POV NI NICOLE
Bwiset ang aga aga nang iinis na tong dalawang to, lagyan ba naman nang permanent marker mukha ko. Kung di ba naman gago. Bumaba na lang ako at hinayaan sila mang inis sa taas pagdating ko sa cr nagulat ako pag pahid ko nang tubig sa mukha ko nawala agad yung marker. Pasalamat sila nawala agad kung hindi sasampalin ko talaga sila.
"Hi Nicole!" Sabi ni Marie at Jahleel.
Inirapan ko lang sila at pinagpatuloy ko na yung pagkain ko, Bumaba naman si Ate Jam dahil dadating daw Visco5 dito sa bahay. Madalang na lang sila dumalaw dito kasi nagiging busy naden sila.
"Maxine! Balik mo yan pota ka!" Sigaw ni Ashley habang hinahabol si Maxine.
"Pitanina! Don't make kwento kasi kay ano!" sabi ni Maxine.
Jusko ibang bagay nanaman pinagtatalunan netong dalawa pota araw araw na lang may sipaan na nagaganap saka habulan.
"Hoy wag kayo magulo baka matamaan plate ko." Sabi ni Gen.
Sabado naman ngayon kaya nasa bahay lang kaming lahat pag ganto naglilinis kami pero dahil alam naman ni Ate Jam na pagod kaming lahat bukas na lang daw kami maglinis. Naalala ko bigla birthday pala nung jowa ni Rochelle at dito gaganapin yon.
"Ano ready ka na mamaya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman." Sabi nya.
Nang mabored ako umakyat na lang ako sa kwarto namin ni Jahnelle at naglinis medyo makalat kalat na den kasi eh. Habang naglilinis ako biglang may kumatok sabi ko pasok lang sila.
"Hi Ate Nics! Turuan mo naman ulit ako magkuha nang magandang picture, sabi ni Rochelle ako daw magpicture sakanila nang jowa nya." Sabi ni Nixelle.
"Oh sige teka lang pagtapos ko maglinis turuan kita." Sabi ko.
At ayon nga ang ginawa ko pagtapos ko mag linis nang kwarto umakyat kami ni Nixelle, After ilang minutes tinawag kami sa baba dahil daw nasa baba magulang ni Gen. Pagbaba namin nagmano agad kami sa magulang ni Gen.
"Kamusta naman ang bahay namin?" Tanong nung mama ni Gen.
"Okay naman po Tita." Sabi ni Ate Jam.
Tas nagulat kami nang umakyat sila tita, narealize ko pag umabot sila sa rooftop makikita na nila yung surprise kay Mich. Binulong ko agad yon kay Ate Jam at lumapit naman agad siya kela Tita. Pero hindi sya pinakinggan ni Tita kaya nag ending nakita nga ni Tita yung surprise.
"Hala sino may birthday asan handa nyo?" Tanong nya.
"Ay jowa po neto." Turo ko kay Rochelle.
Lumapit naman si tita kay Gen, hala lagot ba kami kakabahan na ba ako? Di ko alam ano irereact ko.
"Edi kung may birthday dapat may handa sige papadeliver na lang ako mamaya, Ingatan nyo yung bahay ah." Sabi ni Tita.
Saka sila umalis, Nakahinga naman agad akmi nang maluwag at nagtawanan. Ang tagal na namin nakatira dito pero takot pa den kami kay tita.
"Ano oras ba pupunta si Mich?" Tanong ko.
"9pm pa naman." Sagot ni Rochelle.
Pagtapos non naisipan ko na muna na magmilktea magisa, pero nakita ko si Ate Jam parang natutulala sa kawalan.
"Te Jam! Gusto mo milktea?" Tanong ko.
Tumango lang sya, Kaya hinila ko agad sya at habang naglalakad kami naisipan ko syang chikahin para naman mailabas nya kung ano man bumabagabag sa kalooban nya.
"De kasi baka naman may magustuhan lang si Ken na iba dahil nagiging mas sikat na nga den sila." Sabi nya.
"Di naman siguro, diba sabi mo dapat may tiwala sa isa't isa para tumatag ang relasyon." Sabi ko sakanya.
Nginitian nya naman ako at habang nagaantay nung order namin nagulat kami nakita namin si Kaisser papunta sa milkteahan kung nasan kami. nang makapasok na sa milkteahan si Kai pagod na pagod sya at umupo agad sya sa gitna namin ni Ate Jam.
"Ano nangyari sayo itik?" Tanong ni Ate Jam.
"Oo nga ano nangyari sayo?" Dagdag ko.
Bigla naman ako inirapan ni Kaisser at tinalikuran ako na parang bata. Kaya naman nagcellphone na lang ako at di na lang din sya pinansin.
"Oh ano yon bat ganyan ka tumingin kay Nicole?" Tanong ni Ate Jam.
"Di ko yan bati di ako pinapansin, may chika sana ako sakanya kanina eh kaso di nya ako pinansin." Sabi ni Kaisser.
Parang bata pero nagtaka naman ako di ko naman sya narinig na tinawag ako or kinausap ako sa bahay.
"Gago tinawag mo ba ako?" Tanong ko.
"Malamang, de doon ka na." Sabi nya.
Natawa naman kami ni Ate Jam sa inaakto nya ngayon kala mo naman may jowa to. Sanay na sanay magtampo pero wala naman sumusuyo. Binilan ko na lang din sya nang milktea para matahimik na sya. Habang nagchichikahan kaming tatlo biglang tumawag si Rochelle.
"Asan na kayo? Diba kayo maliligo?" Tanong nya.
"Ay oo nga noh." Sabi ko.
Kaya naman bumalik na den kami agad nang dumating na kami andami nang pagkain sa table.
"AAAAA!" Sigaw ko.
Tumakbo ko papalapit dun sa mga pagkain pero hinawakan ako nila Marie at pinigilan dahil mamaya pa daw iyon pagkadating na daw ni Mich saka kakain.
"Gutom na ko tabi!" Sigaw ko.
Nakita ko pa man din yung baked potato na nakahanda doon, nagulat naman ako nang hinihila ako nila Marie palabas nang bahay.
"Hoy balik nyo ko sa loob!!!" Sigaw ko.
"Mamaya na pag dating na ni Mich." Sabi ni Ate Jam.
Di na lang ako nagreact at nanahimik, after ilang minutes dumating na den yung inaantay namin. Kaya naman nakapasok na den ako sa bahay at kumain kami nang matapos iyon tumambay sila Rochelle sa rooftop at ako naman nasa sala lang sinamahan den ako ni Jahleel don. Nanood lang kami nang Anime.
"Uy kamusta kayo ni Akio?" Tanong ni Jahleel.
"Okay lang naman, bakit?" Sabi ko.
"Wala masama ba magtanong." Sabi nya.
Bat sya galit sinagot ko lang naman tanong nya, di ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy yung panonood. Napansin ko naman na inaantok na sya kaya lumapit ako at sakto pagusog ko nakatulog sya sa balikat ko. Ganon lang kami buong gabi hanggang sa bumaba si Marie.
"HOY ANO YAN?! My ship is sailing." Sigaw nya.
Nagulat naman ako at nagising si Jahleel napatingin pa si Jahleel sa pwesto namin at parang namumula pa.
"Uy namumula!" Pang aasar ni Marie.
"Hatdog ka ba?" Biro ko.
:))
BINABASA MO ANG
Always Better Together
Подростковая литератураA group of students suddenly became friends even though they have the opposite traits they still managed to be friends, but will they still be together even through ups and downs?
