Chapter 10

21 6 2
                                        

"Bat ka naman nakikisali, eh pano pala pagkahinabol tayo hanggang dito." Sabi ni Ate Jam.

"Sorry na Ate Jam." Sabi ko.

Pagtapos non nagmerienda kami nang dumating sila mommy.

"Hi Tita!" Bati ni Ate Jam.
"Hi po." Bati ni Jahnelle.

"Ikaw yung laging pumupunta sa bahay diba?" Tanong ni Mommy habang nakatingin kay Jahnelle.

"Ah opo." Sagot ni Jahnelle.

Dumaan lang naman sila mommy para kamustahin kaming lahat. Kinagabihan nasa kwarto lang ako nagtitiktok.

"Tol may Joke ako." Sabi ni Marie.
"Oh sige ano?" Sabi ko.

Natatawa na agad si Tanga wala pa nga sya sinasabi.

"Ano tawag sa bubuyog na kaya nag produce nang gatas?" Tanong ni Marie.

"Ano?"

"Boo-bees." Sabi ni Marie habang tumatawa.

Iniwan ko na lang sya sa kwarto mukhang, kelangan mapagisa ni Marie, bigla naman pumasok sa kwarto si Ashley kaya di na ako bumalik sa kwarto namin bumaba na lang ako para manood nang tv.

"Taray may netpleyks pala dito." Sabi ni Gwyneth.

"Tara nood tayo!"
"Anime!"

Nagplay na lang kami nang Anime, your name yung pinanood namin. Lahat kami nandito sa baba maliban dun sa dalawa.

"Nicole paki- abot nga yung cellphone ko jan." Sabi sakin ni Kaisser.

Hinanap ko naman yung cellphone nya, pero hindi ko talaga makita.

"Wala dito." Sabi ko.

"Nanjan yon hanapin mo." Sabi sakin ni Kai.

Napairap naman ako sakanya saka hinanap yung cellphone nya pero wala paren talaga ako nahanap. Sasabihin ko sanang wala pero bigla kong nakapa yung cellphone nya.

"Eto pala hehe." Sabi ko sakanya.

"Oh ayan pala eh tanga tanga eh." Sabi sakin ni Kaisser.

Natawa naman ako sakanya, pano ba naman kasi galet na galet parang gusto na manaket.

POV NI MARIE
Pagtapos ko magjoke iniwan ako bigla ni Nicole kaya nagdrawing na lang ako, pero biglang pumasok si Ashley.

"Ginagawa mo?" Tanong nya.

"Nagddrawing bakit ka andito?" Sabi ko.

"Bawal ba? Edi wag." Sabi ni Ashley.

Hinila ko na lang sya at pinaupo malapit sakin, nandon lang sya nagpatugtog nang 1d.

"Gusto ko nang milo, teka kukuha lang ako sa kwarto namin." Sabi ni Ashley.

Lumabas muna sya kaya pinagpatuloy ko na lang yung pagddrawing ko. Naalala ko bigla na may nadaanan pala akong flower shop kanina.

"Eto na may milo na is me!" Sigaw ni Ashley.

"Ash! Wala lang." Sabi ko sakanya.

Binigay ko sakanya yung sunflower na binili ko kanina paguwi.

"Ano to?" Natatawang tanong ni Ashley.

"Baka bulaklak de joke, wala lang gusto lang kita bigyan." Sabi ko.

Nang nabored na ako inaya ko na lang maglaro si Ashley nang cod, buti at pumayag sya, pagtapos namin maglaro bumaba na kaming dalawa.

"Ay may magjowa!" Pang aasar ni Nicole.

"Uy Your Name! Maganda yan eh!" Sigaw ko.

Umupo naman si Ashley sa tabi ni Maxine kaya umupo den ako sa tabi nila. Patapos na yung palabas at biglang naiyak si Ashley.

"Hala Ash, I gave you naman your milo ah why ka nagccry?" Tanong ni Maxine.

"Okay lang yan, mahal ka naman ni Marie." Sabi ni Nicole.

Binato ko sya nang unan, nababaliw nanaman yung babaeng yon kung ano ano sinasabi.

"Ako den may mahal pero di ko sinabe." Sabi ni Jahleel.

Inirapan naman sya ni Nicole tapos nagulat ako dahil pinatong ni Ashley yung ulo nya sa balikat ko. Hindi ko tuloy alam gagawin, napatingin naman ako sa gawi nila Nicole at Kaisser.

"Sana all"
"Sana oil"

Nagparinig pa yung dalawang yon, tumayo muna ko saka kumuha nang milo pinagtimpla ko sya. Pagbalik ko don dala ko yung garapon nang milo saka kutsara.

"Uy thankyou!" Sabi ni Ashley.

Namula naman buong mukha ko nang ikiss ako ni Ashley sa pisngi.

POV NI NICOLE
Nagulat ako nang pagtingin ko kay Marie saka Ashley, kaya nakurot ko si Kaisser.

"Aray! Aray! Aray!" Sigaw ni Kaisser.

Napatingin ako sakanya di ko namalayan na umaaray na pala sya, kaya binitawan ko na agad.

"Bingi tanga!" Sigaw ni Kaisser.

Pinukpok pa ako gamit yung remote, nagulat lang naman ako kela Ashley eh. Pagtapos nung pinapanood namin lumapit ako kela Jahleel saka kay Marie.

"Ah kiss." Pang aasar ko.

Napatingin naman sila sakin, si Jahleel mukhang walang kaalam alam pero si Marie naman halatang gulat na gulat.

"Hoy gago! Manahimik ka." Sabi sakin ni Marie.

Natawa naman ako sakanya, saka ko pinagpatuloy yung pangaasar ko.

"Pag binili mo ko nang something sa shopee hindi ko sasabihin kahit kanino yung nakita ko." Sabi ko.

Nagisip muna sya kung tanggapin nya ba yung offer ko.

"Ano ba gusto mo?" Tanong nya sakin.

"Gusto ko nung pang skin cur." Sagot ko.

"Buti na lang may pera ako." Sabi nya.

Hanggang ngayon wala pa den kaalam alam si Jahleel sa nangyayari.

POV NI ATE JAM
"Hi! Kamusta na kayo jan?" Tanong ko sa mga kapatid ko.

"Ate miss na miss ka na namin!" Sabi ni Kristel.

Lumapit naman sakin si Nicole para maghi kela Illana saka Kristel.

"Dami mo na kaibigan jan ah." Sabi ni Kuya Jan.

"Mukha naman maayos don Ate Jam, bat umalis ka don?" Tanong ni Nicole.

"Diba malayo sa dito yon saka..." Sabi ko.

Nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at Pinatay yung ipad.

"Saka ayoko na don, di ko na kaya malala na don. Ayoko na lang pagusapan." Sabi ko.

"Okay lang yan, atleast may mga baliw ka nang kasama ngayon." Sabi ni Nicole.

Sumunod na araw habang naglalakad kami sa labas nang Montero University may lumapit kay Nixelle. Mas lalo kaming nagulat nanng itulak nya si Nixelle.

"Hoy! Aba gago!"
"Ano!"
"Tama na! Tama na!" Pag awat ko sakanila.

Pero nagulat ako nang may biglang sumabunot sakin.

"Aray!" Sigaw ko.

Biglang hintak ni Nicole yung babae kaya napabitaw sya sa buhok ko.

"Okay ka lang?" Sabi sakin nang di ko kilalang lalake.

"Ah oo, thankyou." Sabi ko.

Pagtapos ko makatayo naki-awat na yung lalake kela Nicole, buti at tumigil na sila sa pagaaway. Naisipan nila na wag na lang muna pumasok dahil sila Nicole may mga galos naman sa mukha.

"Gago men naalala ko yung video ni sassa gurl." Kwento ni Nicole habang tumatawa.

"Ano yon?" Tanong ni Jahleel.

"Yung ano yung jejemon tas sabi nya nablack eye-an ko sya eh, kala mo ah." Kwento ni Nicole tawa pa den nang tawa.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon