♥Chapter 25: The Choice 2.0

915 44 14
                                    

Steven's POV

"Bahala ka kung hindi mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Baka sumama sya sa iba." saad ni Chloe at napatingin naman ako sa kanya. Bigla kong naisip si Jayred. Tch. Hindi ako papayag na makuha nya sa akin si Lindsey. Ngayon pa at nalinawan na ako sa nararamdaman ko.

"Tch. Hindi ko hahayaang mangyari yon." ani ko habang nakasimangot. Naalala ko na naman kasi ang mukha ni Jayred kaya naiinis ako. Napakamot naman ako ng ulo ko at taka namang napatingin sa akin si Chloe.

"Ikaw kasi. Naalala ko tuloy ang gunggong kong karibal." inis kong sabi at nginitian naman nya. At aaminin ko na-miss ko ang mga ngiti nyang yon pero alam ko na sa sarili ko na hindi na sya ang mahal ko. Hindi ko naman sya inaalis sa buhay ko dahil kahit papaano ay naging parte sya nito. No hard feelings na... Friends nalang kami.

Pumunta lang talaga ako dito para kausapin at kamustahin sya.  At nang nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nahinga ako ng maluwag. Nabawasan rin ang bigat na nararamdaman ko noon pa.

"Talaga! May iba ring nagkakagusto kay Lindsey?" tanong ni Chloe at parang masaya pa sya. Tch. Ako nga dito selos na selos na kapag nakikita kong magkasama sila. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naaagaw sa akin ang fiancèe ko kapag hinayaan ko silang magkasama.

"Kung sabagay. Maganda naman si Lindsey. Mabait pa sya at friendly." saad ni Chloe habang nakangiti at parang nagniningning ang mga mata nya tuwing napag-uusapan si Lindsey. Kung sabagay pati naman ako ganyan ang reaksyon sa tuwing si Lindsey ang usapan. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Matapang sya pero tulad ko ay may kahinaan rin sya. Umiyak nga sya ng napag-usapan namin ang tungkol sa in---Opppsss!!" napatigil sa pagsasalita si Chloe at napatakip sa bibig nya pero nakuha nya ang atensyon ko tungkol sa sinabi nya. Kaya agad akong napaharap sa kanya at nagtanong.

"Umiyak si Lindsey? Pero anong iniyakan nya? Anong pinag-usapan nyo at umiyak sya?" tanong ko at napaiwas naman sya ng tingin. Kaya naman seryoso ko syang tinignan dahil sa naintriga ako tungkol sa sinabi nyang pag-iyak ni Lindsey. Nung una ko syang nakitang umiyak sa harapan ko ay nung napag-usapan namin ang papa nya. Pansin ko ngang palagi syang nagiging emosyonal pagdating sa pamilya nya.

"W-wala akong sinasabing umiyak sya. Sinabi ko ba yon?" maang-maangang nyang tanong pero hindi parin ako naniwala sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay dahil alam kong may tinatago sya at alam kong tungkol kay Lindsey yon. Sila lang naman ang magkasama non.

"Chloe." I said with a threatening voice. At nakita ko naman ang pagbuntong-hininga nya bago napatingin sa akin. Nagkamot sya ng kilay at nagpilit ng ngiti bago magsalita.

"Nagpag-usapan namin ang tungkol sa past nyo and with that she suddenly cried." ani nya na kinataka ko. She cried? But why?

"Wala akong karapatan para sabihin lahat ng yon pero isa lang ang nasisiguro ko. Mahal ka nya noon pa." seryosong saad nya at bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Saya at lungkot. Saya dahil alam kong may pag-asa ako sa kanya at lungkot dahil sa nasaktan ko sya noon na dapat hindi ko nalang ginawa.

Wala eh. Masyado akong nabulag noon dahil sa pagmamahal ko kay Chloe at hindi ko iniintindi ang mga nararamdaman ng iba bukod sa sarili ko. Nagawa kong maglaro ng damdamin ng iba dahil pakiramdam ko noon ay napaglaruan din ako ng iniwan ako ni Chloe.

"Ganito nalang, tutulungan kitang sabihin kung anong nararamdaman mo sa kanya. Sa ngayon ay isipin mo muna na ako sya." saad nya at taka naman akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nya. Tch.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon