♥Chapter 69: Act like one

494 23 3
                                    

Lindsey's POV

Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo ngayon sa gitna ng isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko ko dito at hindi ko rin alam kung nasaan ako.

Napatingin naman ako sa kamay ko ng makaramdam ako ng kirot at hapdi dito at nakita ko nalang ang mga kamay kong maghigpit na nakatali sa isat-isa. Pati ang bunganga ko ay hindi ko namamalayang may busal kaya hindi ko magawang makapag-salita at humingi ng tulong.

Maya-maya pay nakarinig ako ng mga yabag ng pagtakbo, mga sigaw, at mga putok ng baril na nagpatindig ng balahibo ko. Para akong nanlalambot. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Natatakot ako na kapag gumalaw ako ay katapusan ko na.

Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong umiiyak at humihikbi habang patuloy parin sa panginginig ang katawan ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin ngayon.

"Lindsey." wala ako sa sariling napalingon sa kung saan ng marinig ko ang pangalan ko. At isang di inaasahang tao ngayon ang bumungad sa paningin ko.

Nandito sya.

Mas lalo akong naiyak ng makita ko syang nakangiti habang nakatingin sa akin sa kabila ng mga nangyari. Nakangiti sya na parang sinasabing okay na ang lahat. Inilahad naman nya ang kamay nya sa akin at tumango naman ako at hindi na nagdalawang isip pang tumakbo papunta sa kinaroroonan nya.

Sa bawat paghakbang ko ay ang syang pagputok ng baril sa paligid pero hindi ko inalintana ang mga yon at tuloy-tuloy lang akong tumakbo papunta sa kinatatayuan nya dahil alam kong ligtas ako sa kanya.

Maaabot ko na dapat ang kamay nya pero isang anino ang lumabas sa kung saan kasabay ng pag-alingawngaw ng isang putok ng baril. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong tulalang nakatingin sa nakahandusay nyang katawan sa sahig. Nakita ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng masaganang dugo na nanggagaling sa kanya.

"W-wag." pakiusap ko pero nagawa nya parin akong ngitian kahit ramdam kong hirap na sya. At mas lalo akong naiyak ng makita kong unti-unting pumipikit ang mga mata nya.

"Hindi!"

Agad naman akong napamulat at napaupo sa kama habang hinihilamos ang dalawang palad ko sa mukha ko. Hindi ko naman mapigilan ang pagpawisan. Mabilis din ang bawat paghinga ko na parang nanggaling ako sa isang karera.

"P-panaginip. Panaginip lang." wala sa sariling bulong ko ng maalala ko ang panaginip na'yon. Ngayon lang ako binangungot ng ganun pero hindi naman siguro magkakatotoo ang pangyayaring yon. Malabong mangyari.

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng pananakit. Nakaramdam din ako ng pagkirot sa hindi ko malamang parte ng katawan ko. Pakiramdam ko nahulog ako sa hagdan at nagpagulong-gulong pababa.

Kaya wala naman akong ibang ginawa kundi kapain ang sarili ko dahil para akong nabugbog. Pilit ko namang inaalala ang nangyari kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Hanggang sa unti-unting pumasok sa isipan ko ang mga pangyayari kagabi kung saan may puting kotseng nakaparada sa harap at ang misteryosong motorsiklo na gustong sumagasa sa akin. Pero ang tanong, bakit buhay pa ako? Diba babanggain na dapat ako ng motorsiklo kagabi? Kaya dapat nasa ospital na ako o di kaya'y sa sementeryo, pero himalang gasgas at kirot lang sa katawan ang inabot ko.

Ang puting kotse at ang motorsiklong yon. Posible kayang magkasabwat ang dalawang yon at ako ang pakay nila? Sila kaya ang sinasabi ni Papa na gustong pumatay sa akin? Pero kung buhay ko nga ang habol nila, bakit buhay at humihinga pa ako ngayon? Imposible namang nagbago ang isip nilang patayin ako. Imposible yon dahil simula ng ipinanganak ako gusto na nila akong mamatay.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon