den sila Marie tas bumaba ako pero nagluto na lang muna ako nang itlog para saming tatlo nila Angge.
"Hi!" Sigaw ni Angelica.
Napatingin naman ako sa hagdan kung sino binati nya, si Marie pala pero mukhang gulat na gulat den sya at hindi alam kung tutuloy pa sa pagbaba sumunod na bumaba ay si Jahleel.
"BAT KA NANDITO?" Gulat na tanong ni Jahleel kay Sabrina.
Napakamot na lang ako sa ulo ko nilutuan ko na den yung dalawa dahil gising naren naman sila. Tutal at umaga lang ang practice nang cheerdance hinanap ko agad yung iba. Sabi sabi sa school namin naibenta naren daw sa may ari nang Montero University yung Brentwood kaya Foundation Week den ngayon nang Brentwood at pupunta sila Ate Jam dito.
"Ate Nics! Thankyou pala sa pagsalo sakin nung isang araw." Sabi ni Nixelle.
"Wala yon." Sabi ko.
"MIDORI!"
"A-EYES!"
"Hoy Captain."
Hindi ko alam kung titingin ba ako sa direction nung boses o hindi na lang, bakit naman ganon mga tawag sakin parang ewan.
"Marie!" Sigaw ni Angge.
"Chibi-chan." Bati ni Marie kay Angge.
Ang Speed naman netong dalawang to parang nung isang araw lang di pa sila simp sa isa't isa ah.
"Uy nga pala Nicole laban ngayon nila Akio ah." Sabi ni Angelica.
"Nood tayo Ate Nics." Sabi ni Nixelle.
At Nanood nga kami setter pala sya magaling naman sya baliw lang talaga siguro mga kaibigan nya. Sila Angelica at Marie naman nagwonder lang sa Montero University. Pagtapos non di kami ganon nakausap ni Akio or ni Mav I don't know what to call him.
"Captain!" Sigaw ni Mav.
Tumingin naman ako sa direction nya para syang hindi nauubusan nang energy kahit na kita ko naman pagod nya kanina. Ang ingay den kanina andami nagccheer saka nya mostly mga babae.
"Galingan nyo sa CDC para makasama pa namin kayo sa laban sa ibang school." Sabi ni Mav.
Nagthumbs up na lang ako sakaya saka ko hinabol sila Ate Jam tas di ko na sila nakita kaya si Nixelle at Kaisser na lang hinanap ko.
"Nicole! Bumagsak si Nixelle sa practice nila!" Natatarantang sabi ni Kaisser.
Tumakbo agad ako papunta sa may gym at andon si Nixelle nakaupo sa bench nagpapahinga.
"Nixelle kaya mo ba itawid tong CDC na to?" Tanong sakanya nung teacher.
"Pagisipan nya po muna." Sabi ko.
Nilapitan ko agad si Nixelle at dumating den bigla sila Ashley, Maxine, Gwyneth, Kissley. Dumating den sila Sabrina at kasama nila si Angel.
"Hoy gaga! Buti pinapasok ka?" Sabi ko kay Angel.
"Ako pa ba."Sagot nya.
Pinagtitinginan naman kami nung mga Gr 8 at nagtataka bat kami nagtitipon tipon. Tas nakita ko agad si Brianna pangisi- ngisi pa sya. Tumayo naman kao nang makitang naglalakad sya palapit samin.
"Bawal po senior dito." Sabi ni Brianna.
"Di mo ba sya sinalo?" Tanong ko sakanya.
"Uh, Yeah ang bigat bigat nyan eh." Sabi ni Brianna.
Kung hindi lang ako siguro mas matanda dito sinapak ko na to, kaya nga sya nilagay na spotter para if ever may mahulog or what.
"Gusto mo pa ba ituloy tong CDC?" Tanong ko kay Nixelle.
"Oo naman ate." Sabi ni Nixelle.
Pagtapos nya magpahinga bumalik na sya sa pagppractice mabait naman yung bantay nila kaya nakapasok pa kami sa Gym. After 4 days dumating na yung araw nang CDC, sumilip ako sa bintana at nakita ko sila Ate Jam inaantay na bumaba yung mga magperform.
"Amata may nagahanap sayo."
Lumabas agad ako nang room at tinignan kung sino yung naghahanap sakin, Si Mav pala kala ko kung sino pero di ko sya ineexpect na pupunta dito.
"Hi! Nonood ka CDC?" Tanong ko sakanya.
"Yeah, Goodluck! I'll see you later." Sabi ni Mav.
At ang ending seniors nga ang nanalo, syempre madami ang masama ang loob at madaming sinasabi tungkol samin. Si Nixelle naman okay lang kahit di sila nanalo dahil pupunta paren naman sya sa laban sa mga ibang schools dahil sya yung napiling magpicture sa KADSA.
"Uy sino gusto sumama samin sa KADSA?" Tanong ko.
"Ako." Sabay sabay nilang sabi maliban kay Ashley at Marie.
Di na ako magtataka na ayaw sumama ni Marie sayang naman pero atleast magkakaron sila nang Alone Time ni ashley dahil 1 week yata yon wala kami sa bahay. Hindi naman this month siguro mga April yon.
"Congrats Nicole!" Sabi ni Gen.
"Congrats MIDORI!"Sabi ni Marie.
"Papalechon na yan." Sabi ni Jahnelle.
Natawa naman ako sakanila sanaol may pera para magpalechon, Bigla naman tumawa nang malakas si Kaisser at hinampas pa ako.
"Ate Jam gusto nyo lechon? Katayin nyo na si Nicole." Sabi ni Kaisser.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
