♥Chapter 17: Part of his past

1.2K 52 9
                                    






Lindsey's POV



Agad rin akong hinatid ni Jayred pauwi pagkatapos ng nangyari sa park. Nakaka-ilang text at tawag narin sakin si Stephanie at siguradong hinahanap na ako sa mansion. Hindi na kasi ako nagpaalam dahil alam kong hindi nila ako papayagang lumabas. Pero dahil sa dakila akong pasaway ay tumakas ako mula sa mansion at sumama kay Jayred. Pero kung alam lang din ni Jayred ang tungkol sa mga banta mula bruhang yon siguradong mas gugustuhin nyang manatili nalang ako sa mansyon ng mga Lazaro. Pero syempre hindi ko na sinabi sakanya dahil alam kong yon ang manyayari.


Ayoko namang manatili nalang sa mansyon dahil wala naman akong makausap don. Nakakainis din kasi ang tahimik ni Steven at hindi ako sanay sa mga kinikilos nya.


"Andito na tayo." ani ni Jayred kaya napatingin naman ako sa labas. Nasa tapat na nga kami ng mansyon. Akmang lalabas na ako pero nagulat nalang ako ng pinagbuksan ako ni Jayred ng pinto ng kotse na hindi naman nya ginagawa. Mapang-asar ko syang tinignan pero tinaasan lang nya ako ng kilay.


"Trying to be a gentleman? Huh?" ngising tanong ko sa kanya na dahilan ng paka-inis nya.


"Tch. Kung ayaw mong lumabas, edi dyan ka nalang." inis na saad nya at akmang isasara ulit ang pinto ng kotse pero pinigilan ko sya at agad akong lumabas. Pikon naman masyado!

"Sungit!" saad ko at inirapan sya. Nanatili akong nakatayo sa harapan nya habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sa akin kaya napa-atras ako. Ano na naman bang kalokohan ang gagawin nito? Nakatitig lang ako sa mga mata nya at ganun din sya. Napalunok nalang ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sakin......


"Ang laki pala ng mata mo? Para kang tarsier al----ARAY!" daing nya at napahawak sa paa nya. Tang*na nya! Kung makapagpalit sya kala mo naman kay gwapo nya!

"Bwisit ka talaga!" bulyaw ko at pinaghahampas sya. Tinawanan nya naman ako at hindi rin nagtagal ng matawa narin ako. Tang*na nababaliw na ata ako. Bwisit kasi tong Jayred na'to.

"Sige na, pumasok kana sa loob. At baka hinahanap kana ng fiancè mo." saad nya at napataas naman ako ng kilay dahil ramdam ko ang lungkot nya ng sinabi nya ang salitang fiancè. Ano yon? Pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi." paalam ko sa kanya at tumalikod pero napatigil ako ng may marinig ako mula sa kanya.






"Kung ako nalang sana."








Napaharap ulit ako sa kanya ng may pagtataka. Anong sinasabi nya? Bulong kasi ang pagkakasabi nya kaya hindi ko masyadong narinig.

"Ano yon?" takang tanong ko pero umiling lang sya.


"Wala. Sige na pumasok kana." sagot nya at nagpilit ng ngiti. Nginitian ko naman sya pabalik at naglakad na. Pero bago ako pumasok sa gate at nilingon ko muli sya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yon pero kasi nakita ko ang lungkot sa mga mata nya habang nakatingin sa akin. Pero ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay agad syang ngumiti at kumaway bago pumasok sa kotse nya at umalis na. Ano bang ibigsabihin ng mga tingin nyang yon?











"Where did you go?"










Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa tanong nagsalita sa likod ko. Agad akong humarap sa kanya at nakita ko si Steven na nakasandal sa may gate. Pansin ko ring seryoso parin sya hanggang ngayon gaya kanina. Hindi ko nga alam kung matatakot ba ako o ano? Pero nakakakaba naman kasi ang itsura nya.


Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon