Who?
Lindsey's POV
"Jusko po! Lindsey anong nangyari sayo! " sigaw ni Mama ng makita akong mulat na mulat ang mata pagkapasok nya.
E sa hindi ako nakatulog kagabi dahil bawat pagpikit ko ng mga mata ko nakikita ko ang ngiti ni Steven. At dahil sa ayaw ko syang makita maging sa panaginip, nanatili akong mulat magdamag.
Lumapit naman sakin si mama at tinusok ang eyebags ko.
"Ang lusog ng eyebags mo anak." ani ni Mama habang nakalapit ang mukha nya sa akin.
"Ma, alam mo bang mukha kang tanga dyan sa ginagawa mo?" inis kong sabi. Tusukin daw ba ang eyebags ko. Inaalagaan ko kaya ito dahil ito ang kayamanan ko.
Alam nyo bang eyebags ko lang ang nagmamahal sa akin ng totoo? Kasi kahit paalisin at sabihan ng masasakit na salita ay hindi parin nya ako iniiwan. Loyal at faithful sa akin ang eyebags ko kaya mahal na mahal ko sya. At dahil sa kanya naniniwala na ako sa forever. Iwan man ako minsan ng eyebags ko ay palagi parin nya akong binabalikan.
Diba ang swerte ko dahil sa eyebags ko? Kayo kung ako sa inyo eyebags nyo nalang ang mahalin nyo.
"Bakit ba nandito na kayo, anong oras palang?" tanong ko. Ang aga-aga kasi nang iistorbo na si Mama.
"Sasabay ka sa amin ng papa mong mag breakfast at may pag-uusapan tayo. Kaya tumayo kana dyan at magbihis kana." ani ni Mama.
Masama ang pakiramdam ko dito. Ako? Kakausapin ni Papa? Mukhang bago to. Hindi naman kasi ako kinakausap non dahil hindi anak ang turing nya sa akin at kailan man hindi sya naging ama kahit na kailangan ko sya.
Lumabas naman agad si Mama pagkasabi nya non. Ako naman agad nagbihis. Syempre sunod sunuran lang naman ako dito. Lahat ng utos at gusto ni Papa ginagawa ko baka sakaling dumating ang panahon na mahalin din nya ako.
Nung pinagbubuntis kasi ako ni Mama ang inaasahan nila ay lalaki ako pero isang Lindsey Neia ang lumabas. Gusto kasi ni Papa ng lalaking anak pero hindi na pwedeng magbuntis si mama dahil sa mahina ang matres nya.
At inaasahan nyang unang magiging anak nya ay lalaki pero nagbago ang lahat dahil sa akin. Pagkakamali lang ako.
Minsan nga naiisip ko paano kung naging lalaki ako? Mamahalin kaya ako ni Papa? Sa tingin ko oo.
Pilit ko namang kinukuha ang loob ni Papa pero wala parin. Lahat ng achievements ko sa pag-aaral balewala lang sa kanya dahil never syang naging proud sa akin. Nung bata nga ako sinubukan kong maging lalaki para lang mahalin ako niya ako. Ginupit ko ang buhok ko non para magmukha akong lalaki pero pinalo nya lang ako at pinagalitan.
Lahat ginagawa ko. Lahat ng pinapagawa nya sinusunod ko para mapasaya ko lang sya. Baka sakaling dumating ang araw na ipagmalaki nya ako bilang anak nya. Yun lang naman ang pangarap ko, ang makilala ako ng sarili kong ama bilang isang anak nya. Na makita nya ang halaga ko at mahalin nya sa kung sino ako, babae man ako o lalaki.
Para sa akin kasi mas masakit pa sa breakup ang hindi ka mahalin ng sarili mong ama.
Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at tumungo sa dining. At agad kong natanaw si Papa na nakaupo sa pinakagitnang upuan habang nagbabasa ng dyaryo.
"Papa!" tawag ko sa kanya at napalingon naman sya sa akin. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya para yakapin sya pero pinatigil nya ako.
"I don't like that attitude of yours Lindsey. Act like a lady. " seryoso sabi nya kaya napayuko nalang ako at umupo sa upuang medyo malayo sa kanya na syang palagi kong pwesto kapag kasabay namin syang kumakain.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...