After 10 years nakagraduate na kaming lahat sila Ate Jam nakahanap na ng mga trabaho naging restaurant naman nila Ashley at Maxine yung karinderya ni Aling Rusing. Nang makatapos grumaduate si Nixelle bumalik muna kami sa bahay namin kasama sila Mommy inalagaan muna namin sila naghanap nadin ako ng trabaho. Hindi pa kami nagkikita kita nung iba simula nung nakagraduate na ang lahat.
"Nicole! Ikaw nga magbukas ng pintuan may ginagawa ako." Sigaw ni Mommy.
Agad naman akong bumaba at pumunta sa pintuan pagbukas ko nito ay nakita ko agad sila Marie at Jahleel.
"Pangit nyo di na kayo bumalik sa bahay." Sabi ni Marie.
"Pangit ka din! Pasok kayo." Sabi ko habang tumatawa.
Nang makapasok na sila pinaupo ko na lang sila muna sa sala at kinuha ng pagkain.
"Mga palamunin." Sabi ko habang tumatawa.
Nagusap lang kami buong araw sa mga nangyari sa loob ng mga taon na di kami nagkita.
"Si Ate Jam pinapapunta nya tayo sa restaurant nila Maxine at Ashley." Sabi ni Jahleel.
"Ashley, hmm okay na kayo?" Tanong ko kay Marie.
Tumango sya at bumalik sa pagkain, di ko alam kung nagutom to sa byahe o patay gutom lang to. Napansin ko din na titig na titig sya sa cellphone nya para bang may hinihintay.
"Hoy balik mo yan!" Sigaw ni Marie.
"Yeah, yeah umupo ka muna tanda may titignan lang ako eh." Sabi ko sakanya.
Binuksan ko yung cellphone nya at bumungad sakin yung picture ni Sabrina Del Ferrer naalala ko sya dahil bago kami bumalik dito ni Nixelle nakapagsamgyupsal pa kami.
"So naging kayo pala ni sab? Simula nung nagsm tayo?" Tanong ko.
Tumango naman si Marie na parang asong nauulol, kinikilig kilig pa parang tanga.
"Buti pumayag ka non noh na magsamgyupsal." Sabi ko sakanya.
"Pinilit nya ako." Sabi ni Marie.
Doon na din sila natulog nagchikahan lang kami tungkol sa lovelife, trabaho, and everything.
"Ayon nga balik daw muna kayo ni Nixelle sa bahay sabi ni Ate Jam importante daw." Sabi ni Jahleel.
"Oh sure bukas na bukas balik na kami." Sabi ko.
Kinabukasan nasa byahe na kami ako ang nagdrive si Nixelle naman nagvlog at yung dalawa busy sa pag codm. Nang makarating na kami sa bahay bagulat ako kasi mas lalong gumanda yon siguro pinarenovate nila Tita.
"Bigas!" Sigaw ni Kaisser.
"Tangina mo wag ka lalapit sakin." Sabi ko.
Di pa rin sya nakakaget oversa bigas and paro-paro thingy na yon. Pumasok kami sa bahay at nakita sila Gen at yung iba pa.
"Kamusta restaurant nyo Ash?" Tanong ko.
"Okay naman andon si Maxine ngayon." Masayang sagot ni Ashley.
Nakakatuwang nandito na ulit kami, naisipan ko naman biglang puntahan yung kwarto ko. At nagulat ako nang makita ito ganon padin, nandon padin mga damit ko and mga notes ko.
"Hindi nyo ginalaw yung kwarto namin ah." Sabi ko.
"Bat naman namin gagalawin." Nagtatakang tanong ni Jahleel.
Nang makapag ayos na ulit ako sa kwarto bumaba ako at sakto andon silang lahat as usual maingay, makulet.
"So ano ang balita bakit mo kami pinabalik dito? I mean di naman sa ayaw kong bumalik pero sabi kasi ni Jahleel importante daw." Sabi ko.
"Ikakasal na ako." Sabi ni Ate Jam.
Nagulat kaming lahat muntik na mahulog sa kinauupuan nya si Kaisser, si Marie naman nabugahan pa ako ng kape.
"Wow thanks." Sarkastikong sabi ko.
"Welcome." Sabi ni Marie habang tumatawa.
Pinunasan ko na lang yung sarili ko pero hindi padin kami makapaniwala na ikakasal na si Ate Jam.
"Parang kelan lang sabi mo magmadre ka na ah." Sabi ni Kaisser.
"Well nagpropose si Ken sakin." Sabi ni Ate Jam.
Niyakap ko naman si Ate Jam at nagsabi ng congratulations. Sumunod na araw nagasikaso lang ako ng mga trabaho dahil next week kelangan na namin magsukat ng mga gown para sa kasal ni Ate Jam. Habang gumagawa ako ng trabaho may kumatok bigla sa kwarto ko.
"Pasok!" Sigaw ko.
"Punta ako ng Restaurant sama ka?" Tanong sakin ni Nixelle.
Tumango ako at nagayos agad nagsuot lang ako ng jeans at white shirt. Nang makadating kami sa restaurant nakita ko sila Ate Jam, Ken, Maxine at Ashley.
"Hi! Ano meron?" Tanong ko.
"Tumitikim kami ng cake, try mo to." Sabi ni Ate Jam.
Sumunod na linggo nagsukat kami ng mga gown para sa kasal.
"Maganda ba to?" Tanong ni Ate Jam.
"Maganda naman lahat mare, bagay sayo lahat ng tinry mo." Sabi ko.
Pagtapos non ay nagpunta kami ng sm para gumala gala. Kumain muna kami dahil hindi pa kami naglunch.
"Kayo ba wala pa kayong balak magsettle down?" Tanong ni Ate Jam.
"All good na ako kay Maxine panget." Sabi ni Ashley.
"Well wala sa plano ko ang magkaron ng asungot sa buhay so, wala." Sagot ko.
Nang matapos kaming gumala umuwi na kami para makapagpahinga at narealize ko lang na hindi sumama samin si Marie at Jahleel sa pagsusukat ng gowns.
"Ate Jam pano tong dalawa di pa nakapag sukat ng gown." Sabi ko.
"Lab kita Ate Jam pero gown?! Gown talaga?" Reklamo ni Marie.
Natawa naman ako sakanya dahil ayaw na ayaw nya pala sa mga dress.
"Edi umattend ka na lang ng kasal ng naka suit." Sabi ko.
"Good idea." Sabi ni Marie.
Habang nanonood kami biglang may pumasok sa bahay, nagulat kaming lahat ng makita namin sya.
"Rochelle, kamusta?" Tanong ko.
"Okay lang, una na ako may gagawin pa ako." Sabi nya.
Bumalik na lang ako sa kinauupuan ko at hindi na sya kinulet, nang matapos na ang gabi nagayos na ako para matulog.
"Uy Nicole." Bati ni Jahleel.
"Uy hi! Kamusta?" Tanong ko sakanya.
Simula nung makabalik ako dito hindi pa kami nakakapagusap ng maayos at di ko din alam kung in good terms ba kami.
"Well naging kami ni Eve hanggang ngayon." Sabi ni Jahleel.
"Oh good for you." Sabi ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Novela JuvenilA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
