♥Chapter 7: Not Again

1.3K 49 1
                                    


Steven's POV


Pasulyap-sulyap ako ng tingin kay Lindsey habang nagmamaneho. Hindi ko alam pero nabo-bother ako sa pagiging tahimik nya. Pagka-galing kasi namin sa restaurant ay hindi na sya nagsalita. At hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sakanya para tumahimik sya ng ganito.




Pauwi na kami ngayon at ihahatid ko na sya sa kanila. Hindi ko na kasi namalayan ang oras ng nasa mall palang kami. Hindi ko naman alam na mag-eenjoy ako kasama sya.





Ayoko ko kasing pumunta sa mall ng mag-isa at mas lalong ayokong magsama ng kahit sino sa mga babaeng lumalandi sa akin. Baka mamaya isipin nilang sineseryoso ko sila na malabong mang-yari. Wala naman akong balak na makipagrelasyon sa kanila. Never..





Kaya si Lindsey ang sinama ko. She's a nice girl pero hindi ko trip ang mga nice dahil mas gusto ko ang mga wild. Mas gusto ko yung mga agresibo kaysa sa mga mahinhin. Pero hindi naman mahinhin si Lindsey. Pero wala parin akong pake. Wala naman kasi akong balak magseryoso kahit na ikasal pa ako.




Ano namang mapapala ko sa pagseseryoso? Tch. Masasaktan lang ako.





Wala naman silbi ang pagmamahal na yan at mas lalong tinanggal ko na sa dictionary ko ang salitang magmahal.
Tch. Nakakabakla. Wawasakin ka lang ng pagmamahal na yan. At wag kang umasa na may true love dahil walang ganun. Dahil kung may true love edi sana wala nang nasasaktan.

Masyadong nagpapaniwala ang ibang tao sa true love. Sa Fantasy lang yon at ito ang mundong ginagalawan naman natin ang reality. Tch.


"Is there anything bothering you?" tanong ko sa kanya at sumulyap ulit sa pwesto nya.

Pero hindi man lang nya ako sinagot at nakatingin parin sya sa labas. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho. Pagod na siguro sya kaya himalang wala sya sa mood magsalita. Kanina ngang papunta palang kami ay panay na ang reklamo nya tapos ngayon biglang tumahimik na parang piping hindi makapag-salita.

Nagpatuloy parin ako sa pagmamaneho kahit na nagtataka ako sa kinikilos nya. Ilang beses ko narin syang naririnig na bumuntong hininga. At maka-ilang beses ko narin syang naririnig na bumubulong ng 'Hindi pwede'. Nagtataka nga ako kung anong hindi pwede?


Hindi rin nagtagal ng makarating kami sa tapat ng bahay nila pero mukhang hindi parin nya napapansin dahil sa lalim ng iniisip nya. Napapansin ko ring napapahawak sya sa dibdib nya na nakakapagtaka.



May sakit ba sya sa Puso?





"Nandito na tayo." ani ko at mukhang napansin na nya. Pero tahimik parin sya. Agad naman akong lumabas ng kotse para pagbuksan sya ng pinto. Lumabas naman sya ng hindi nagrereklamo.



"Salamat." tipid na ani nya.




Hindi ko alam pero naiinis ako dahil sa inaakto nya ngayon. Hindi ako sanay sa pagiging tahimik nya.



Ano bang problema nya?!




*****




Lindsey's POV





Hindi ako makatulog. Kahit anong gawin ko ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.





Anong nangyayari sa akin?




Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nalilito ako sa kung ano mang naramdaman ko kanina. At hindi ko maipaliwanag kung ano yon. Pero isa lang ang nasisiguro ko.





Hindi na ako pwedeng magpaka-tanga ulit.



Isang beses na akong nasaktan ng dahil sa pagiging tanga ko noon at hindi ko na uulitin yon. Mahirap mahulog ng wala namang sasalo sayo. Masakit ang mabalewala ng mga taong pinapahalagahan mo.



Kaya kung ano mang tong nararamdaman ko ay kailangan tong mapigilan dahil hindi ko hahayaang masaktan na naman ako ng dahil rin sa iisang taong sumira na sakin noon.




Hindi na mauulit...


Napakuyom nalang ako ng kamao ko habang nakaupo dito sa gilid ng kama. Hindi ako pwedeng mahulog ulit sa bitag ng kulugong yon. Hindi sya worth it mahalin dahil ang manakit lang naman ang alam nyang gawin. At mas lalong mahirap ang magpatawad sa isang tulad nyang puro laro at pasarap lang ang alam.



Isa lang naman ang gusto ko, ang maranasan rin nya kung anong naranasan ko. Hindi naman ako isang santo-santita na hindi nagtatanim ng galit at madaling magpatawad. Tao lang naman ako na sinaktan at dahil sa sakit na yon kaya ako ganito ngayon.



Kaya kung ano mang naramdaman ko noon ay ibabalik ko sa kanya. Sinusiguro kong masasaktan din sya at ako ang magiging dahilan. Ipaparamdam ko sa kanya lahat lahat. Sinaktan nya ako noon kaya ipaparanas ko naman sa kanya ngayon.


At mas lalong hindi ko kailangan manghinayang sa taong ako mismo mo ang sinayang. Mararanasan rin nya ang mahirapan at masaktan ng dahil sa nagmahal sya.


Mararanasan nya ang mapaglaruan gaya ng ginawa nya sa akin at ibang babaeng sinaktan nya. At tignan natin kung makakayanan nya. Gusto kong makitang umiyak sya ng dahil sa sakit gaya ng nangyari sa akin noon.


Hindi ko alam kung anong pina-plano nya ngayon at bakit sya pumayag sa engagement nato. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Kung gusto nya ng laro pwes makikipaglaro ako. Tignan natin kung sino ang susuko at matatalo sa huli. At mas lalong hindi na ako gagawa pa ng isang katangahan para masaktan nya ako ulit.




Not again.....






*****




Ba't ganun?!


Ilang beses ko nang tinatawagan si Jayred pero hindi nya ako sinasagot minsan naman pinapatayan nya ako. Pakiramdam ko masyado syang iwas sa akin nitong mga nagdaang araw. Simula ng sabihin ko sa kanyang ipinagkasundo ako ni papa sa gago kong ex.

Ayun hindi na nya ako pinansin magmula nung araw na'yon. Pakiramdam ko nga mas apektado pa sya kaysa sa akin. Dinadalaw ko sya sa bar nya dahil alam ko namang palagi syang tambay don pero ang sabi ng mga bantay don wala daw sya na alam ko na kasinungalingan. Alam kong nandun sya.


Alam kong iniiwasan nya ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko sya maintindihan dahil hindi naman nya ipinapaintindi sa akin. Kung sana sinabi nya kung anong problema nya, baka maunawan ko pa. Ang sakit nya sa gums! Bwisit sya sarap nyang bunutan ng buhok na ilong!


Wala na talaga akong maisip na dahilan kung bakit ilag sya sa akin. Wala naman akong putok! At mas lalong hindi mabaho ang hininga ko!


Kaya anong problema nya?









A/N: Sorry po kung ito lang po ang update ko ngayon...... Medyo busy po kasi ako these week pero asahan nyo po na maglalaan po ako ng time sa pag-update...... 💜💜

Pleased don't forget to comment, vote and share 💜💜-daydreamer_1430

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon