Chapter 17

16 5 0
                                    

POV NI NICOLE

Di ko naman alam kung tatawanan ko si Marie or hihilahin ko na sya pauwi dahil nagugutom na ako grabe naman. Para na syang poste don sa harapan nang bahay nila Angelica. Nang hindi na ako nakatiis hinatak ko na sya paalis sa bahay nila Angge.

"Girl kaloka ka, nagugutom na ko ikaw mukha kang tangang poste." Sabi ko kay Marie.

Habang naglalakad kami bigla namin nakasalubong si Jahnelle, siguro ay papunta sya sa bahay nila ngayon hindi kasi sya saamin nakatira ngayon dahil gusto nya raw magfocus sa acads. Nagkamustahan lang kami at pagtapos non nakauwi na kami pumunta agad ako sa dining table at tinignan kung may ulam ba.

"Wow sinigang!" Sigaw ko.

"Kinatay ni Ate Jam kapatid mo." Sabi sakin ni Kaisser.

Tinignan ko naman sya nang masama na para bang uusok na ako sa inis. Kahit kelan talaga tong Kaisser na to mapangaasar talaga. Pagtapos namin kumain gumawa lang ako nang plate about reflection kemerut habang nanonood nang Haikyu.

"Oy mga asawa ko." Sabi ni Nixelle.
"Basta aken Kageyama, Tobio." Sabi ko.
"Sakin si Noya-san!" Sigaw ni Marie.

Pagtapos non nagulat ako nang matahimik si Marie at nakatingin kay Nixelle, saka ko na narealize bat ganon tingin ni Marie. Sabi pala kasi ni Nixelle lahat nang haikyu players asawa nya. Pagtapos nang gulo sa baba umakyat na lang ako. Bukas ay February na pala bukas for sure maghahanap na nang mga sasali sa cheerdance. For sure meron naman Montero University, Dahil dati nakalaban na namin sila noong sa Brixton pa ako nagaaral, hindi sila nanalo mula gr7 ako hanggang 9. Sumunod na araw nagising agad ako dahil sa tunog nang cellphone ko.

Angelica Park: @Nicole Amata asan ka na nandito na yung naghahanap nang gusto sumali sa CDC.

Nicole amata: OTW na me.

Nag-ayos na agad ako at ginising ko sila Marie anong oras na den naman kasi kaya niyugyog ko na sya. Pagdating ko sa Montero University nandon na sila Angelica at Sabrina kinakawayan pa ako. Tapos biglang may bumatok sakin na Basketball player nang Montero. 

"Aish!" Inis na sigaw ko. 

Inirapan ko na lang sya at pumunta ako sa room namin nila Angelica, ang nakakatuwa talaga sa Montero is kami yung lumilipat nang room kada subject.

"So may gusto ba mag audition sa Cheerdance?" Tanong nung teacher samin. 

Nagtaas agad kami nang kamay ni Angelica si Sabrina naman busy kakacellphone siguro kausap neto jowa nya. Naexcuse naman kami dahil sa audition sa Cheerdance, nagsayaw lang kami nang kill this love nang blackpink.

"May iba pa ba kayong gawin?" Tanong samin nung teacher.

Kaya naman ginawa ko yung para sakin flexible na kaya kong gawin, pagtapos non pumasok na ako sa klase ko na kasama ko si Jahnelle. Nagchikahan lang kami ako naman grabe den yung kaba baka naman kasi hindi ako mapili sa CDC last year ko pa naman to. Nagmaglunch na  pinuntahan ko agad sila Nixelle. At kung mamalasin ka nga naman bungad sakin mukha ni Brianna.

"Yanie tara na anjan na si Ate ni Nixelle."Sabi nung kasama ni Brianna.

"Oh diba ikaw den nagaudition? Tatalunin namin kayong mga senior. And hindi ko tatanggapin sa group tong si Nixelle." Sabi ni Brianna.

Natawa naman ako dahil akala nya yata eh kelangan nang mga teacher ang opinion nya sa  pagpili nang mga sasali.

"Bat naman nila tatanungin opinyon mo sa kung sino kukunin nila?" Tanong ko kay Brianna.

"Ako kasi dati yung Captain nang cheerleading dati sa Gr 7." Sabi ni Brianna.

Natawa ko sakanya dahil di nya ata maprocess na gr 8 na sya ngayon, siguro narealize den ni Nixelle. Pagtapos nang lunch nagantay na lang ako nang Dismissal dahil ganong oras daw iaannounce mga kasali. 

"Nicole meron kang ml? La-" Sabi ni Kaisser.

Di nya na natapos sasabihin nya dahil tumakbo na ako papuntang faculty room nang Gr 10.

"Ayan na pala si Amata, So andito na lahat nang nagaudition?" Sabi nung teacher.

Nagsimula na magtawag nang mga kasali, at nakapasok naman si Angelica. Kabadong kabado na ako dahil iisa na lang yung natirang spot.

"And lastly your new Captain, Nicole Amata." Sabi nung Teacher.

Nagulat ako at walang masabi ako ba talaga Captain this year? Parang kelan lang kalaban ko tong mga kasama ko ah Ngayon kakampi ko na sila.

"So last year nyo na to seniors na kayo, Just have fun but don't forget na ang mananalo dito ay may chance makipaglaban sa Higher schools. At dahil seniors na kayo we are expecting na mas disciplined na kayo, Amata kaya mo bang maging captain?" Sabi nung teacher.

"Opo naman." Masayang sabi ko.

Nang lumabas na kami nang Montero University dumiretso kami sa Karinderya ni Aling Rusing at nakita ko silang nagkakatwaan kaya nakisali ako.

"Ano meron?" Tanong ko.

"Nakasali si Nixelle sa cheerdance!" Sabi ni Rochelle.

"Ako den nakapasok at CAPTAIN PAAAAAA!!!!" Masayang sabi ko.

Nagsigawan nanaman sila kaya napalabas tuloy si Aling Rusing at sinaway kami, Nang matapos yung Congrats congrats nilapag ko sa loob nang karinderya yung bag ko para makatulong na ako kela Ate Jam. 

"Pabili po." Sabi nang isang lalake.

Pagtingin ko nakilala ko agad sya, sya yung bumangga sakin nung umaga. Sabi nila Angelica basketball daw lagi nilalaro neto pero nakita ko sya kanina sa court nagvolleyball. Sa totoo lang natakot den talaga ko sakanya kanina akala ko katapusan ko na ang tangkad nya kasi siguro nasa 6'0 yung height neto.

"Ikaw daw miss." 

"ano name mo? "

"Siguro freshmen to si ate girl maliit lang eh." 

Nagusok naman yung tenga ko sa sinabi nung huling lalake, Grabe MALIIT LANG AKO PERO SENIOR NA KO NOH!!! Binigay ko na lang order nila at pagtalikod ko sakanila binatukan naman sila nung nakabangga sakin. Nalimutan ko pangalan nung matangkad kaya chinat ko agad si Angelica, pero nagtataka ko nang hindi agad sya sumagot dati eh wala pang 1 sec. Nakakareply na agad sya, naisipan ko naman sumilip kay Marie dahil kanina pa sya tutok na tutok sa cellphone. Muntik na lumuwa mata ko nang makitang magkavideo call pala sila ni Angge.

"BAKA!" Sigaw ko sakanya saka ko sya hinampas nang kaldero.

"HOY ANONG BAKA! IKAW KAYA YUNG STUPID INIIYAKAN YUNG MATH! BAKA PAG NAGING ENGINEER KA IYAKAN MO DEN YUNG SEMENTO." Sabi ni Marie.

Medyo pahiya ako don pero inagaw ko sakanya yung phone at tumakbo palabass nang karinderya.

"Te ano nga pangalan nung basketball player kaninang umaga?" Tanong ko kay Angelica.

"Sana tinanong mo na lang ako." Sabi nang lalake sakin.

Nagulat ako at tatakbo sana pero sumabit yung tshirt ko somewhere buti at nandon yung basketball player.

"I'm Mav." Pagpapakilala nya.

"SHORT FOR MAVERICK SUPOT ANG SERVE!" Sigaw nung kaibigan nya.

Natawa naman ako sa mukha nya, I don't think na panget serve nya kelangan nya lang nang improvement, di man ako naglalaro nang volleyball laking Haikyu yata to.

:))

Always Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon