Steven's POV
Damn it! Hindi ako mapakali. Naiuwi na namin si Lindsey pero ngayon naman ay inaapoy na sya sa lagnat, dahil siguro yon sa pagkabasa nya sa ulan. Alam nyo bang gustong gusto ko syang sigawan at pagalitan kanina pa? Tch!
Ano bang nasa isip nya at nagpakabasa sya sa ulan? Nababaliw na ba sya? Kung wala lang sana syang sakit ngayon kanina ko pa sya napagalitan. Ang tigas kasi ng ulo.
Nandito kami sa mansion at dito ko sya dinala dahil ayaw na nyang bumalik sa hospital. Kaya naman agad kong tinawagan ang private doctor naming mga Lazaro na syang umaasikaso ngayon kay Lindsey kasama si Tita Leia.
At kami naman nina Mama ay nandito sa living room, naghihintay. Kanina pa ako hindi mapakali dito. Kainis! Napatingin naman ako kay Stephanie ng mapansin kong nakatingin sya sa akin.
"What?!" iritadong tanong ko dahil parang sinusuri at kinukwestyon nya ako sa paraan ng pagtingin nya. Tch.
"Naguguluhan na ako sayo." saad nya habang matamang nakatingin sa akin. Naguguluhan saan? Sa akin? Sya nga ang hindi ko maintindihan, bakit kasi hindi pa nya ako diretsyahin. Ang dami nya pang paligoy-ligoy.
"Ano na naman bang tungkol sakin?!" inis kong tanong at tinitigan nya lang ako bago magkibit-balikat. Ang saya. Ang saya nya talaga kausap. Naintindihan ko kung anong sinabi nya. Tch.
Mas lalo tuloy akong nainis lalo na ng irapan nya ako. Ang sarap nya talagang patulan kung hindi ko lang sya kambal.
Minsan hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto nyang sabihin dahil palaging kulang at bitin ang sinasabi nya. Para syang nagbibigay ng puzzle na dapat kong sagutin bago ko maintindihan kung anong sinasabi nya. Tch.
Mas gusto ko ng diretsyahan kaysa sa pabitin bitin ang sinasabi dahil ngayon ay madali akong mainis. Hindi ko alam pero dahil siguro sa nag-aalala ako. Because of Lindsey. She always making me so worried about her. At apektadong apektado naman ako.
Agad naman kaming napatayo ng mapansin naming pababa na ng hagdan ang doctor kasama si Tita Leia or should I say Mama Leia.
Bakit may angal kayo? Magiging Mama ko rin naman sya soon. Tch. Nagiging advance lang naman ako dahil doon rin papunta yon.
"Kamusta sya?" agarang tanong ko ng makalapit sa amin ang doctor at si Mama Leia.
"Maayos lang naman ang lagay ng batang yon. Pero mas makakabuti kung makakapagpahinga muna sya ng maayos dahil sa ngayon ay nanghihina pa ang katawan nya. At nakalista na dito ang gamot na kailangan nyang inumin dahil mataas parin ang lagnat ng bata." saad ng doctor at akmang iaabot ang listahan ng gamot kay Mama pero agad ko yong hinablot na kinagulat nila pero hindi ko sila pinansin dahil busy ako sa pagtingin sa listahan. Siguro ipapabili ko nalang toh sa maid mamaya.
"Ano ang bawal at pwede nyang kainin?" seryosong tanong ko ng hindi tumitingin sa doctor dahil nasa listahan ang atensyon ko. Kailangan nyang inumin lahat ng gamot na'to?
Nagsalubong naman ang mga kilay ko ng wala akong narinig na sagot sa tanong ko kaya agad akong napatingin sa doctor at sa ngayon lahat sila nakatitig sa akin. Ano na naman ba?
"What?" inis na tanong ko at bigla namang natawa sina Mama at Papa kasama si Tita Leia na nakangiti. Tch. Hindi ko sila pinansin at tinignan ang doctor na nakatingin din sakin akin. Ang bagal magsalita nito! Naiinip nako kaya agad ko syang tinaasan ng kilay.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...