♥Chapter 45: Try not to laugh

800 40 13
                                    

Lindsey's POV

"Girls Vs. Boys tayo! Kung sinong group ang matalo may parusa!" sigaw ni Stephanie na nasa tabi ko. Ang mga girls ang nasa right side ng table at ang boys naman sa left. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala naman akong alam sa jokes at mga pick-up lines nayan. Pero dapat hindi kami matawa sa banat ng mga boys dahil mapupunta sa kanila ang puntos at baka matalo kami. Ayoko namang maparusahan baka mamaya paglinisin kami ng kubeta.

"This game is very simple. All you need to do is to say your joke and try not to laugh and there's also a consequences. If you laugh at your opponent's joke your punishment is...... Pie in the face!" paliwanag naman ni Lance habang nakaturo sa mesa kung saan naroon ang mga paper plate na may lamang icing.

Mukhang kailangan talagang magpigil ng tawa kahit mautot kana.

Napatingin naman ako sa side ng mga boys at saktong dumako ang tingin ko  kay Steven at ganun din sya. Nanatili kaming nakatitig sa isat-isa at hindi ko alam kung bakit hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya. Ano bang ginagawa nya?

Napangiwi naman ako ng makita ko ang pagkindat nya pero sa huli napangiti nalang ako at ganun din sya. Nahawa na ata ako sa kabaliwan nya. Nakita ko ang pagtawa nya kaya napailing nalang ako. Mas baliw sya.

"Okay, umpisahan na! For the first round, pick-up lines o tagalog jokes!" sigaw ni Lance at nakita ko namang nakapwesto na sa Ianna at kaharap nya si Lanz. Nice! Mukhang maganda toh! Isang maloko at isang may pagka-engot.

"Sandali lang! Walang personalan toh! Baka mabugbog ako ng isa dyan!" angal ni Lanz habang nakaupo na at alam kong si Kenzo ang tinutukoy nya na sa ngayon ay seryosong nakatingin kay Ianna na walang kaalam-alam.

"Katuwaan lang toh! Kaya magsimula na kayo. Ikaw nang mauna, Lanz." sabi ni Stephanie kaya huminahon naman si Lanz at napatango. Takot mabugbog ang babaerong gagamba. Tch. Kung ako sakanya, ayusin nya ang sasabihin nya kung ayaw nyang maging baldadong gagamba.

"Ianna." Tawag ni Lanz at mukhang magsisimula na sya kaya halos lahat kami ay nakaantabay at nanonood.

"Alam mo bang ayokong may mangyari sayo?" tanong ni Lanz at ngumiti naman si Ianna. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan neto.

"Bakit naman?" balik na tanong ni Ianna.

"Kasi gusto ko may mangyari satin." ngising ani ni Lanz at halos lahat kami ay napatingin kay Kenzo na nakangiti habang nakatingin kay Ianna. Nabaliw na ata. Bakit sya nakangiti? Pero agad nasagot ang tanong ko ng magsalita si Ianna.

"Luh! Ang sama mo naman! Gusto ko pang mabuhay! Kung gusto mong may mangyari sayo, sarilinin mo nalang. Talagang idadamay mo pa talaga ako. Alam mo bang madami pa akong pangarap?! Gusto ko pang magka-anak tapos ikaw ang gusto mong mamatay ako?! Hayup ka! Ang sama mong kaibigan!" saad ni Ianna habang nanlalaki ang butas ng ilong. Natawa nalang kami dahil hindi tumalab ang banat ni Lanz. Tsk. Mukhang pabor samin ang round na'to. Nasamin ang alas.

Alam siguro ni Kenzo na ganito ang mangyayari dahil alam naman nating may pagka-slow ang pinsan ko. At ngayon lang nakatulong ang pagiging slow nya. Napakamot nalang ng ulo si Lanz habang natatawa. Good luck nalang sa kanya.

"Ehem*Ehem. Ianna, ihi kaba?" banat ulit ni Lanz at natawa ulit ako dahil kung kanina nanlaki ang butas ng ilong nya, ngayon naman ay halos umusok na ang ilong nya.

"Bakit?! Dahil mapanghi ako?! Ha!" inis na sabi nya at pinandilatan ng mata si Lanz na sa ngayon ay napapangiwi nalang. Natawa nalang kami habang nanonood. May chance na kaming manalo!

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon