Hindi sa Montero University nagenroll sila Rochelle, Jahleel at Marie, dun sila sa school ni Ate Jam Brentwood College ata yung school nila. First day namin ngayon lahat kaya naman maaga ako nagising at ganon din si Ate Jam. Akala ko ay 8 lang kami na titira dito sa apartment pero ang nangyari dito na den tumira yung iba.
"Aray!" Sigaw ni Jahleel.
Napatingin naman ako sakanya, mukhang nasipa ata sya ni Marie. Kaya ginawa nya hinampas nya nang unan si Marie. Ginising ko sila Jahnelle para makapagalmusal na.
"Di ako papasok ayoko na pumasok." Sabi ni Marie.
Hinampas naman sya ni Jahnelle nang unan, hindi pa nga nakakapasok ayaw na nya agad mag aral.
"Hoy magaral ka Marie!" Sigaw ni Jahnelle.
Bumaba na ako para tulungan sa pag hahanda nang almusal si Ate Jam.
"Hi Milo! Hi Hannah!" Bati ko sa mga aso namin.
Si Milo aso ni Marie, si Hannah naman aso ni Jahnelle.
"Ate Jam tulungan na kita jan." Sabi ko.
Bumaba na den si Kaisser at umupo agad sa may harap nang pagkain, mukha syang maayos tignan ngayon di sya mukhang stick ngayon.
"Hello Goodmor-" Bati ni Nixelle.
Napatigil sya sa pagsasalita nang makita si Kaisser, narealize nya atang hindi pa sya nakaayos tumakbo agad sya papunta sa kwarto nila. Pero narinig ko ulit syang tumatakbo pa baba.
"Ate Nics! Ate Jam! Nagsisipaan sila Maxine saka Ashley!" Sigaw ni Nixelle.
"Ano bang bago." Sabi ni Rochelle.
"Itik ikaw nga muna dito sa niluluto ko, pagnasunog yan ikaw lulutuin ko mamaya." Banta ni Ate Jam.
Umakyat agad kami para patigilin sila Ashley.
"Ashley's nanakit!" Sigaw ni Maxine.
"Ha? Hatdog." Sabi ni Ashley.
Kahit ganto tong magpinsan na to, minsan sila lang den nagkakaintindihan. Lumabas naman nang kwarto si Marie at kukunin sana si Milo, pero lumabas den si Ashley.
"Hi Milo!" Bati ni Ashley.
Napaatras na lang si Marie, binuhat ni Ashley si Milo.
"Lord parang gusto ko maging aso." Sabi ni Marie.
Napatingin naman kami ni Ashley sakanya, natawa ko dahil sa sinabi nya.
"Wag ka na mangarap masyado ka daw mabigat sabi ni Ashley." Sabi ko.
"Nadamay nanaman is me." Sabi ni Ashley.
Pagtapos namin magalmusal pumasok na agad kami sa school tutal medyo malapit lang den naman yung Brentwood sa Montero University, sabay sabay na kami pumasok.
POV NI NIXELLE
First day namin ngayon sa Montero University , buti na lang lumipat den sila Ashley, Maxine, saka si Gwyneth dito. Plus nandito den si Kissley kaya siguro kaya ko naman to kahit na magkakaiba kami nang section keri ko naman to."Nixelle!" Sigaw ni Kissley.
"Ay guys eto si Kissley Pasague bestfriend ko." Sabi ko kela Ashley.
"Hello!"
"Uy hi!"
"Hello po"Pumunta agad kami sa kanya kanya naming classroom, pagpasok na pagpasok ko biglang may humarang sakin.
"Ay isa ka don sa mga bago?" Tanong nya sakin.
"Ah oo bakit?" Tanong ko.
"Wala lang ang pangit mo lang." Sabi nya sakin habang tumatawa.
Papasok na lang sana ako pero hindi nya pa den ako pinapadaan.
"Sino ka ba?" Naiiritang tanong ko.
"Hoy Brianna! Layuan mo nga si Nixelle, sumbong kita sa adviser mo eh." Sabi ni Kissley.
Pagtapos non pumasok na lang ako, umupo ako sa pinakadulo para hindi gaano mapansin. Bigla naman Pumasok yung teacher namin.
"Okay so as usual, introduce yourself sino mauuna?" Tanong nang teacher.
"Mam bat hindi po natin unahin yung bagong girl, ano nga name non?" Sabi ni Brianna.
Napairap naman ako sa hangin, kaya nga ako umupo dito para hindi mapansin.
"Hi! I'm Nixelle Amata, you can call me Nini." Pagpapakilala ko.
Pabalik na sana ko sa upuan ko nang patirin ako ni Brianna.
"Ay sorry sadya." Sabi ni Brianna.
Inis na inis ako hanggang sa mag recess na, nagkita kita kami nila Ate Nics sa canteen kasama den namin sila Kissley saka si Ashley.
"Oh bat ganyan itsura mo?" Tanong sakin ni Kaisser.
"May nang aaway kasi sakin, sarap palaklakin nang zonrox." Sabi ko.
Umupo sa tabi ko si Ate Nics tas si Kaisser naman sa kabila.
"Uy ayon yung gwapo sa Gr10."
"Oo yung bago, bat kasama nung nini."Paguusap nila Brianna sa tabi nang table namin, napatingin naman ako kay Kaisser. Nakaearphones lang tas nagml.
"Hi! Pwede makipagfriends?" Sabi ni Brianna kay Kaisser.
Kinalabit ko naman si Kai para mapansin nya si Brianna pero nang kinalabit ko sya tinignan nya lang si Brianna.
"Ayan ba yung nang aaway sayo?" Bulong sakin ni Ate Nics.
Tumango na lang ako at napatingin ulit kay Brianna, mukha syang tuko titig na titig kay Kai.
"Hello!" Bati ulit ni Brianna.
Tinignan lang ulit sya ni Kai, natawa naman si Ate Nics saka si Ate Jah sa napapala ni Brianna.
"Ay na snob." Sabi ni Ate Nics habang natatawa.
"Awts gege malala." Sabi ni Ate Jahnelle.
"Why naman na snob." Sabi ni Maxine.Natawa na lang din ako samantalang si Kai wala pa den kaalam alam sa nangyayari.
"Ate, bat close kayo jan sa Nixelle na yan?" Tanong ni Brianna kay Ate Nics.
"Bakit ano problema dito?" Tanong ni Ate Nics.
"Wala po ang pangit nya lang." Diin ni Brianna habang nakatingin sakin.
Naging seryoso yung mukha ni Ate Nics, kaya napatigil sa pagtawa sila Ashley.
"Ah kapatid ko kasi sya." Sabi ni Ate Nics habang nakangiti kay Brianna.
Napatakbo palayo sila Brianna, saka kami natawa nila Kissley.
POV NI NICOLE
Nagkita kita kami pagtapos nang first day, tutal malapit ang Montero sa Brentwood."Hoy tanga! Dito may kwek kwek." Sigaw sakin ni Marie.
"Tanga ka den!" Sigaw ko sakanya.
Pumunta ako don sa binilhan nang kwek kwek ni Marie.
"What's this? Neon balls?" Sabi ni Maxine.
"Kwek kwek lang yan eh!" Sigaw ni Ashley.
Kumain lang kami nang tusok tusok sa labas nang Montero University nang biglang may nagsasapakan.
"Manny Sapakan!" Sigaw ko.
"Taph! Taph!" Sigaw ni Jahnelle.
Dahil baliw ako nakitulak dun ako sa nagaaway, pati si Rochelle tinulak ako.
"Hoy kasali ka ba dito?!"
"Mga tanga takbo!" Sigaw ko sakanila.
Tumakbo kami hanggang sa apartment buti na lang at hindi na kami sinundan nung mga nagaaway. At syempre na pagalitan ako ni Ate Jam, bat daw ako nakikipag away.
:))
![](https://img.wattpad.com/cover/254588787-288-k598899.jpg)
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Teen FictionA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?