♥Chapter 12: Love between friendship

1.3K 43 8
                                    

Steven's POV

"Brad, kamusta buhay ng may fiancèe?" nakangising tanong ni Wayne pagkaupong-pagkaupo ko palang. Nandito kasi kami sa tamabayan namin, ang bar nila Zayden. Apat lang ulit kaming nandito syempre wala na naman si Kenzo.

"Atleast finally magtitino ka na din." wika naman ni Zayden at tumungga ng alak. Pero napatawa lang ako sa sinabi nya kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Sino namang nagsabi sayo na magtitino na ako? Tss. Wala sa vocabulary ko ang salitang magtino." nakangising sambit ko at napailing-iling naman si Zayden. Sinabi ko naman kasi sa kanila na hindi mangyayari yon. Tss. Ano namang mapapala ko kapag nagtino ako? Wala naman diba? Atleast ngayon masaya ako kahit hindi naman ako matino. Nagagawa ko lahat ng gusto at sumasaya ako pagdating sa mga babae.

"Akala ko magiging good boy kana! Hahahaha!" tatawa-tawang saad ni Lanz habang may kandong na babae. Napailing nalang din ako.

"Not gonna happen." sagot ko naman at hinila ang isang babaeng napadaan sa harap namin at agad itong hinalikan at tumugon naman ito. Narinig ko naman ang reklamo ng mga kasama ko pero hindi ko na sila pinansin pa dahil nag-iinit na ako dito. Agad namang ikinalawit ng babaeng kahalikan ko ang kanyang mga kamay sa leeg ko.

"Wooohhh! Get a room!" sigaw ni Lanz pero hindi ko sya pinansin.

"Wag nga kayo dito! Naiinggit ako!" sigaw naman ni Wayne pero patuloy parin ako sa paghalik sa babaeng kandong ko ngayon kahit hindi ko alam ang pangalan nya. Ginusto naman nya toh. Hinalikan ko sya pababa sa leeg nya at pinisil ko naman ang pang-upo nya kaya mahina syang napa-ungol.

"Hey, Stephanie's here." biglang sambit ni Zayden at nataranta naman ako kaya naitulak ko naman ang babaeng kahalikan ko at napaupo ito sa sahig. Agad kong inayos ang sarili ko at tumingin sa paligid.

"Where? Where is she?" tanong ko naman at lumingon lingon sa paligid pero wala akong makitang Stephanie. Taena kagagaling lang kaya ng black-eyed ko. Hindi ko alam pero palagi akong bugbog sarado ng dahil sa kambal ko.

"Just joking." ngising sagot ni Zayden kaya hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Seriously! Akmang hahablutin ko sana ang kwelyo nya ng biglang may dumapong isang palad sa pisngi ko. Kaya napatingin naman ako sa sumampal sa akin.

"What's you're problem?!" inis kong tanong sa babaeng kahalikan ko kanina pero inirapan nya lang ako at umalis na. Bwisit! Nabitin na nga ako, nasampal pa ang pisngi ko. Matalim naman ang tingin na binibigay ko kay Zayden pero busy sya sa pagtingin ng cellphone nya. Kainis talaga sya tang*na nya! Napansin ko naman tatawa-tawa ang dalawa pang ugok kaya napatingin ako sa kanila.

"What's funny?! Huh? Gusto nyong masapak?!" inis kong bulyaw sa kanilang dalawa pero mas lalo pang lumakas ang tawa nilang dalawa kaya napatungga nalang ako ng alak. Pansin ko naman ang pagtahimik nung dalawa kaya napatingin ulit ako sa kanilang dalawa at kita kong nagsisikuhan pa sila.

"What?!" tanong ko ulit pero si Zayden ang sumagot sa akin.

"You're fiancèe is here." sagot nya habang nakatingin parin sa cellphone nya. Tss. Akala naman nya maniniwala pa ako sa kanya? Kanina si Kambal ngayon si Lindsey naman. Hindi na tatalab sakin yan. Alam ko namang niloloko lang nila ako.

"Totoo brad. Ayun ohh..papunta pa sya sa direksyon natin." sambit naman ni Wayne habang nakaturo sa kung saan.

"Hindi nyo na ako maloloko." ngising sagot ko naman at tumungga ulit ng alak. Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni Lanz ang ulo ko at ipinaling ito sa ibang direksyon.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon