Steven's POV
Fuck! Nasan na ba sya! Gabi na pero hindi parin sya nakakauwi! Ganun ba sya nag-enjoy kasama ang lalaking yon at hindi na nya namalayan ang oras?! Tang*na talaga!
"Calm down, Steven. Malay mo pauwi na sila." saad ni Lanz habang nakaupo sa sofa. Tinawagan ko kasi sila nila Zayden para matunton kung saan nagpunta sila Lindsey at baka sakaling may alam sila lalo na si Zayden.
"Hintayin nalang natin si Zayden. Tinatawagan na nya si Jayred." ani naman ni Wayne pero hindi ko parin mapigilan ang hindi mag-alala. Makakatikim talaga sakin ang Jayred na'yon kapag may nangyaring masama kay Lindsey. Masyado nang late pero wala parin sila! Alas dose na ng hating-gabi!
"Natawagan ko na si Jayred at sinabi nyang hindi nya niyayang lumabas si Lindsey. So that means na hindi sila magkasama." napatingin naman ako kay Zayden dahil sa sinabi nya. Paanong hindi?! Ang lalaking yon lang naman ang naglalakas loob na yayain si Lindsey.
Parang may mali...
Nakatingin naman ako kay Stephanie ng makita ko syang papalapit sa kinaroroonan namin.
"Ilang beses ko na syang tinatawagan pero hindi sya sumasagot. At tinatawag ko narin si Tita Leia pero ang sabi nya ay wala daw doon si Lindsey." saad nya kaya napasuklay nalang ako ng buhok ko. Nasaan na ba sya!
"Baka nasa bahay ng pinsan nya, kila Ianna." saad ni Wayne pero agad namang sumabat si Zayden.
"I already called them. Pero maging don ay wala sya." ani Zayden.
Damn! Where are you now, Lindsey?! F*ck! You're making me worried sick about you!
"Then call a police, right now!" sigaw ko sa kanila pero kita ko naman ang pag-iling nila.
"Hindi rin sila gagawa ng aksyon hangga't wala pang 24 hours na nawawala si Lindsey." saad ni Lanz at dahil sa inis ko ay kinwelyuhan ko sya! Anong gusto nyang gawin ko? Ang maghintay lang dito?!
"Stop it, Steven! Walang maitutulong ang init ng ulo mo." ani ni Stephanie at hinili ako palayo kay Lanz na syang naging dahilan para mabitawan ko sya!
Saan ba kasi nagpupunta ang babaeng yon! Akala ko ba si Jayred ang kasama nya?! Kainis! Sana pala pinigilan ko na sya kanina! Tang*na! Napasabunot nalang ulit ang sa buhok ko dahil sa inis at pag-aalala.
"Someone is requesting for video call!" pang-aagaw atensyon ni Wayne kaya napatingin kami sa kanya. At nakita kong cellphone ko ang hawak nya.
"Who is it? " tanong ni Lanz na katabi nya lang pero agad namang umiling si Wayne at sumagot.
"Unregistered number." sagot nya bago tumingin sa akin. "Should I answer it?" tanong nya at tumango nalang ako at hinawakan ang sintido ko dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko.
"Steven!" tawag sa akin ni Wayne kaya agad akong napatingin sa kanya. Iniharap nya naman sakin ang cellphone ko kung saan makikita si Lindsey na walang malay habang nakatali sa upuan at may busal sa bibig.
I knew it! Sinasabi ko na nga bang may nangyaring masama!
"Hi baby!" inagaw ko naman ang cellphone ko ng biglang sumulpot sa screen si Mei.
"Saan mo dinala si Lindsey?! At anong ginawa mo sa kanya?!" Galit na saad ko. Sinasabi na nga bang may kinalaman sya dito dahil mas magtataka pa ako kung wala.
"Ouch.. Sya agad ang hinanap mo?" balik na tanong nya habang nakahawak sa dibdib nya na parang nasaktan talaga.
"Sinabi ko naman kasi sayo noon pa na akin ka lang. Cause anyone can't have you expect me." ngising saad nya at mas napahigpit lalong napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Tang*na! Gusto ko syang sakalin at dukutin sya screen! Hindi talaga sya titigil at pati si Lindsey dinamay nya pa. Hindi nya ba talaga maintindihan na ayoko sa kanya?
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...